Wednesday. Magkahalong inis at hiya ang nararamdaman ni Jenny habang iniaabot sa guwardiya ang ticket niya para sa Speed Dating Event. Kung hindi lang kay Vince na pinilit siyang sumama ay hindi talaga siya magpapa-register dito.
"Hurry up Jen, they're about to start." Pagmamadali ni Vince.
At wala ring nagawa si Jenny kung hindi ang magmadali at sumunod sa kaibigan. Ganoon na lamang ang gulat niya ng pagpasok sa restaurant ay bumungad sa kanya ang napakaraming tao.
Iniligid-ligid niya ang mga mata at napansin niyang halos lahat ng klase ng tao ay naroon. Bata, matanda, payat, mataba, guwapo, maganda at hindi gaanong maganda ay naroroon. At dahil nga speed dating event ito expected ng lahat ng narito ay single tulad niya.
"I smell fun." Ani Vince na bakas sa mukha ang excitement.
"Vince, I really am not in the mood for this."
"Huwag ka ngang KJ. This is just going to be for two hours."
"This will be the last Vince."
"Oo na. Just enjoy! And please be nice to people." Paalala nito.
----------
At gaya ng inaasahan, kung gaano nai-enjoy ni Vince ang speed dating ay siya namang kabaligtaran ni Jenny. Pakiramdam niya ay isang torture ang pakikipag-usap ng tigsa-sampung minuto sa mga lalaking naroroon. Sa walong lalaking nakausap na niya wala ni isa man dito ang kumuha ng kanyang interes. Sure, some of them are good looking, some of them are professionals, pero kung hindi masyadong proud sa sarili ay nuknukan naman ng hiyain ang mga ito.
"So Jenny, will you go out on a date with me this Valentines?" Nakangiting sabi ng isang nagpakilalang propesor matapos ang sampung minuto nilang pag-uusap.
"Thanks for the invite Rubito, but let me just check the other guys first. Nice meeting you though." Ani Jenny.
"I see, well let me just give you my number then." Ani Rubito sabay abot kay Jenny ng calling card.
"Okay." Ani Jenny na hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon sa tinuran na 'yon ng propesor.
"Call me, okay?" huling hirit ng lalaki bago ito tumayo.
Tanging tango na lang ang naisagot ni Jenny rito at ng makaalis ito ay di niya napigilang mapabuntong-hininga. Agad namang napalitan ng ngiti ang iritang mukha niya matapos marinig ang announcement ng organizer na ang susunod na taong makakaharap ay siya ng huli nilang makakausap. Ganoon na lamang ang kabang naramdaman ni Jenny matapos tumambad sa kanya ang pamilyar na hitsura ng lalaki.
"Hi I'm Christian Angeles." Pagpapakilala ng lalaki.
"Christian?" muling tanong ni Jenny sa lalaking kaharap.
"Yes. I'm Christian." Muling pagpapakilala nito sa sarili.
"It's me Jenny." Aniya habang tinuturo ang sarili.
"Okay, Jenny, so how are you?"
"No Christian, it's me Jenny or Belle. Don't you remember?" Pilit na pagpapaalala ni Jenny sa sarili.
"Sorry Jenny or Belle, I don't. So, we've met already?"
"Yes, we've met sa isang restaurant sa Greenbelt, and that was about 5 years ago." Pagpapalala ni Jenny.
"We've met, really. Sorry pero di ko siya maalala."
"Yes! And after we've met, hindi na ako naka-receive ng texts from you."
"That's because I didn't know you're number."
"How come? We're textmates. Ikaw si Mr. White Guy. I'm sure of that dahil natatandaan ko ang hitsura mo. Halos wala kang ipinagbago. At noong araw na magkita tayo, you gave me this." Ani Jenny at ipinakita rito ang suot niyang kuwintas.
"Ow! Now I remember you." Nakangiting sabi nito. "Pasensiya na kung hindi kita agad nakilala, nag-iba na kasi yung hitsura mo. You're more attractive now." Pambobola nito.
"Thank you. And I know I have thanked you before but let me just thank you again for giving me this necklace."
