Sabado, araw ng gimmick at inaasahan ni Miss Anna na kahit papaano ay marami-raming tao ang pupunta ngayon sa restaurant. Hindi nga siya nagkamali bagama't kung ikukumpara sa mga naging dami ng kostumer nila ng mga nakaraang Sabado, ito na yata ang pinaka-mahina.
"Hindi ko pa rin masasabing makakabawi tayo ngayong gabi." Seryosong sabi ni Miss Anna.
"Ma'am huwag po ninyong isipin 'yan, kami na po ang bahala, good service lang po ang katapat niyan at tingnan ninyo babalik-balikan po tayo niyan." Ani Jenny na pilit pinalalakas ang loob ng boss.
Ngunit kahit ano yata ang pag-iwas nila ay dinidikitan sila ng kamalasan.
"Tumawag ang Music Men, hindi na raw sila tutugtog simula ngayon." Malungkot na ibinalita ni Eve.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Jenny.
"Ang sinabi lang nilang dahilan kay Miss Anna ay hindi na raw nila hihintayin pang mawalan sila ng trabaho, kinakailangan na raw maghanap na sila ng panibago."
"Ang kapal rin ng mukha ng mga 'yon. Mga assuming. Tingnan mo at naghahanap na hindi pa nga nawawalang ng trabaho. Tsaka babayaran naman sila.
"Well they have a point. At ayaw ko na rin manisi." Si Vince.
"Paano na 'yan ngayon? Sino na ang tutugtog ngayon?"
Lalong lumaki ang problema ng restaurant ng magsimula nang maghanap ang mga kostumer ng paglilibangan.
"Ano ba? Wala bang banda?" Sigaw ng isang kostumer.
"Oo nga. Boring masyado. Boring!!" Sang-ayon ng isa pa.
"Ilabas na ninyo yung banda!!" sigaw ng isa pang kostumer.
"Paano na 'yan, nagrereklamo na ang mga kostumer?" Si Miss Anna.
"Oo nga. Ano na ang gagawin natin ngayon?"
"Meron ba sa inyong marunong kumanta?" Si Miss Anna.
"Miss Anna, alam ko po, si Jenny marunong kumanta." Si Vince.
Gano'n na lamang gulat sa mukha ni Jenny ng marinig ang pangalan.
"Totoo ba 'yon Jenny?" si Miss Anna.
"Di po ako kumakanta sa maraming tao." Nahihiyang sabi ni Jenny.
"Sige na Jen, maawa ka naman kay Miss Anna, pati na rin sa amin."
"Oo nga Jen, please." Nagkakaisang sabi ng mga tao sa kusina.
"Sige na Jen, please, kahit ngayon lang." Si Miss Anna.
Tatanggi pa sana si Jenny ngunit ng Makita ang malungkot ngunit nakangiting mukha ni Miss Anna na pumipilit sa kanya pati na rin ang udyok ng mga kasamahan ay wala na rin siyang nagawa. Kinuha niya acoustic guitar at lumakad siya paakyat ng stage.
"Good evening po." Kinakabahang bati ni Jenny habang nasa gitna ng stage at dala-dala ang acoustic guitar.
"'Yan ba ang kakanta?! Eh waitress 'yan 'diba?" ani isa pang kostumer ng makita niyang suot pa ni Jenny ang uniform nito.
"Baka singing waitress!" Natatawang sigaw ng isa pang kostumer.
Inalis ni Jenny ang tingin sa mga tao sa harapan niya at pumikit at kumuha ng lakas ng loob sa sarili. At nang iminulat niya ang mga mata ay iginawi niya ang mga ito kina Miss Anna at sa mga kasamahan na nakangiting pinalalakas ang loob niya.Nang dahil sa nerbiyos, ang mga unang pitik niya sa gitara ay wala sa tono.
"Marunong ba 'yan?" galit na ang isang kostumer.
"Oo nga. Marunong ba talaga yan. Pababain na 'yan." Sang-ayon pa ng isang kostumer.
"Kaya mo 'yan Jen!" Hindi na napigilan ni Vince ang sarili na bigyan ng lakas ng loob ang kaibigan.
"Go Jen!" Sabay-sabay na sigaw ng iba pang kasamahan ni Jenny.
Muling tumingin si Jenny sa mga kaibigan at pagkatapos ay muling sinimulan ni ang pagpitik ng gitara. Kinakabahan man ngunit nasa tono na ang sunod niyang pitik sa gitara. Solitaire na version ni Sheryl Crow ang unang tinugtog ni Jenny at ganoon na lamang ang pagkamangha ng lahat ng marinig nila ang magandang boses niya.
Another day, a lonely day
So much to say that goes unspoken
And through the night, his sleepless nights
His eyes are closed, his heart is broken
And solitaire's the only game in town
And every road that takes him, takes him down
And by himself it's easy to pretend
She's coming back again
Malakas ang palakpakan ng mga kostumer ng matapos kumanta si Jenny. Nagihihiyawan naman sa tuwa ang mga katrabaho niya dahil sa sobrang tuwa.
"Isa pa!" Ang request ng kostumer na kanina lang ay gusto siyang pababain ng stage.
Muling pinitik ni Jenny ang gitara at sa sumunod na kanta ay wala na ang nerbiyos sa boses niya. At muli ay nagpalakpakan ang mga kostumer at tatlo pang kanta ang sinundan nito bago humingi ng maikling pahinga si Jenny. Isa sa mga awiting kinanta niya ay ang komposisyon ng sariling ama na sinulat para sa kanyang ina na siyang nagturo sa kanyang mag-gitara. Isang kantang hindi man pamilyar sa iba ay malaking inspirasyon naman para sa kanya.
"Salamat Jenny!" ani Miss Anna na bakas sa mukha ang kasiyahan at agad nilapitan si Jenny at bigyan ito ng yakap. "Hindi ko na pala kailangang kumuha ng banda, may performer na pala ako rito."
"Tama si Miss Anna, ang galing mo talaga Jen!"
"Maraming salamat." Ani Jenny na hindi naikubli ang kasiyahang nararamdaman mula sa mga papuring natanggap niya hindi lang sa mga kasamahan, pati na ri sa mga kostumer na naroon.