Unti-unti nang nakakabawi mula sa pagkalugi ang Chili's & Sweets kaya naman ganoon na lamang ang tuwa nang lahat lalong-lalo na ni Miss Anna. Kung magtutuloy-tuloy ito ay liliit na ang posibilidad na may mawalan sa kanila ng trabaho. At dahil na rin sa magandang pangyayaring ito ay naisipan nilang magkaroon kaunting salo-salo.
Sa gitna ng kanilang kasiyahan ay may sumulpot na isang lalaking may dala-dala ng dalawang bouquet ng bulaklak. Natahimik ang lahat ng mamukhaan kung sino ang lalaking dumating.
"Look who's here? The Leo Samonte!" Nagtatakang sabi ni Miss Anna.
"Good evening everyone." Bati nito sa kanila.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?' si Miss Anna.
"Well I just came by to give you this." Ani Leo sabay abot kay miss Anna ang isang bouquet ng bulaklak.
"Para saan 'to?" Nagtatakang tanong ni Miss Anna.
"Peace offering? I don't know. Hindi kasi ako pinatulog ng isa mong trabahador dito." Ani Leo sabay sulyap kay Jenny. "Sobra-sobra daw kasi ang kasalanan ko sa restaurant na 'to."
"Hindi ba totoo namang malaking problema ang binigay sa atin ng lalaking ito?" Ani Jenny na hindi na napigilan pa ang sariling magsalita na sinang-ayunan naman siya ng lahat.
"Kaya nga ako narito to explain our side. It is never our intention to put this restaurant into bad shape. And I believe you guys know that it is purely business."
"No need to explain, we understand. And thanks for the flowers."
"Salamat naman." Nakangiting sabi ni Leo.
"Is that all Mr. Samonte?" si Miss Anna.
"Actually, meron pa." Ani Leo sabay kuha pa ng isang bouquet ng bulaklak at iniabot ito kay Jenny.
Hindi alam ni Jenny ang magiging reaksiyon ng iabot ni Leo sa kanya ang isa pang bouquet ng bulaklak.
"Sa'yo rin Jenny, I apologize. I know I've been mean to you. I just hope na sa susunod nating pagkikita hindi mo na ako sususngitan."
Hindi naman umimik si Jenny sa mga sinabing 'yon ni Leo.
"Well again, to all, ceasefire and may you have a very good evening." Anito sabay talikod at palabas ng restaurant.
Ganoon na lamang ang buntung hininga ng lahat ng makalabas si Leo. Hindi naman napigilan ni Miss Anna ang matawa.
"Nakakatawa naman yung ugok na 'yon." Si Miss Anna.
"Oo nga ma'am ang lakas ng loob." Si Jenny.
"Pero we have to admit, it takes a real man to come here just to make an apology, where in fact, wala naman talaga siyang dapat ihingi ng tawad. We may have them as our competition pero tama naman siya, it's purely business."
Dala ng lahat ang isiping iyon lalo na ni Jenny hanggang sa mkauwi siya kinagabihan. Sa kanyang kuwarto ay pinagmasdan niya ang mga bulaklak na ibinigay sa kanya at hindi niya napigilan ang sariling amuyin ito. "Nagpapaka-romantic ang gago." Ani Jenny sa sarili.
Hindi man niya aminin pero epektibo ang pagpapakumbabang ginawa ni Leo. Tila nabawasan ng kaunti ang inis niya rito. At dahil doon ay nagkaroon siya ng ideya na baka effective rin ito kay Michelle sakaling bigyan ni Roy ito ng bulaklak samahan pa ng mga regalo. At hindi na nga siya nagsayang pa ng oras at tinawagan ang kaibigan.
----------
"May naisip na akong ideya. Bakit hindi mo kaya bigyan ng puppy si Michelle. Hindi ba sabi mo, animal lover siya."
"That's a good idea. At timing, sa Sunday monthsary namin dapat."
"Tamang-tama. Gusto mo samahan kita sa pagbili."
"Okay lang." sagot ni Roy.
Nakangiting ibinaba ni Jenny ang telepono matapos magpaalamanan ng muling tumunog ito. Nang makitang ang text ay mula kay Mr. Wite Guy ay hindi a siya nagtaka. Tatlong gabi na rin kasing paulit-ulit siya nitong tini-text ng sorry at ng ng second chance na makipagkita sa kanya ngunit gaya ng mga naunang gabi ay dinedma lang niya ito.
Katatapos lang niyang basahin ang huling message nito ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya makitang tinatawagan na siya ni Mr. White Guy. Dahil sa taranta ay hindi niya sinasadyang mapindot ang drop call nito.
"I know you're not sleeping yet. Kaya for the nth time, sorry na po and please, let's meet, I'll make up to you." Text nito.
At dahil nga nahuli siya at alam niyang hindi siya titigilan nito ay wala na siyang nagawa kung hindi ang mag-reply. "Okay, this would be your last chance." Aniya.
"Promise I'll be there. Thank you. J"
At ilang texts pa ay nakapagdesisyon na ang dalawa kung kalian sila magkikita at nagkasundong kahit anong mangyari ay darating sila sa napagkasunduan meeting place.