Chapter Twenty (Finale)

4.5K 346 48
                                    

February 2010

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Miss Anna habang ibinabahagi ang magandang balitang natanggap niya sa telepono tungkol sa pagkakapili ng Chili's & Sweets na mag-cater sa isang charity event ilang minuto lang ang nakakaraan. "Congratulations guys and I'm so proud of you."

Sabay-sabay namang nagpalakpakan ang lahat matapos marinig ang good news.

"At dahil diyan I am expecting that you guys will give your best sa darating na charity event. This is our first time and I would like us to create a good lasting impression sa mga taong dadalo sa event."

"Don't worry ma'am, expect our 101 percent commitment sa darating na event." Excited na sabi ni Vince.

"Tama!" sang-ayon ng isa sa mga staff.

"Thank you guys!" nakangiting sagot ni Miss Anna.

Samantalang excited ang lahat sa narinig na good news ni Miss Anna, napansin naman ni Vince na tila may malalim na iniisip si Jenny. Sa tagal nilang dalawang magkaibigan ay kilala na nila ang isa't-isa. Hindi man magsalita ang isa sa kanila ay alam na nila kung masaya ito o merong mabigat na dinadala.

"Ano na naman ang iniisip mo at naging KJ ka kanina?" hindi na napigilan ni Vince na tanungin ang kaibigan ng magkasarilinan sila.

"Vince masaya naman ako sa good news hindi lang talaga maalis sa isipan ko yung nangyari noong isang gabi."

"Jen, hindi maaalis 'yan sa isipan mo dahil parati mo siyang iniisip. Why don't you just leave it as a mistery?"

"Vince I'm trying pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang posibilidad na si Leo si Mr. White Guy." Kunot noong sagot ni Jenny.

"Okay, given the fact na si Leo nga si Mr. White Guy. What will you do?"

Napahinto si Jenny sa tanong na 'yon ng kaibigan. Ano nga kaya kung ito si Mr. White Guy? Napakibit-balikat siya ng wala siyang maisip na isagot dito.

"See?" pandidiin ni Vince. "Wala ka rin namang magagawa."

"I just wanna know."

"Jen, it's been five years. And as far as I can remember hindi mo naman siya gusto noon. So it doesn't change anything kung malaman mong siya si Mr. White Guy."

"You're right. Gusto ko lang sigurong makita siya ng makahingi ako ng sorry after what I said to him before he left for the States." Pag-amin ni Jenny.

"Jen, kung darating ang araw na'yon, it will come. For now, let's focus on Saturday's event."

Ngiti na lang ang naisagot ni Jenny sa sinabi ng kaibigan. Hindi pa rin niya maiwasang isipin si Leo. Tama ang sinabi ng kaibigan, if it will come, it will come. Kung bakit ba kasi siya natakot na puntahan ito sa bahay bago ito umalis papuntang Amerika.

Pero sinubukan naman niya itong kontakin pagkaraan ng ilang araw. Katunayan ay kung ano-anong resources na ang ginamit niya para lang makontak ito. Pati sa Friendster at myspace ay hinanap niya ito.

At kahapon nga ay muli siyang gumawa ng facebook account para hanapin ito, ngunit bigo siya. Hinanap niya rin ito sa ibang social networks pero gaya ng facebook ay walang account ito.

"Honestly Jen, I have no idea. Minsan lang kasi magparamdam sa phone si Leo at iba'-iba ang phone numbers na ginagamit niya. You know naman mga artists, may sariling mundo, ayaw nilang nagagambala." Ani Michelle sa telepono ng maglakas-loob na tawagan niya ito upang itanong kung may kontak ito kay Leo.

"Gano'n ba?"

"I'm just wondering, bakit bigla mo naman naisip na kontakin si Leo?" tanong ni Michelle.

My Romantic Textmate (Message Sent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon