Mr. Overconfident (Chapter 4)

115 0 0
                                    

"Gising na boss, hanggang dito na lang tayo." Sabi ng taxi driver pagkatapos nitong tapikin ang nakatulog nitong pasahero.
"Rox na po ba 'to Manong?" Pupungay-pungay ang matang tanong ni Inigo sa driver.
"Banda roon pa iho, konting lakad, hindi ko na maiipapasok itong taxi, hinarangan nila. May event yata."
"Ganoon po ba? Sige po salamat." Ani Inigo sabay abot ng bayad sa driver.
Pagkalabas ng taxi ay nagmamadaling lumakad si Inigo patungo sa direksyong itinuro ng driver. Napangiti siya ng mula sa malayo ay nakita niya ang signage ng Rox na meeting place nila ni Sofia kaya mas binilisan pa niya ang lakad.
4:30am ang usapan nila ni Sofia at 4:15 na sa relo niya. Kinakailangang hindi siya mahuli sa usapan nila. He needs to set a good first impression sa first date nila para naman kung maging maganda ang takbo ng lahat ay masundan pa ito.
At ilang minuto nga ay nasa tapat na siya ng Rox ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng makita ang maraming taong nagkukumpulan dito.
"Inigo!" Narinig niyang tawag sa pangalan niya na ng lingunin niya ay nakita niyang si Sofia na nakatayo sa gilid ng Rox. Nakangiti itong kumakaway sa kanya at agad naman niya itong nilapitan.
"You came!" Nakangiting sabi ni Sofia.
"Of course, ako pa ba?" Nakangiting sagot ni Inigo.
"Yeah right!" Natatawang sabi ni Sofia. "Oh ito isuot mo." Dugtong nito sabay abot ng singlet kay Inigo.
"Wait! Para saan ito?" Nagtatakang tanong ng lalaki.
"Hindi ba obvious sa nakikita mo? Sa suot ko at sa suot ng madaming tao?"
Umiling si Inigo.
"Okay para sa kaalaman mo, kasali po tayo sa fun run kaya isuot mo na 'to. Bilisan mo!"
"Okay! Saan ba ako pwede magpalit?"
"Dito. Nakashorts ka naman na, itong singlet na lang naman ang isusuot mo."
"Dito?"
"Bakit nahihiya ka? Ayos lang naman 'yan lalaki ka naman."
"Hindi naman sa nahihiya ako, ayoko lang na pagtilian ako ng mga tao."
"Excuse me? Pagtilian?" Natatawang tanong ni Sofia.
"Ang sabi ko pagtinginan." Natatawang sagot ni Inigo sabay hubad ng t-shirt at pagkatapos ay madaling isinuot ang hawak nitong singlet.
Bagama't iniexpect naman ni Sofia na susunod si Inigo, hindi pa rin niya naialis ang makaramdam ng kaunting hiya sa nakita.
"Grabe naman 'to Sofia, first date pa lang natin nakita mo na yung hubad kong katawan. I think I deserve a second date na."
"Ano? Nag-uumpisa pa lang tayo ng first date, meron ka na agad alam na second date. Eh kung huwag mo na lang kaya ituloy itong first date?"
"Ikaw naman, nagbabakasakali lang 'yong tao."
"Okay sige, just to be fair. Kapag nauna ka sa finish line, I may consider yang second date na request mo."
"Talaga?!" Abot tenga ang ngiting tanong ni Inigo.
"Okay, just to be clear, ang sabi ko 'I may consider' ha?"
"I'm sure you will consider, trust me."
"Alam mo, grabe talaga yang Over-confidence mo."
"Well, Mr. Overconfident, that's me!!" Ani Inigo sabay turo sa sarili.
"O siya Mr. Overconfident, i-pin mo na 'to sa singlet mo." Ani Sofia sabay abot ng track number sa lalaki. "#1435 ka at #1436 ako." Dugtong niya.
"Number 1435? Wow!" Ani Inigo kasabay ng pilyong ngiti. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng #1435?"
"Ano?" nagtatakang tanong ni Sofia.
"1435 means I, LIKE YOU SOFIA." Nakangiting sagot ni Inigo na sinabayan ng pagtaas ng dalawang kilay.
"Eeeew!! Ang corny mo!" Ani Sofia na hindi napigilan ang matawa.
"Eh yung sa'yo alam mo ba ibig sabihin ng number mo?"
"O sige, ano?"
"I like you Inigo!" Natatawang sagot ni Inigo.
"Sorry, 5 letters lang ang pangalan mo."
"Ah doon ka nagkakamali. Yung pangalan ko may letter h sa dulo. Inigoh!!"
"Suko na talaga ako sa kacornyhan mo." Natatawang sabi ni Sofia. "O siya, halika na Inigoh, magsisimula na ang fun run." Dugtong niya sabay hatak sa braso ng lalaki.
At makalipas nga ang ilang sandali ay nakapila na ang lahat ng participants para sa pagsisimula ng fun run. Bakas sa mukha ng lahat ang excitement maliban kay Inigo na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman. Excitement dahil sa activity na magkasama nilang gagawin ni Sofia at kaba dahil hindi niya alam kung magagawa ba niyang unahan ito sa finish line.
Sa totoo lang ay hindi siya mahilig tumakbo. Bagama't batak ang katawan niya ito ay dahil sa sports niyang swimming. Ni hindi na nga niya matandaan kung kailan siya huling nag-jogging o kaya'y nag-gym.
"Ano, handa ka na ba?" Nakangiting tanong ni Sofia kay Inigo.
"Oo naman, ikaw ba handa na?"
"Of course! Isang linggo kaya akong nag-jogging!" Confident na sagot ni Sofia.
"Oh basta don't push yourself, pahinga kung hindi mo na kaya ha." Paalala ni Inigo. "At kahit sino pang mauna sa atin tatandaan mo, 1435." Dugtong nito sabay kindat kay Sofia.
"Oh shut up!" Natatawang sagot ni Sofia.
At ilang sandali pa ay tumunog na ang warning shot at nagsimula ng tumakbo ang lahat. May mga participants na mabilis ang takbo sa simula at meron din namang parang naglalakad lang sa bagal. Samantalang si Inigo at Sofia ay katamtaman lang ang bilis ng takbo na katulad ng pacing ng karamihan sa mga participants.
Natapos ng dalawa ang una sa limang kilometro na hindi gaanong dama ang pagod. Katunayan nga ay nakuha pa nilang magtawanan habang tumatakbo. Ngunit ng matapos nila ang ikatlong kilometro, ay nakaramdam na ng pagod si Inigo pero hindi niya ito ipinahalata kay Sofia. Napansin na lamang ito ng babae ng hindi na niya makita ang kasabay niya sa pagtakbo. Huminto kasi Inigo sa Water stop para umiinom ng maraming tubig. Napangiti na lang si Sophia sa isiping mauunahan niya si Inigo sa finish line. Subalit ganoon na lang ang pagtataka niya ng biglang sumulpot sa kanyang tagiliran ang lalaki.
"I'm back!" Nakangiting sabi ni Inigo habang tumatatakbong nakatingin kay Sofia .
"Napagod ka?" Nakangiting tanong ni Sofia.
"Yup, but now I'm fully energized!" Sagot ni Inigo.
Hindi naiwasan ni Sofia ang mapangisi sa sinabi ng lalaki kaya naman diniretso na lang nito ang direksyon ng kanyang tingin hanggang sa makarating sila sa Water stop ng ikaapat na kilometro.
Bagama't nakakaramdam ng uhaw ay dumiretso pa ri ng takbo niya si Sofia. At dahil nga marami ng nainom na tubig si Inigo sa naunang water stop ay dumiretso na rin ito ng takbo.
Ngunit nang makalampas na sa Water Stop ang dalawa ay agad huminto si Sofia. Huminga ito ng malalim at saka yumuko. At ng muli nitong iangat ang ulo ay sunod-sunod na hingang malalim ang ginawa nito na sinabayan pa nito ng paghimas-himas sa dibdib. Nang mapansin ito ni Inigo ay agad siyang huminto sa pagtakbo at agad nilapitan si Sofia. "Are you okay?" Tanong nito.