"Well actually, yes, I'm the one who gave you that necklace, pero hindi siya galing sa akin."
"Anong ibig mong sabihin?" Tila naguguluhang tanong ni Jenny.
"I remember, there's this one guy who approached me. He said he'll give me two thousand pesos kung magpapanggap daw akong textmate mo. At first I was hesitant but I find the idea very sweet. He also assured me na the one that I'll be meeting ay mabait at harmless, so, I agreed. At ang hindi ko makakalimutang bilin niya sa akin, whatever happen daw, I have to give you that necklace."
"Ibig mong sabihin, di talaga ikaw ang textmate kong si Mr. White Guy." Tanong ni Jenny na hindi makpaniwala sa ikinuwento ng lalaki.
"Not me." Ani Christian sabay iling.
"Okay kung hindi ikaw, sino?"
"Well, hindi ko rin siya kilala personally, pero ang natatandaan ko sa feature niya, he looks weird pero mukha naman siyang mabait. And I remember he told me how he really likes you, a lot."
Hindi alam ni Jenny ang magiging reaksiyon sa ipinagtapat na 'yon ni Christian. Magkahalong sakit at lungkot ang naramdaman niya at muling nanariwa sa kanyang alaala ang nangyari noong araw ng una nilang pagkikita ni Christian limang taoon na ang nakakaraan.
Sabado ang napagkasunduan nilang araw ng pagkikita ni Mr. White Guy. Wala sana siyang balak na kitain ito dahil sa malungkot na nangyari noong araw na 'yon pero mapilit si Mr. White Guy. Buong umaga siya nitong tinext hanggang sa mapapayag siyang makipagkita rito. Pati ang napag-usapan nilang susuoting damit ay tandang-tanda pa niya. Pink dress ang sa kanya samantalang blue shirt naman ang kay Mr. White Guy.
Sa isang kilalang restaurant sa Greenbelt sila nagkita sa oras na alas-siyete ng gabi, right in time for dinner. Bagama't hindi siya late gaya ng nauna nilang dapat na pagkikita, ay naroon na ang katagpo niya ng dumating si Jenny. Nakangiti itong kumakaway sa kanya na parang kilala na siya nito gayong noong araw pa lang naman sila unang nagkita. Tumango ang lalaki ng tawagin niya itong Mr. White Guy at tinawag naman siya nitong Belle. At nang makaupo na siya'y nagpakilala ito bilang Chris at ibinigay naman niya ang kanyang tunay na pangalan at paulit-ulit ang pasasalamat nito sa pakikipagkita niya sa kanya.
Hindi man niya gaanong matandaan kung ano ang mga napag-usapan nila noong araw na 'yon pero hindi niya makakalimutan ng may iabot sa kanyang maliit na kahon si Chris na ng buksan niya ay naglalaman ng isang kuwintas. Noong una'y nag-aalangan si Jenny na tanggapin ito dahil nahihiya siyang tumanggap ng anumang regalo sa taong noon lang niya nakita ng personal pero naging mapilit si Chris kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi ang kunin ito.
Halos tatlong oras din ang itinagal ng date nilang iyon at bago maghiwalay ay napagkasunduan nilang magkita ulit. Ngunit ito na pala ang huling pagpaparamdam ni Mr. White Guy sa kanya. Kahit ang huling text niya ng pasasalamat rito matapos ang date nila ay hindi nito sinagot. Ganoon na lang ang pagtataka ni Jenny sa mga nangyari.
Iniisip niya tuloy kung meron ba siyang nagawang pagkakamali o meron ba siyang nasabing masama o kaya'y hindi siya ang tipo nitong babae kaya hindi na ito nagpaparamdam. Ilang araw din niya itong paulit-ulit na tinext ngunit wala siyang nareceive na reply mula dito hanggang sa sumuko na lang siya at pinilit na kalimutan ang lahat.
"Excuse me." Ani Jenny na hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha. At dahil sa nahihiyang ipakita ito sa kaharap ay tumayo na si Jenny at iniwan sa mesa ang nagtatakang kausap na si Christian.