I dedicate this chappy to KatherineSales :))
ROLE 7: Live in Partner
"Stay here for a while and don't let your wol-- Siberian Husky roam and howl inside the house."
Para akong batang binibigyan ng instruction. Hindi ko naman magawang magalit kasi tuliro pa rin ako sa nangyari sa akin. Pinalayas na ako sa condo unit na tinitirahan ko. Gusto kong umiyak pero kahit kaunting dignidad lang, hindi ako iiyak sa harap ni Maj Chavez at sa kaniyang katulong na kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa. Parang pagtataka, gulat at inis ang nakikita ko sa mata ng matandang katulong bago siya lumabas.
"Emer, are you alright?" Lumapit si Maj Chavez at hinawakan ako sa balikan. Nakatingin siya sa mukha ko pero hindi niya mapigilang wag tumingin pababa.
Oo nga pala, nakalimutan kong mag bra.
Niyakap ko ang sarili ko para matakpan yung hinaharap ko samatalang napaatras naman si Maj Chavez at nahihiyang tumingin sa akin. Then he decided to removed his coat ang gave it to me.
"I'm sorry." He said.
Kung normal ako ng nangyari ito baka willing pa akong asarin siya kaso lang.. I'm jobless, monyless, and homeless! Sino ba namang hindi mawawala sa katinuan. Yung condo unit ko na nga lang ang natitira kong pag-aari tapos.. Wala na.
"Sir, handa na po yung maid's quarter." Narinig kong sabi ng katulong ni Maj Chavez.
"Thanks." He acknowledged his maid the went after me and dragged me outside the house to a small concrete house at the backyard.
"Emer," He said when we entered the small room. "Pagpasensyahan mo muna ang tutulugan mo. Puno lahat ng guest room ko ngayon."
Hindi ako sumagot.
"Matulog ka na." Hinawak niya yung balikat ko para maihiga tapos kinumutan ako. "Good night, Emer."
Pinatay niya yung ilaw. Narinig ko pang kinausap niya si Thunder na wag lalabas saka ko lang narinig ang pagsara ng pinto.
Seriously, what happen to my freaking life? All I want is to prove myself but nothing is going right for me. Wala naman akong balat sa pwet.
<3
I woke up very comfortable. I smiled when I remember that I'm sleeping on a bed. Kailan ba huli akong natulog sa kama? Kala ko forever couch na ako matutulog.
Bumangon ako at nakita si Thunder na inaamoy ang paligid. Mukhang nasira na niya rin yung basahan.
Then it hits me. I'm homeless and Maj Chavez being a gentleman and charitable let me stay on his maid's quarter. Oh no!
Bumangon ako kaagad at lumabas sa kwarto. Pumasok ako sa loob ng bahay. Gusto ko lang naman makita si Maj Chavez para magpasalamat at makabayad sa pagpapatira niya sa akin dito kaso lang hindi ko pa man nalalapitan si Maj Chavez, napahinto na ako. Kinusot ko ang mata ko at napapikit-pikit. Double!
"Oh my!" Someone saw me. Maj's mom. "Maj, hindi mo sinabing dito pala natulog ang girlfriend mo." She hugged me.
Ako naman napatanga sa limang taong nakatingin sa akin. Kilala ko yung tatlo pero yung dalawang kambal wala akong idea kung sino sila.
"Isa, Twice, meet Emer, Maj's girlfriend."
Nanlaki yung mga mata nila bago ako lapitan at yakapin.
"Oh my gosh! She's... Sexy!" Hindi ko alam kung si Isa ba o Twice ang nagsabi. Magkamukha kasi sila. Yung buhok nga lang ng sabi ay kulot.
Lumapit naman kaagad si Maj para ilayo ako sa kanila. Ipinulupot niya ang braso niya sa balikat ko at halos iipit na ako sa tagiliran niya.
"Relax, wag niyong ginugulat ang bagong gising." Maj Chavez said playfully then I felt his lips touches my temple.
"Aww! Ang sweet ng pamangkin ko." Tita Jullian said and they all laughed including Maj.
Hindi ko mapigilang wag tumingin kay Maj. Tumatawa nga siya.
"Mas mabuti pa sigurong mag-almusal na tayo." Sabi naman ni Jillian (Mom ni Maj).
"Bago yan, magpapalit muna si Emer ng damit." Sabi ni Maj.
Oo nga pala. I'm still wearing a sando without bra underneath and a short-shorts.
"Wait," Isa or Twice said. "Are you two, living together?"
Before I could answer, Maj Chavez chuckled nervously.
Para namang narinig nila yung sagot kay Maj Chavez at nanlaki ang mata nila.
"Bakit hindi na kayo magpakasal pagkatapos ni Twice?" Jullian asked like it's the best suggestion she ever pulled.
"Ano ka ba, Jullian. Sukob ang kasal." Maj's mom said.
They keep on arguing without knowing that me and Maj Chavez already left. He brought me inside his room. Pano ko nasabing sa kaniya? Everything screams Maj Chavez! The color (red, black and white), the style (modern), the mess (polo and untided blanket) and the smell (mint, salt and musky).
"W-what am I doing here?" Tanong ko na medyo nalilito.
"They think we're living together."
"So?"
Mukhang hindi naman alam ni Maj ang gagawin hanggang sa bigla siyang parang may naisip at nagmamadaling hinalungkat yung cabinet niya. Nagkalaglagan na yung iba niyang damit.
"Here."
Napanganga na lang ako sa hawak niya. Lingerie! "P-pano--"
"And I remember.." Hinalungkat naman niya sa isang cabinet yung dress. A fitted dress!
Hindi ako makapaniwala. Maj Chavez, bading talaga?
"How come you have this?" Gay ba talaga siya?
"Hindi mo magugustuhan ang past experience ko sa buhay." He winked. He freaking winked at me!
What the! Past experience means he tried cross-dressing? Hindi na ako nakapagtanong. Nagpunta na lang ako sa bathroom niya para mag bihis. Nganga na naman ako sa nakita.
Set of body wash!
Sayang naman. Bading pala talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17566292-288-k108353.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️
ChickLitWorst comes to worst. She badly need a job that's why she seduce the oh-so-hot Maj Chavez to let her be part of MJ Entertainment as a new talent/ actress.