"Naninikip lang yung dibdib ko." Sagot ni Sofia.
"Ha? May masakit ba? What do you want me to do?" Ani Inigo na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Okay lang ako, tubig lang katapat nito. Sige na mauna ka ng tumakbo. Babalik lang ako sa Water stop."
"Sabi ko naman kasi don't push yourself. Tsaka bakit hindi ka kasi uminom ng tubig?"
"Huwag mo na akong sermonan, sige na mauna ka na at babalik lang ako ng water stop." Tila iritableng sagot ni Sofia.
"Huwag na! Ako na ang kukuha ng tubig para sa'yo. Magpahinga ka na lang diyan."
"Sigurado ka?" Hinahabol ang paghingang tanong ni Sofia.
Agad namang tumango si Inigo.
"Okay. Thanx."
Pagkaraan ay tumalikod na si Inigo at tumakbo pabalik ng Water stop para ikuha ng tubig si Sofia. Ng makita naman ni Sofia na malayo na ang agwat sa kanya ni Inigo ay mabilis siyang dumiretso ng takbo. Hindi niya napigilang tumawa habang iniisip na nagulangan niya ang lalaki.
At iyak-tawa na lang ang naging reaksiyon ni Inigo ng marealize niyang niloko lang siya ni Sofia ng wala na ito ng balikan niya bitbit ang kinuha niyang tubig para dito.
"I won!" Nakangiting sabi ni Sofia na nakaabang na sa finish line.
"You cheated!" Natatawang sagot ni Inigo.
"No I did not. Ginamit ko lang utak ko."
"Still, you cheated!"
"Whatever!" Ani Sofia sabay tawa. "So paano ba 'yan wala tayong second date?"
Yumuko lang si Inigo at hindi sumagot.
"Don't worry, so far nag-eenjoy naman ako dito sa first date natin at hindi pa naman ito tapos. Why don't we make the most out of it?"
"Okay." Pilit ang ngiting sagot ni Inigo. "So where do you want to eat?"
"I want McDo! Okay lang ba sa'yo 'yon?"
"Walang problema sa akin ang McDo kung doon mo gustong kumain."
"Yes! I want spaghetti, cheeseburger and fries."
"Okay. McDo it is then!"
At ilang sandali pa ay kumakain na ang dalawa sa McDo.
"What?" Tanong ni Sofia kay Inigo ng mapansin niyang pinagmamasdan siya nito habang kumakain.
"Nothing." Sagot ni Inigo.
"Anong, nothing eh natatawa kang nakatingin sa akin. So anong iniisip mo?"
"Iniisip ko lang kung mauubos mo bang lahat ng 'yan?" Ani Inigo na ang tinutukoy ay ang spaghetti, dalawang cheeseburgers, large fries at large coke na inorder ni Sofia para sa sarili.
"Nadadamihan ka ba dito?"
"Bakit konti pa ba 'yan? May gusto ka pa bang kainin? Sabihin mo lang."
"Oo gusto ko pa sana ng isa pang order ng ganito, to go."
"Walang problema pagkatapos nating kumain uorder pa tayo."
"Ang gullible mo! Kumain na nga tayo!" Natatawang sabi ni Sofia at nagsimula na itong sumubo ng pagkain.
"Ganyan ka ba talaga?" Tanong ni Inigo na nagsimula na ring kumain ng 1 pc chicken niya.
"Anong ganyan?" Ani Sofia na hindi naintindihan ang tanong ni Inigo.
"Ganyan ka ba talaga kaganda na kahit kumakain ka ay attractive ka pa rin?"
"Pumipick-up line ka ba? Kasi hindi bumibenta sa akin 'yan. And don't think na makakasecond date ka diyan."
"Wala ba talaga tayong second date? Because I really believe I deserved a second date."
"Oh yeah? Okay. Give me a reason, or at least 3 reason why you deserve a second date."
"3?"
"Yes 3."
"Okay, uhm, first, just on our first date you already saw me naked. Second, dinaya mo ko sa fun run and third I want to be with you because I really like you. And being with you on another date will make me really happy."
Huminto si Sophia sa pagkain at pigil ang tawang tumingin sa kanya. Aaminin niya, may mga pagkakataong hindi niya talaga kinakaya ang pagiging straightforward ng lalaki. "Correction, first I only saw you shirtless not naked, second we don't have rules therefore I did not cheated and third, hindi ako clown para pasayahin ka. Ikaw lang naman ang may gusto sa akin, wala akong gusto sa'yo." Nakangiting sagot ni Sofia.
"Correction. Wala pa. Wala ka pang gusto sa akin."
"And what makes you think na magkakagusto ako sa'yo?"
"I just feel it. All I'm asking is for you to give me a chance to show you who I really am para malaman mong maraming bagay kang magugustuhan tungkol sa akin."
"Suko na talaga ako sa pagiging persistent mo. Seryoso ka talagang gusto mo ako, ha?"
"Dead serious."
"Okay sige, just to be fair para hindi m isiping nilamangan kita. I'll be at Shang tonight at 7pm, may free screening para sa Italian Film Festival. You're welcome to join me." Nakangiting tanong ni Sofia.
"So meron tayong second date mamaya?"
"It's up to you. If you're free and if you wanna come? So do you wanna come?"
"Si, Bella Signora." Abot tenga ang ngiting sagot ni Inigo.
----------
Alas otso ang screening ng pelikula pero sampung minuto bago mag-alas siyete ay naroon na sa Shangri-la si Sofia. Naisip niyang dahil free admission ang pelikula malamang na mahaba ang pila kaya kinakailangan niyang maging maaga. At hindi nga siya nagkamali dahil malayo pa siya sa ticket booth ay pansin na niya ang haba ng pila. Agad pinanghinaan ng loob si Sofia. Sa nakikita niya kasing dami ng tao baka hindi na sila makapasok na dalawa ni Inigo. Agad niyang kinuha ang cellphone niya para tawagan si Inigo at ipalam dito ang sitwasyon.
"Where exactly are you?" Tanong ni Inigo sa kabilang linya.
"Ngayon, nasa dulo ng pila." Malungkot ang tinig ni Sofia.
"Okay, umalis ka na diyan dahil nakapila na ako malapit sa unahan."
"Are you serious?" Nagtatakang tanong ni Sofia.
"Oo naman. Look, I will raise my hand." Ani Inigo sabay taas ng kamay nito.
Abot tenga ang ngiti ni Sofia ng makita ang nakataas na kamay ng lalaki. Masaya siyang lumakad papalapit dito.
Tulad ni Sofia ay abot tenga rin ang ngiti ni Inigo ng makita si siya. "This guy beat me by a minute." Anito sabay turo sa matandang lalaking nakapila sa kanyang unahan.
"Anong oras ka pa dito?" Tanong ni Sofia.
"Six." Nakangiting sagot ni Inigo.
"Mag-iisang oras ka ng nakapila dito?" Hindi makapaniwalng tanong ni Sofia.
"Yup. Siyempre, I want our second date to be perfect kaya ayun I researched about this Film Festival. At isa pa kinakausap naman ako ni Mang Bert." Anito sabay tapik sa matandang lalaki sa kanyang unahan. "Mang Bert ito na po si Sofia yung kinukuwento ko sa inyo kanina."
"Ay siya ba yung ikinukuwento mong nililigawan mo?" Nakangiting tanong ng matanda matapos ipakilala sa kanya si Sofia.
Magkasamang tango at ngiti ang isinagot ni Inigo.
"Eh tugma naman pala talaga ang deskripsiyon mo. Kagandang babae naman pala talaga."
"Ay salamat po." Nahihiyang sabi ni Sofia.
Pagkatapos ng pagpapakilala ay kung ano-ano pa ang napag-usapan ng tatlo. At bagamat naikuwento na ni Mang Bert kay Inigo ang dahilan ng pagkahilig niya sa panonood ng Italian movie ay muli nitong ikinuwento para naman sa kaalaman ni Sofia.
