I Dreamt of Paris

728 40 17
                                    

"Ladies and Gentleman, welcome to Charles de Gaulle Airport. Local time is 8:04 am. For your safety and comfort please remain seated with your seatbelt fasten until the captain turns off the fasten seat belt sign. On behalf of Cathay Pacific and the entire crew thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again. Have a nice day and enjoy your stay in Paris!"

Finally...

Nang marinig ko sa speaker ang magandang boses ng babae ay agad kong iminulat ang aking mga mata mula sa pagkakaidlip. Naramdaman ko na lang na unti-unti ng bumababa ang eroplano at ilang sandali pa ay lumapag na ito sa lupa. Agad akong nakaramdam ng excitement. Sa wakas, ang pinapangarap kong Paris ay malilibot ko na.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, agad na akong lumabas ng airport matapos kong dumaan ng immigration. At sa labas ay agad kong nilanghap ang simoy ng hangin. Haaay, amoy PARIS.

Bumungad sa aking harapan ang traffic ng lungsod. Bigla kong naalala ang EDSA sa Pilipinas. Nangiti ako sa aking sarili. Kumpara sa EDSA, masasbi kong ayos lang matraffic ako sa lugar na ito.

Ilang minuto rin akong naghintay bago ako nakakuha ng cab na siyang magdadala sa akin sa hotel. Isang matandang lalaki ang nakangiting lumabas ng cab na ginantihan ko rin ng matamis kong ngiti.

"Madam let me help you with your luggage." Sabi ng cab driver at agad kong iniabot sa kanya ang bitbit kong dalawang bagahe.

Habang isisnisilid ng cab driver sa tarangkahan ng kanyang taxi ang aking mga bagahe ay napatingin ako sa kalangitan at nakangiting binati ang papasibol na araw. Muli ay nilanghap ko ang simoy ng Paris. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang narito na ako.

"So where can I get you young lady?" Muling nakangiting tanong ng driver sa akin sa lenggwaheng Ingles. Medyo nasorpresa ako sa galing niya sa pagsasalita ng Ingles. Agad ko namang ibinigay ang address ng hotel.

Sa biyahe ay nakipag-usap ako sa driver. Sa hindi maipaliwanag na dahilan komportable akong nakipagkuwentuhan sa kanya. Naikuwento niya sa akin ang buhay niya dito sa Paris pati na rin ang kuwento ng kanyang pamilya. Hindi ko rin naiwasang ikuwento ang ilang bahagi ng aking buhay. Sa pakikipagkuwentuhan ko sa driver ay naalala ko sa kanya ang aking lolo. Kasing giliw niya ito noong nabubuhay pa. Sa takbo ng biyahe ay hindi ko rin maiwasan tumingin sa labas at mamangha sa ganda ng Paris. Hindi talaga ako nagkamaling pag-ipunan ang trip na ito. Sa loob ng isang linggo, makakapiling ko ang Paris.

Makalipas ang halos tatlumpung minutong biyahe ay nasa tapat na kami ng hotel. Nakangiti kaming nagpaalamanan ng cab driver sa isa't-isa. Dahil medyo mahaba ang binyahe ko mula Pilipinas hanggang dito ay naisip ko munang magpahinga. Bago ako humiga ay tinanaw ko muna ang Paris mula sa bintana ng aking kuwarto. Mula doon ay natanaw ko ang pamosong Eiffel Tower. Bagama't excited akong agad na mapuntahan iyon, pinigilan ko ang aking sarili. I have a lot of time. At dahil umaga pa naman, naisip kong sa hapon ko na sisimulang libutin ang siyudad ng Paris.

4:00 pm na ng bumangon ako. Ngayon na ang simula ng paglilibot ko. Excited talaga ako. Come on? Who doesn't want to see the Eiffel tower and the town of romantic?

Sumakay ako sa Metro para matunton ang Eiffel Tower and to my surprise, malapit lang ito sa aking hotel. Mga 10 Minutes na biyahe siguro. Medyo hindi naman pala kalakihan ang Eiffel Tower na aking inaakala, pero it was just as beautiful as the pictures na nakita ko na. Kung meron lang sana akong magandang camera. Malamang maja-justify ko ang ganda nito.

Gamit ang camera ng aking iPhone5, I took some photos of the Tower pati na rin ang The East Lake at ang mga bangkang malapit dito. At bukod sa Eiffel Tower ay meron ding malaking park kung saan maraming tao ang naglalakad dito, ang Champ de Mars. Inilibot ko ang aking mga mata hanggang sa makakita ako ng bakanteng bench. Agad ko iyong tinungo.

My Romantic Textmate (Message Sent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon