Tulad ng inaasahan, kakaunti pa rin ang taong pumasok sa kanilang restaurant ng araw na 'yon kaya naman hindi gaanong pagod ang mga trabahador nito.
"Alam naman niyo siguro kung bakit kayo naririto." Ani Miss Anna ng lipulin niya lahat ng staff ng restaurant. Halos dalawang linggo na tayong lugi, at kapag nagtuloy-tuloy iyon baka dumating ang araw na kinakailangan kong magbawas ng empleyado, at alam niyo namang iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari."
"Hindi ho rin naming gustong mangyari 'yon, malaki po ang naitutulong nitong restaurant na'to sa 'min," sagot ng isang babaeng staff.
"Kaya naman magtulong-tulong tayong bibigyang buhay ulit ang restaurant na'to para na rin sa ikabubuti nating lahat. Kung sa'kin lang, kung patuloy na malulugi ang restaurant, pwede ko naman itong ipasara at mgdesisyon na lang na mag-migrate sa Canada. Pero kayo rin ang iniisip ko, dahil alam kong marami kayong umaasa sa restaurant na 'to. At isa pa, passion ko ito at mayroong sentimental value sa 'kin ang restaurant na 'to." Paliwanag ni Miss Anna.
"Makakaasa po kayo sa tulong namin ma'am." Sigaw ng isa sa mga staff.
"Salamat. At dahil doon ay naisipan kong maglabas ng pondo para sa renovation ng restaurant. At kung meron kayong suggestion para sa lalong ikagaganda ng restaurant, just let me know." Ani Miss Anna.
"Pagagandahin po natin ang restaurant na ito!" Si Vince.
"At may nakapagsabi rin sa akin na malaki ang naitutulong ng banda kaya dinadagsa ng mga kostumer ang Hot Momma. Kaya naman nagdesisyon akong magkakaroon na rin tayo ng sarili nating banda. Kung meron kayong kilala, papuntahin niyo bukas para sa audition."
"Sige po ma'am, ipapakalat po namin 'yan." Ani Jenny.
"At huwag po kayong mag-alala, magtutulong-tulong po kaming bumuo ng konsepto kung papaano natin mapapaganda ang restaurant." Si Vince.
"At makikita po ninyo, mas maganda pa po kesa sa Hot Momma ang magiging ambiance ng restaurant natin." Si Jenny.
"Maari bang bukas na natin agad simulan ang pagpapaganda nitong restaurant." Ani Miss Anna.
"Opo! Kung kinakailangan pong mag-overtime, mag-oovertime po kami kahit wala na pong bayad." Sabi ng isang trabahador.
"Okay din po ako diyan!" sang-ayon naman ng isa pang waiter.
----------
"Mayroon akong kakilalang banda." Ani Vince habang inihahatid niya ang kaibigang si Jenny pauwi ng boarding house ng maalala ang sinabi ni Miss Anna kanina sa meeting nila.
"Talaga? Sino?"
"Yung Black Propaganda, kilalang banda 'yon sa 'min at matagal-tagal na ring naghahanap ng gig ang mga 'yon." Ani Vince.
"Puwes, bukas pag-auditionin mo sila."
----------
"Good evening my lady, you didn't text me anymore. Galit ka ba sa 'kin?" sabi ng text sa kanyang cellphone ng tumunog ito at buksan niya sa inbox ang message nito. Hindi na siya nagtaka kung kanino galing ang mensaheng iyon.
"Hindi naman, wala lang akong load. hehe" Reply ni Jenny sa text.
"I see. I just thought you don't want the idea of us meeting that's why you don't reply on my invites." Reply nito.
"Naku hindi naman. Pasensiya na."
"So does that mean you're okay for us to meet?"
"Okay lang naman." Maikli niyang sagot.