Minsan daw kasing nagtrabaho ang matanda bilang hardinero sa Salerno at may naging nobyang isang italiana na pangarap maging isang artista. Pero nagkahiwalay silang dalawa dahil nahuling iligal ang mga papeles ni Mang Bert sa paninirahan niya sa italia kaya napilitan itong bumalik ng Pilipinas. Ang huling balita ni Mang Bert sa nobya ay pumunta ito ng Milan para tuparin ang pangarap nitong pag-aartista. Kaya iyon simula noon ay nahilig na sa panonood ng Italian movie si Mang Bert. Nagbabakasakaling mapanood ang dating nobya sa pelikula. Kahit daw hindi bida, kahit ekstra basta raw makita niyang natupad nito ang pangarap na lumabas sa pelikula
"Ang ibig ninyo hong sabihin, hindi na kayo nag-asawa?" Tanong ni Sofia.
Umiling ang matanda. "Ganoon siguro ang true love. Siya kasi ang true love ko, kahit na noong una ayaw niya ako. Pero di nagtagal nagustohan niya rin ako. Nadaan sa tiyaga."
"See? Si Mang Bert na ang living proof na may mga bagay na nadadaan sa tiyaga." Sundot ni Inigo sabay tingin kay Sofia na nakangiting nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
Allacciate Le Cinture (Fasten Your Seatbelts) ang title ng pelikulang pinanood nila. Tungkol ito sa isang babae at lalaki na hindi aakalaing magkakatuluyan dahil sa sobrang pagkakaiba ng mga ugali.
Bakas sa mukha ng tatlo ang saya matapos mapanood ang pelikula. May ilang sandali pa nga nilang pinag-usapan ang ganda nito hanggang sa magpaalam si Mang Bert na mauna na.
"I enjoyed it." Ani Sofia habang pababa sila ng escalator ni Inigo. "Thank you for joining me."
"I enjoyed it too. At nagpapasalamat ako na niyaya mo akong samahan kang manood ngayon. Now, can I ask you for another date, probably tomorrow?" Nakangiting tanong ni Inigo.
"Uhm, I'm sorry Inigo I can't, I have plans for tomorrow."
"Whole day plans?" May halong lungkot na tanong ni Inigo.
"Well, honestly my program ang College of Architecture tomorrow and I was asked by Manolo to be his date." Pagtatapat ni Sofia.
Lalong nakaramdam ng lungkot si Inigo ng marinig ang planong iyon ni Sofia. "So you and Manolo now are okay?" Bakas sa boses nito ang pagseselos.
"Not really."
"Hindi pa kayo okay, and yet you agreed to be his date?"
"Yes. You're right, I agreed. That's because he asked me. Well, actually he begged me."
"Sofia can you be honest with me, is there a possibility na magkabalikan kayo?"
"Honestly I don't know. I really don't."
"But do you still love him?"
"Love him? I'm not sure. Sa totoo lang kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko." Ani Sofia sabay buntong hininga. "And you know what? Now I feel guilty."
"Guilty saan?"
"Guilty sa'yo. Baka iniisip mo pinapaasa lang kita."
"Don't be guilty hindi ko iniisip 'yon. At wala kang kasalanan. Ako naman ang persistent diba?"
"Kaya nga hangga't maaari ayoko talagang i-entertain 'yang panliligaw mo dahil alam kong I'm not yet ready."
"But I'm glad you did. Trust me mas okay 'to."
"But I can't promise you any commitment right now."
"It's okay I can wait." Nakangiting sagot ni Inigo.
Tiningnan lang ni Sofia si Inigo at saka yumuko. Ang totoo'y sobrang nagi-guilty siya kay Inigo. Gusto man niyang suklian ang atensiyong ibinibigay nito, sa ngayon ay hindi niya alam kung papaano. Dahil kahit anong pilit niya'y wala pa siyang nararamdamang pagmamahal dito.
#MrOverConfident4 #NiknokPalaboy
----------
Note: To read Chapter 5 click #MrOverConfident5. To read previous chapter click #MrOverConfident3.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Romantic Textmate (Message Sent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon