Chapter Fourteen

4.1K 370 2
                                    

Linggo. Ito ang araw na noon ay pinakahihintay ni Jenny, ang makita ng harapan si Mr. White Guy. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya. May mga pagkakataong gusto na niyang umatras. Paano kung madisappoint lang siya, dagdag pa ito sa mga isipin niya.

 "Vince!" malakas ang tawag ni Jenny sa kaibigan sa tapat ng tinitirhan nitong boarding house.

 "Kung makatawag ka naman Jen, parang ako lang ang nakatira dito. Aalis na ba tayo?" Si Vince.

 "Oo. Pero alam mo, wala na ako sa mood."

 "Isipin mo na lang yung pangako mo kay Roy na uumpisahan mo na siyang kalimutan."

 "Mahirap pa lang tuparin yon."

 "Oo. Pero alam mong kailangan mong gawin 'yon."

 Bumuntong hininga si Jenny. "Just to prove na sinusubukan ko, ngayon makikipagkita na ako sa kanya."

 "Good. Pero dapat maging presentable ka naman. Tingnan mo iyang hitsura mo, masyadong ommon."

 "Hindi na ako makikipag-argue. Sige balik tayo ng boarding house ng makapag-palit."

 Ilang oras din nagpalit-palit ng damit si Jenny bago sumang-ayon si Vince sa damit na napili niya.

 At handa na nga ang dalawang makipagkita.

 "How will I know it was you?" tanong ni Mr. White Guy sa text.

 "I am wearing a light blue dress." Reply ni Jenny. "And you?"

 "I'm wearing an orange polo shirt and I'm carrying one red rose."

 Sa isang classy restaurant sa Greenbelt 5 pinili ni Mr. White Guy na makipagkita sa kanya.

 "Tama ba itong ginagawa ko?" tanong ni Jenny bago bumaba ng taxi.

 "Ang alam ko, walang mali sa ginagawa natin." Si Vince.

 "Hindi ba cheap itong ginagawa ko?"

 "Ngayon mo pa naisip yan matapos mong umoo sa pakikipagkita. Jen, bakit ka ba nag-aalala hindi ba you're just doing this for fun?"

 "Yes! For fun!."

 "And you'll never know, siya pala talaga ang destiny mo."

 "Okay.. But I have a favor, Vince."

 "Ano na naman 'yon?"

 "Pwede bang mauna ka at tingnan mo kung naroon na yung ka-meet ko. Tingnan mo kung ano ang hitsura."

 "Bakit kailangan ko pang malaman kung ano ang hitsura?"

 "Wala lang, kinakabahan kasi ako. Paano kung hindi ko gusto?"

 "Eh ano naman kung hindi mo gusto, makikipag-meet ka lang naman. Tsaka paano ko naman malalaman kung hindi mo type?"

 "Kinakabahan kasi talaga ako, tsaka Vince mataas ang standard mo sa mga hitsura, kilala kita. Kapag guwapo sa'yo, guwapo talaga."

 Wala na ring nagawa si Vince at pumayag na ito sa kahilingan ng kaibigan. Sa loob ng restaurant ay sinimulan nitong hanapin ang lalaking nakasuot ng orange na polo shirt. Ngunit bigo ito. Walang lalaking naka-orange at may bitbit na isang pulang rosas.

 "Hindi kaya parating pa lang siya?" Si Jenny.

 "Siguro, 2pm ang usapn ninyo at quarter to 2 pa lang." Si Vince.

 Nagdesisyon ang dalawa na pumasok na sa loob ng restaurant at doon na maghintay. Sa magkaibang lamesa ngunit magkalapit naghintay ang dalawa upang hindi obvious na magkasama sila.

My Romantic Textmate (Message Sent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon