THE CHAT
Jhay: Sheila nasaan ka?
Sheila: Chilis & Cream, ikaw ba?
Jhay: Andaya di man lang nagyaya, tambay lang ako sa bahay eh.
Sheila: Sorry Jhay, biglaan. Ingay kasi sa bahay di ako makapagconcentrate.
Jhay: Concentrate saan?
Sheila: Sa project natin sa English Lit.
Jhay: Diba next week pa deadline non?
Sheila: Oo next week na. Para wala na akong pagkakaabalahan sa weekend. Bakit ikaw wala ka pang nagagawa no?
Jhay: Meron na kaya. Tapos ko na 'yon sa Sabado.
Sheila: Hintayin mo pa sabadom bakit di mo ba gawin ngayon since tumatambay ka lang naman sa bahay ninyo.
Jhay: Naisip ko nga 'yon kaso lang di ako makapagconcentrate. May iba kasi akong iniisip eh.
Sheila: Ano ba 'yung iniisip mo?
Jhay: Pwede ba kitang kausapin tungkol doon?
Sheila: Ano pa bang ginagawa natin?
Jhay: Nag-uusap, hehe
Sheila: Ano bang gusto mong pag-usapan?
Jhay: There's a girl that I really really like
Sheila: Kilala ko ba 'to?
Jhay: Oo.
Sheila: Sino?
Jhay: Eh. Nahihiya akong sabihin kung sino.
Sheila: Okay fine. Anyway, sinabi mo na ba sa kanyang gusto mo siya?
Jhay: Hindi pa.
Sheila: Bakit hindi mo sa kanya sabihin?
Jhay: Ewan ko. Baka kasi hindi niya ako gusto eh.
Sheila: Paano mo naman malalaman na hindi ka niya gusto kung hindi mo siya tatanungin.
Jhay: Natotorpe ako eh. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, gwapo gusto niya eh.
Sheila: Bakit guwapo ka naman ah.
Jhay: Weh? Hindi nga?
Sheila: Ewan ko sa'yo Jhay. Nagsasabi ng totoo sa'yo yung tao, ayaw mong maniwala.
Jhay: Wow! Talaga? Sa tingin mo guwapo ako?
Sheila: Ay ang kulit..
Jhay: O sige na nga maniniwala na ako sa sinabi mo.
Sheila: Oh paano ngayong alam mo ng guwapo ka, kakausapin mo na siya?
Jhay: Uhm, oo. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?
Sheila: Eh di sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kagusto. Duh!
Jhay: Sa totoo lang nasabi ko na sa kanya yon maraming beses na.
Sheila: Anong ibig mong sabihin?
Jhay: Madalas ko siyang kasama. At tuwing may nakikita akong maganda sa kanya pinupuri ko.
Sheila: Oo nga. Mahilig ka ngang mamuri ng mga magagandang bagay.
Jhay: Hehe. Alam mo 'yan Sheila.
Sheila: Alam mo Jhay, honestly pareho tayo ng problema.
Jhay: Anong ibig mong sabihin?
Sheila: Meron din akong gustong isang lalaki pero nalaman kong meron siyang ibang gusto.
Jhay: Oh? Sino ba 'yon? Kilala ko ba?
Sheila: Oh, some boy in school.
Jhay: Haaay. What a sad life we have. Pareho tayong hindi gusto ng gusto natin.
Sheila: That's not true. Yung akin alam kong may gusto siyang iba, pero yung sa'yo hindi mo pa alam dahil hindi mo pa siya tinatanong.
Jhay: Sabagay. Eh kung ikaw Sheila, magugustuhan mo ba ang isang tulad ko?
Sheila: Oo naman, magugustuhan kita.
Jhay: Talaga?
Sheila: Oo nga sabi. Gusto kita.
Jhay: Gusto rin kita Sheila.
Sheila: Oh paano ngayon, sasabihin mo na ba doon sa girl na gusto mo siya?
Jhay: Actually, kasasabi ko lang sa kanya.