Balita sa buong restaurant ang nangyaring aksidente kay Jenny kaya naman naisipan ni Miss Anna na maagang magsara ng araw na 'yon ng makadalaw sila sa kanya. Dala-dala ang mga prutas at masasarap na pagkain ay sabay-sabay na nagpunta ang mga katrabaho niya sa hospital.
"Pagaling ka." Ani Miss Anna kasabay ng mahigpit na yakap.
"Kumusta na si Jenny?" tanong ni Michelle kay Vince ng magkita ang dalawa sa canteen ng hospital.
"Mabuti na siya. Nagpapahinga na lang siya ngayon. Sabi ng doktor, pwede na siyang makalabas ng kuwarto niya mamaya. Si Roy?"
"Maayos na ang lagay niya. Nasalinan na siya ng dugo. Mabuti na lang at pareho sila ng blood type ni Leo."
Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay agad na pinuntahan ni Vince ang kaibigan at ikinuwento dito ang ginawa ni Leo kay Roy. "I really think you owe Leo an apology."
Kaya naman matapos payagan ng doctor na makalabas ng kuwarto ay agad na pinuntahan ni Jenny si Roy. Nagpapahinga ito ng madatnan niya kasama ni Michelle na nagbabantay dito habang nagbabasa ng magazine.
"Kumusta na Roy?
"Mabuti naman. Ikaw?" Si Roy.
"Maayos na, nahihilo na lang ng kaunti. Nasobrahan lang siguro ako sa higa." Ani Jenny at nilapitan ang kaibigan.
"Jenny, I'm sorry kung hindi ko sana kinuha kay Leo ang manibela hindi ito mangyayari."
"Ang totoo kasalanan ko talaga ang lahat ng nangyaring ito." ani Jenny. "Kung hindi dahil sa ginawa ko sa inyo ni Michelle hindi sana ito mangyayari." Nangingilid na ang mga luha niya.
"Ano ba kayo? Huwag na ninyong sisishin pa ang mga sarili ninyo. Let's all be thankful dahil ang mahalaga ay ligtas kayong lahat." Ani Michelle at nilapitan ang naluluhang si Jenny at niyakap ito.
Gumaan ang loob si Jenny sa sinabing iyon ni Michelle. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib at dahil doon ay tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Tahan na, lalo kang mahihilo kapag umiyak ka pa." Ani Michelle at pinunasan nito ang luha ni Jenny.
Paglabas ni Jenny sa kuwarto ni Roy, ay nagdesisyon siyang puntahan naman si Leo. Gusto niyang makausap ito upang humingi ng tawad sa mga masasakit na sinabi niya ng pumunta ito kanina sa kuawarto niya at magpapasalamat na rin sa mga ginawa nito para kay Roy. Papasok na siya ng silid ng matanaw niyang kinakausap ito ng matandang lalaki.
"Bakit hinayaan mong iba ang magmaneho ng sasakyan? What were you thinking?" Galit ang tinig ng lalaki kinakausap si Leo.
"I'm sorry dad." Nakayukong sagot ni Leo.
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa'yo. Hindi ka na nga tumutulong sa pagma-manage ng restaurant ng dahil sa walang kuwentang pagpipinta mo na'yan, dinadagdagan mo pa ng katarantaduhan. Is this your way of revenge dahil kinuha kita sa Mommy mo?"
"No Dad. Don't worry kapag labas ko dito I'll make up to you."
"Too late! Dahil babalik ka na ng States. You'll finish your studies there. That's what you want so I'm giving it to you."
"But that's not what I want Dad." Tanggi ni Leo.
"I'm sorry to hear that son but I've already made a decision. I've bought you a ticket and you're flying back to the States on Saturday."
"But I don't wanna go. I'll do whatever it is that you want me to do, just don't let me go to the states." Pagmamakaawa ni Leo.
"I'm sorry son but my decision is final!" Ani Mr. Samonte.
Ganoon na lamang ang lungkot sa mukha ni Jenny ng marinig ang sinabing iyon ni Mr. Samonte. Gusto niya sanang pumasok sa loob ng kuwarto pero alam niyang hindi ito ang tamang oras. Mabigat ang loob na lumakad palayo ng pintuan ng kuwarto ni Leo si Jenny. Babalik na lamang siya kapag tapos ng mag-usap ang mag-ama upang makausap si Leo at humingi dito ng tawad.
Ngunit hindi umayon kay Jenny ang mga plano niya dahil ng balikan niya ang kuwarto ni Leo ay malinis na ito tanda na wala ng pasiyenteng umuokupa dito. Agad niyang pinuntahan si Michelle dahil bilang step-sister ni Leo ay sigurado siyang kahit papaano ay may alam ito kung nasaan ang hinahanap.
"Nasa bahay na siya. He was released kanina. And good thing you're here dahil pupuntahan sana kita dahil may ipinabibigay siya sa'yo." Ani Michelle at iniabot kay Jenny ang isang bouquet ng rosas.
Kalakip ng mga rosas ang isang card kung saan naroon ang mga salitang SORRY at I LOVE YOU. Hindi napigilan ni Jenny ang pagpatak ng kanyang mga luha. Alam niyang malabo na niyang makita pa si Leo upang humingi ng tawad dito dahil sa sabado ay lilipad na ito papuntang states habang siya hanggang ngayon ay stuck at hindi pa rin dinidischarge ng hospital.