Chapter Eighteen

4.1K 349 6
                                    

Linggo. Maagang gumising si Jenny dahil excited siyang samahan si Roy sa pagbili nito ng aso ngunit naputol ang kasiyahan niya ng mula sa bintana nakita niyang madilim ang kalangitan. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan. At hindi nga siya nagkamali sapagkat bumuhos nga ito makaraan ang ilang sandali.

"Jen, ako na lang ang mag-isang bibili ng tuta hindi na kita isasama, masyadong malakas ang ulan."

"Ano ka ba? Hindi naman siya ganoon kadelikado."

"Baka kasi lamigin ka, magkasakit ka pa."

"Ayos lang, huwag mo akong alalahanin. Tiyaka, nakabihis na ako't papunta na ako sa inyo."

"Haay Jenny, ikaw ang bahala."

"Oo, ako ang bahala. Basta hintayin mo ako."

At makalipas nga ang ilang minuto ay dumating na si Jenny na may dalang malaking payong sa boarding house na tinutuluyan ni Roy.

"Hinding-hindi tayo mababasa sa laki niyan." Ani Roy sabay nguso sa dalang payong ni Jenny.

"Siyempre. Ano aalis na ba tayo?"

"Oo. Habang maaga pa." ani Roy.

Palabas na ang dalawa ng biglang bumungad sa kanilang harapan si Leo. Nagulat si Jenny ng makita ito, gayundin ito sa kanya.

"Napadaan ka Leo?" tanong ni Roy sa kaibigan."

"Idinaan ko lang yung DVD na hinihiram mo."

"Ganoon ba? Salamat. Mamaya pagdating ko papanoorin ko 'yan."

"Saan ang punta ninyo?"

"Sa petshop, bibili ng peace offering para kay Mich."

"Wow! That's nice! Dala ko yung sasakyan, hatid ko na kayo?"

"Hindi ako tatanggi diyan lalo na ngayong malakas ang ulan."

"Sasama ka?" hindi na napigilan ni Jenny ang sumabat sa usapan.

"Hindi ba puwede?" si Leo sabay tingin kay Jenny.

"Okay lang ba na ihatid tayo ni Leo?" si Roy.

"Okay lang." hindi na nakapalag pa si Jenny.

Bagama't hindi na ganoon kalaki ang galit na nararamdaman ni Jenny kay Leo, hindi pa rin siya gaanong komportableng makasama ito kaya naman sa sasakyan ay hindi niya maitago ang pagkailang niya rito.

Sa petsop bumungad sa kanila ang sari-saring hayop partikular na ang mga aso.

"Why not Shih Tzu. Michelle had this kind of dog before." Si Leo.

"Nakuwento nga sa akin ni Michelle." Ani Roy sabay tingin sa aso na sa tingin niya'y magugustuhan ni Michelle. "Maganda siya diba at mura pa?" sunod niyang tanong matapos makita ang preyo nto. P6,000.00

Tila wala sa sariling tumango si Jenny sa tanong ni Roy. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa nakikita. Si Leo ba talaga ang nasa harapan niya ngayon? Huling pagkakatanda niya, muntik na nitong saktan yung aso sa park kung hindi niya lang ito naawat.

"Sige ito na lang." si Roy.

"Akala ko ba ceasefire na kayo?" ani Roy kay Leo ng lapitan niya ito habang tumitingin-tingin si Jenny sa iba pang hayop..

"Oo, pero ayaw pa rin akong kausapin."

"Kung tabihan mo kaya mamaya pag-uwi. Ako muna ang magda-drive."

"Magandang ideya 'yan." Sang-ayon ni Leo. Kaya naman ng natapos ang pagbili nila ng aso ay sa likuran ng sasakyan siya umupo.

"Anong ibig sabihin nito?" si Jenny ng tabihan siya ni Leo.

"I asked him Jen na tabi muna tayo. Hindi mo kasi ako kinakausap." Nakangiting sabi ni Leo.

"Tama Jen, I think kailangan ninyong mag-usap. Para kasi kayong mga sira. Hindi kayo nagkikibuan. " Natatawang sabi ni Roy.

"Roy, marunong ka bang mag-drive?" si Jenny.

"Don't worry Jen, marunong ako." Ani Roy at inilabas ang driver's licence sa piraka. Ilang sandali pa'y pinaandar na nito ang sasakyan.

Pero tila walang epekto ang pagtabi ni Leo kay Jenny. Sa halip na mag-usap ay lalong nakaramdang ng ilangan ang dalawa. Kung kaninang hindi sila magkatabi'y nakukuha pa ni Leo magsalita ngayon hindi na.

"Hindi talaga kayo mag-uusap?" ani Roy at iginilid ang sasakyan at inihinto. "Hindi tayo aalis dito hangga't di kayo nag-uusap."

"Roy!!" malakas na tili ni Jenny.

Nanlaki ang mata ni Roy ng makita ang puting sasakyang tila walang prenong bubunggo sa kanila. Agad na pinaandar ni Roy ang sasakyan at sinubukan itong iiwas ngunit huli na ang lahat.

"BOOM!!" Iyon ang huling narinig ni Jenny bago siya tuluyang mawalan ng malay.

----------

"Anong nangyari?" tanong ni Jenny ng magkamalay siya at makita ang sariling nakahiga at may dexstrose ang kaliwang kamay.

"Naaksidente kayo!" Ani Vince na buong araw na nagbabantay sa kanya hanggang sa magkamalay siya.

"Si Roy?" tanong ni Jenny na agad nakaramdam ng kaba ng maalalang ito ang nagmamaneho ng sasakyan. "May masama bang nangyari sa kanya?"

"Ligtas na siya, pero kailangan niyang masalinan ng dugo. Dahil maraming dugo ang nawala sa kanya." Pagtatapat ni Vince sa kaibigan.

Nag-uusap ang dalawa ng bumukas ang pinto at tumambad sa kanilang harapan si Leo. May benda ang kaliwang kamay nito at may pasa ang kaliwang pisngi. "Kumusta ka na?" tanong nito kay Jenny.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito." Galit na sagot ni Jenny sa lalaki. "Kung hindi mo hinayaang magmaneho si Roy hindi ito mangyayari."

"Sorry."

"I hate you and I don't wanna see you." Mahina ngunit ramdam ang galit na sabi ni Jenny.

"I'm very sorry Jenny." Malungkot na sabi ni Leo na nakayukong lumabas ng kuwarto ni Jenny.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon." ani Vince sa kaibigan.

"He deserves it."

"Jenny, aksidente ang nangyari at walang may gusto noon at alam mo 'yon." Si Vince.

"I don't know Vince, I just hate him for what happened."

"You should not be. Kung iisipin mo ang lahat ng nangyari you will realize na walang kasalanan si Leo. Hindi sa sinisisi kita pero you were with Roy because you would like to make-up for what you did to him. It just so happen na nandoon si Leo, trying to help."

Tila natauhan si Jenny sa sinabi ng kaibigan. May punto ito at kung tutuusin ay siya naman talaga ang pinagmulan ng lahat ng ito.

My Romantic Textmate (Message Sent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon