Humahangos si Jenny ng mahanap si Vince sa kusina ng Chili's & Sweets. "May ikukuwento ako sa 'yo." Excited niyang sabi sa kaibigan.
"Ano 'yon?"
"May bago na naman akong textmate, si Mr. White Guy."
"What's new? Lagi ka namang may textmate."
"This is interesting."
"Why?"
"Taga rito lang din siya sa may San Agustin, at, 3rd year student din siya sa Philippine University."
"Oh." Tila nagka-interes na sagot ni Vince.
"Imagine, sa dinami-dami ng puwede kong maging textmate, taga rito pa malapit sa 'tin. Hindi ko alam, baka na meet ko na siya, o kaya'y nakasalubong ko na siya, o kaya'y classmate or kapitbahay ko siya, o kaya..."
"O kaya, baka siya?" pamumutol na sabi ni Vince sa kinikilig na kaibigan sabay nguso sa may pintuan ng restaurant.
Nang lingunin ni Jenny ang direksiyon na inginunguso ng kaibigan ay agad siyang napasimangot sa nakita. "Si Leo?"
"Oo, diba sabi mo Mr. White Guy, iyan si Leo, maputi 'yan."
"Hah? Hindi naman siguro." Ani Jenny.
"Bakit? Puwede na rin naman siya, matangkad, maputi at kahit papaano cute."
"Cute, tingnan mo nga 'yan. Dinaig pa ako sa dami ng kolorete sa katawan, naka-hikaw pa. Tapos yung buhok, parang hindi nababasa, masyadong dry."
"Bakit, may magagawa ka ba kung sakaling siya yung text-mate mo?"
"Wala, pero malayong maging siya."
"Ako naman, malakas ang pakiramdam ko na siya." Natatawang sabi ni Vince.
"Vince, could you do me a favor?"
"Ano na naman?"
"Puwede bang ikaw ang mag-serve sa kanya, tapos tanong mo kung may cellphone siya. Tanong mo na rin kung anong number." Pakiusap ni Jenny sa kaibigan.
"Okay ka lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Vince.
"Sige na Vince, please."
"Nasa katinuan pa ako para gawin 'yung favor mo."
"Kapag ginawa mo, movie date tayo sa sweldo sagot ko sine."
"Sine at food?" bargain ni Vince.
"Okay, Deal!"
Wala na ring nagawa pa si Vince at napasubo na rin sa hiling ng kaibigan. "Can I take your order?" ani Vince ng makaharap si Roy.
"You work here?" Nakangiting tanong ni Leo matapos siyang mamukhaan.
"Yup! At actually hindi lang ako, pati si Jenny." Ani Vince sabay turo kay Jenny na kumaway naman pabalik.
"See. Okay naman ang trabaho?"
"Okay naman."
"Ano bang best-seller ninyo rito?"
"Grilled Marinated Lamb Salad."
"Masarap ba talaga 'yon?"
"Naku, highly recommended. Grabe ang orders namin diyan everyday." Pagmamalaki ni Vince.
"Sige, bigyan mo ako ng tatlong order for take out."
Tatalikod na sana si Vince para ibigay sa cook ang order ni Leo ng maalala niya ang dahilan kung bakit siya ang nag-wait dito. "Leo?"
"Yes?"
"Puwedeng malaman yung cellphone number mo?"
"Ha! Bakit?" natatawang sabi nito.
"Wala lang." Ani Vince na tila nawala at di alam ang sasabihin.
"It's kind of interesting for you to ask my number, hindi naman dahil crush mo ako?" pagbibiro ni Leo na may kaunting kalakasan ang boses na kumuha ng atensiyon ng mga tao sa katabing mesa nito.
"You know what? Forget it!" ani Vince na biglang nakaramdam ng hiya sa sinabing iyon ni Leo. At ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang mga tao sa katabing mesa ay agad siyang tumalikod at nakayukong nagmamadaling naglakad patungong kusina.
"Nakuha mo ba?" Nakangiting tanong ni Jenny.
"Forget our movie date!"
"Anong nangyari?"
"Assuming at napaka-malisyoso ng Leo na 'yon!" Nanggagalaiti sa inis na sabi ni Vince.
Hindi naman napigilan ni Jenny ang matawa sa hitsura ng kaibigan.
"Ikaw na ang mag-serve ng inorder ng kumag na yon. Ayoko munang lumabas at nakakahiya!" Ani Vince at iniabot ang listahan ng order sa natatawa pa ring si Jenny.
"Bakit ikaw na ang nag-serve niyan." Nagtatakang tanong ni Leo kay Jenny ng makita niya itong siyang may dala ng inorder niya.
"Biglang kinailangan kasi ang tulong ni Vince sa kusina."
"Hindi naman siya na-offend sa sinabi ko kanina? If so, kindly tell him I was just joking." Nangingiting sabi ni Leo.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman." Nakangiti niyang sagot.
Matapos abutin ang inorder na pagkain ay dinukot nito sa bulsa ang wallet. Tiningnan nito ang chit at saka naglabas at nagbilang ito ng pera sa harapan niya.
"Five hundred and twelve pesos." Ani Leo sabay abot kay Jenny ng saktong amount ng pera. Pagkatapos ay tumayo na ito at lumakad palayo.
"Hindi lang bastos ang lalaking 'yon, kuripot pa. Hindi man lang nagbigay kahit pisong tip. At iniwanan lang ako ng walang 'thank you'." Sumbong ni Jenny kay Vince ng balikan niya ito sa kusina.
----------
Maghahating-gabi na ngungit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Jenny. Natatawa siyang naaalala ang hitsura ng iritableng mukha ng kaibigang si Vince matapos ang nakakahiyang eksena nito at ni Leo. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang kanyang cellphone.
"I wish that God would hold you tight. I hope that angels would keep you in sight. Now just to make sure you feel all right, I'm gonna blow you a sweet goodnight." Iyon ang message na nagpakilig kay Jenny mula kay Mr. White Guy. Simula ng maging textmate niya ito'y gabi-gabi na lamang siyang kinikilig sa mga forwarded quotes nito.
"Sweet." reply ni Jenny bagama't alam niyang general message ito.
"Hello. How's your day my lady?" text ni Mr. White Guy.
"Fine. How 'bout you?" iyon ang reply niya sa text sa kanya.
"Not good. I Just had an argument with my dad. This time he's forcing me to get a haircut. He said I looked unpresentable." Sagot nito makaraan ang ilang segundo.
"Probably, he just want you to look good." tanong niya rito.
"Look good? Modesty aside, a lot of girls, even gays finds me attractive. The old man just can't stand me. He just hate me."
Napahinto si Jenny matapos mabasa ang huling text. Mahangin at may pagka-mayabang ang interpretasyon dito. Agad naglaro sa isip niya ang hinala ng kaibigang si Vince na baka si Leo si Mr. White Guy.
Hindi iyon maaari. Magkaiba si Leo at si Mr. White Guy. Though, pareho silang arogante, Inglisero si Mr. White Guy at base sa mga text nito, malakas ang pakiramdam niyang anak-mayaman ito, di tulad ni Leo na hindi lang weird, kuripot pa.
"And just to prove that I ain't look bad, let's meet. My treat."
Tila kinabahan si Jenny sa huling text na natanggap. Hindi pa siya handang makipag-kita rito. Gusto sanang sagutin ni Jenny ang paanyaya sa text ni Mr. White Guy ng biglang lumitaw sa cellphone niya ang salitang 'Check Operator'.