ROLE 24: Segunda

20.8K 435 21
                                    

ROLE 24: Segunda

Alive and safe. Thank you po! Akala ko kagabi mawawala na ang aking pinakainiingatan. Para akong cocoon na balot na balot ng kumot. Hindi ko na nga alam pano ako nakatulog. Kala ko hindi na rin ako magigising dahil sa suffocation.

Pagkagising ko wala na si Maj Chavez sa couch. Wala rin siya sa kama pati sa bathroom. Hindi ko na siya hinanap at naligo na. Papasok ako ngayon sa morning workshops ko tapos mamayang tanghali pupunta na ako sa Cavite para sa shoot ng movie. Overnight nga kami ngayon kasi kailangan kaming makatapos ng maraming scene para makasama raw ang movie namin sa MMFF. Is that even possible? To finish movie in a month or two lalo ma't maraming effects ang kailangan?

Well, baguhan lang naman ako sa ganito kaya wala akong alam. Kailangan ko lang ay umarte at obserbahan ang proseso.

Pagkababa ko papunta sa kusina naabutan ko si Maj Chavez na nagluluto. Omelet Rice! "You know how to cook?" I saked almost hopping to look at his work.

"Oo naman."

"Parang wala sa itsura mo eh."

"Nag-aral ako ng short culinary course."

"Why? I mean, it's the wife duty to cook, right?"

"Sinong sexist sa atin ngayon?" Paghahamon niya.

Oo, ako na.

"Kinailangan ni Nico matuto magluto para sa isang culinary series niya. Naisipan kong mag-aral na rin kasabay niya." He explained.

Nico Ciriaco... "Close talaga kayo ni Nico?"

"Childhood friend, bestfriend, brother with different family... we're close like that." Nakita ko yung ngiti niya na parang naaalala si Nico.

"Hindi boyfriend?" Umilag kaagad ako baka kasi maisipan niyang hampasin ako ng sandok.

"You're digging your own grave, Ms. Bernalez."

"Yeah, I'm digging deeper so I can bring you too." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

"Umalis ka na nga dito at mag-set ng table."

"Do you enjoy banging your couch?" Pahabol ko bago lumayo sa kaniya. Asar na naman siya oh!

"Maaga ata kayo ngayon?" Biglang sumulpot si Jillian na bagong gising pa lang. "Kamusta kagabi? Magkaka-apo na ba ako?"

In your dreams, Jillian. "Tita, wala pa kaming balak magka-anak hanggat hindi pa kami kinakasal." Palusot ko na lang.

"Then when is the wedding?"

"Not now, Tita Jillian."

"Call me, Mama. Tutal naman magiging daughter-in-law naman kita."

Oh burn! Pressure!

Buti na lang tapos na si Maj Chavez magluto. Kumain na kami. Mas binilisan ko ang pagkain para magprepare ng sandwich. Iniwan ko sila at naghanda na para gumawa ng egg sandwich na babaunin ko mamaya. Gumawa rin ako ng extra para iwan dito at para baunin na rin ni Maj. Ang sweet kong girlfriend, right?

Pagka-alis namin, sinabay na namin si Jillian (I refused to call her Mama whenever I'm talking to myself) para ihatid sa bus terminal. Nag-commute lang talaga siya papunta dito which Maj hated. Wala naman siyang magawa kasi may kailangan siyang asikasuhin sa office kaya hinayaan na niya yung mama niya mag bus. Anyway, taga-Bulacan pala sila Maj Chavez, hindi Batangas. Nalaman ko lang nang yayain kami ni Jillian na bumisita sa kanila.

Pagkarting namin sa MJ Ent saka ko lang sinabi kay Maj Chavez yung overnight shooting sa Cavite.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Do I have to tell you in advance? Anyway, I made this for you. I'm such a sweet girlfriend, right?" Ibinigay ko yung ginawa kong sandwich para sa kaniya.

"No, you sucks as a girlfriend. Sana man lang sinabi mo kaagad sa akin para maihatid kita papunta sa Cavite mamaya. Now, I sucks as a boyfriend too."

"Don't be over dramatic Maj Chavez. You know how being an actor works. We spent time away and doing shoots even at dawn."

"Pero sana sinabi mo kaagad. Kumpleto ba ang dala mo? May sleeping bag ka ba? Pang palit na damit? Emergency kit?"

"Relax! Para kang..." Mommy. "over-protective boyfriend. Hindi bagay sayo."

"Fine, just," He sighed. "take care."

"Aww! Ang sweet ng boyfriend ko. Ihahatid kita sa office mo para ma-kiss kita in private." I joked. Hindi ko naman siya sinamahan sa office niya. Diretsyo ako para sa workshop.



<3

Mga ten-thirty ako ng tanghali umalis. Nag-text lang ako kay Maj na aalis na ako. Nag-text din ako pagkarating ko sa taping/ shooting. Sa ngayon break ko pa at nag-briefing kanina si direk sa mga kailangan kong gawin kasama si Vince Santos. Anyway, si Vince lang naman ang fiance ko sa palabas na ito. Bilang Segunda (role ko), kailangan kong magmukhang close sa role ni Vince na si Agusto. Vince and I were not that close to begin with. Kilalang kilala na siya sa showbiz. Kahanay niya si Nico Ciriaco kaya medyo nahihiya ako sa kaniya. May aura rin kasi itong mayabang.

"Emer, right?" When he saw me nod, he continued. "You're name is, sorry kung nakaka-offend pero panglalake."

I smiled. "Yeah, I heard people keep on pointing the obvious."

"Alam mo, gusto kita."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Very straight forward and sarcastic."

Uhm, negative traits yung sinabi niya diba?

"I like girls who can get into my nerves. I'm serious. Nakaka-entertain. Nagsasawa na kasi ako sa mga babaeng kung ano sasabihin ko susundin nila."

Ang yabang talaga. "So, ayaw mo ng babaeng pag sinabing mong 'sleep with me' eh papayag sayo?"

"Will you sleep with me?"

"No!" Kahit gwapo ka, solid Nico Ciriaco fan ako.

"That's why I like you." Ngumisi siya.

"At may boyfriend na ako noh." Inirapan ko naman siya. Well, kahit mayabang siya mabilis akong nagiging komportable sa kaniya. Hindi kasi siya fake. Sinasabi niya ang gusto niyang sabihin. At higit sa lahat flirt din siya katulad ko.

"Oh, that's bad."

"Oo, bad ang makipag-flirt sa may boyfriend na."

Ngumisi uli siya. "I think mas challenging yun."

"Ewan ko sayo."

"Alam mo bang may bed scene tayo sa movie na ito. Scene 78." Nakakainis na yung smirk niya.

"So?" Kadiri! "Gagawin mo yung way para makipag-make-out sa akin?"

"Hindi, sa-suggest ko sana na mauna ang make-out session natin para ma-practice natin ang bed scene." Kumindat siya kaya mas lalong nangasim yung mukha ko. "Just kidding!"

"Baliw at bastos pala si Vince Santos!"

Humalakhak lang siya. Noong natapos na ang tawa niya inayos na niya yung sarili niya. "At least naging comportable ka nang kausapin ako. Kanina kasi ang awkward mong kausap."

Marami pa siyang sinabi sa akin. Kwento ng buhay niya, tips sa pag-acting namin at kung pano ako tatagal sa showbiz. Hindi naman pala siya snob. Mayabang, medyo, pero mabait naman siya.

Nico Ciriaco pa rin ako!







---------<3



Nakahanap na si Emer ng katapat niya. Hahaha!

sa mga naghihintay pala ng UD ng My Secret Affair,, wait lang... medyo hindi ako satisfied sa nagawa ko. Uulitin ko pa.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon