"Hello Sophie!"
Ganun na lang ang gulat ni Sofia ng nakangiting bumungad sa kanyang harapan mula sa kung saan si Inigo habang naglalakad siya sa hallway ng University na pinapasukan. "You scared me!"
"I didn't mean to." Nakangiting sagot ng lalaki. "Going home?"
"Why are you asking?" Iritang sagot ni Sofia.
"Ito naman, tinatanong lang galit na."
"Okay. Yes, I'm going home." Kalmadong sagot ni Sofia ng marealize niya na wala naman siyang dapat ikainis sa tanong na 'yon ni Inigo.
"Saan ka ba nakatira? Sabayan na kita."
"What made you think na sasabay ako sa taong hindi ko naman kilala?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Sofia.
"Diba nagpakilala na ako sa'yo?"
"What?"
"Okay let's pretend na nakalimutan mo kung sino ako, introduce ko ulit sarili ko. I am Inigo Torres 4th year Political Science." Anito. "See?" Sabay pakita sa kanya ng suot na ID nito.
"Okay Inigo, didiretsuhin na kita. Wala ng paligoy-ligoy pa. Kung ano man ang pakay mo sa akin, hindi ako interesado kaya please, leave me alone." Kalmado ngunit may halong inis ang tono sa boses ni Sofia.
"Can I ask you a question?"
"Ano na naman?"
"Boyfriend mo ba si Manolo?"
"That's too personal. And why are you asking?"
"Kasi kung boyfriend mo pa si Manolo, okay I will leave you alone."
Noong mga oras na 'yon ay parang mas gusto na lang sagutin ni Sofia ng 'oo' si Inigo sa tanong nito ng matapos na ang kakulitan nito pero hindi siya maaaring magsinungaling. Isang malaking balita na pinagpiyestahan ng buong campus noong isang buwan ang break-up nilang dalawa ni Manolo kaya kung magsisinungaling siya alam niyang mabubuko siya. "Ex."
"Okay, so ex. Ibig lang sabihin wala kang boyfriend ngayon."
"You're right, wala akong boyfriend ngayon pero hindi ako naghahanap."
"Okay lang 'yon Sofia, minsan ang isang bagay hindi mo naman kailangang hanapin kasi minsan kusa silang dumarating." Pilosopong sagot ni Inigo.
"Oh My God!! You didn't just say that!"
"What?" Kunwari hindi naintindihan ni Inigo.
"Please leave me alone." Muling sabi ni Sofia.
"I will, just give me one chance." Nakangiti pa ring sabi ni Inigo.
"Anong one chance? No!" Iritang sabi ni Sofia."
"Please Sophie, one date."
"I said no. Huwag kang makulit. And please, stop calling me Sophie. My name is Sofia."
"Okay Sofia, all I'm asking is one date. Only one." Anito sabay pakita ng isang daliri. "Okay here's the deal. Our date will be under your terms and conditions." Bargain ni Inigo sa kanya.
Pinagmasdan muna ni Sofia ang mukha ni Inigo bago siya nagsalita. Napansin niyang nakangiti pa rin ang lalaki sa kabila ng maraming beses na niyang pagtanggi rito. Ang totoo'y gusto niyang maging rude dito pero tila nag-iba ang pakiramdam niya ng
tinitigan siya nito sa kanyang mga mata. Ewan ba niya pero may kung ano ang mga titig nito na nagpalambot sa kanyang nararamdaman. "Look Inigo, thank you for the offer, but again, No."
"Sofia. I like you. I really like you. You may find me annoying but I'm just being true to myself. Trust me I'm a nice persom. Harmless. And all I'm asking is one date. Again, with your terms and conditions."
"And again, If I said no."
"I'll respect that. But I will not give up until you give me that one chance."
"Talaga lang hindi ka mag-gigive-up." Natatawang sabi ni Sofia.
"Oo."
"Okay, sabi mo eh. Bahala ka sa sarili mo." Ani Sofia.
Sasagot pa sana si Inigo ng may isang sumulpot sa harapan nilang dalawa si Julia na kaibigan ni Sofia.
"Finally you're here!" Ani Sofia ng makita ang kaibigan.
"Sorry to keep you wait. I need to talk to Prof. Perez pa kasi. Hi Inigo." Nakangiti nitong bati sa lalaki.
"Hi Julia." Nakangiti rin nitong sagot.
"Mukhang may importante kayong pinag-uusapang dalawa." Ani Julia.
"Wala naman! Halika na!" Ani Sofia sabay hatak sa kaibigan at lakad palayo. "You have a lot of explaining to do."
"Bye Inigo." Paalam ni Julia.
"Bye girls." Paalam ni Inigo.
Dire-diretso naman ang lakad patawid ng kabilang eskinita sina Sofia at Julia kung saan sila sasakay ng jeep pauwi. Wala pang ilang sandali ay may huminto ng jeep sa kanilang harapan.
"Sofia, please reconsider!" Sigaw ni Inigo ng makita niyang pasakay na ang dalawa.
"Kasalanan mo ang lahat kung bakit ako kinukulit ng lalaking 'yon!" Inis na sabi ni Sofia sa kaibigan ng umandar na ang jeep matapos nilang makaupong dalawa.
"Bakit ko naman naging kasalanan? At sa gusto kang ligawan eh, anong gagawin ko." Pagtatanggol ni Julia sa sarili.
"Ikinuwento mo kasi ang buong buhay ko sa kanya." Inis na sabi ni Sofia.
"Buong buhay talaga? Huwag ka naman OA. Sinagot ko lang yung tanong niya tungkol sa'yo. And besides, kaibigan ni kuya 'yon kaya kahit papaano kilala ko 'yon. Mabait naman 'yon."
"Julia, wala akong pakialanm kung mabait siya, my concern is wala ako sa mood mag-entertain ng manliligaw ngayon. Pwede ba 'yon?"
"Pwede naman. Pero ewan ko ba nung lumapit siya sa akin at nagtanong ng mga bagay tungkol sa'yo, pakiramdam ko okay lang na sagutin siya. And honestly, kinikilig akong isipin na nililigawan ka niya." Natatawang sabi ni Julia.
"Isa ka pa! Bakit hindi na lang ikaw ang magpaligaw, single ka rin naman."
"Hindi naman ako ang type. At bakit pinapasa mo siya sa akin? Honestly if I were you I'd give him a chance. Papayag ako sa one date na hinihiling niya."
Nagulat si Sofia ng marinig ang sinabi na iyon ni Julia. "Paano mo nalaman na humihingi siya ng One date?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"Hey, bago ka pa niya tanungin sinabi na niya sa akin mga plano niya. At sa tingin ko naman wala namang masama sa date. Lalo pa't your tems and conditions."
"Naku ikaw talaga nakakakainis ka. I can't believe na ibebenta mo ako sa isang lalaki." Inis na sabi ni Sofia sa kaibigan.
"Sobra ka naman magsalita, nililigawan ka lang pakiramdam mo binenta ka na. Sofia, isang date lang yung hinihingi ng tao. Pagkatapos noon, knowing Inigo I know he will respect whatever your decision is."
"Ewan ko sa'yo Julia!" Inis pa ring sabi ni Sofia.
"Bahala ka. Pero kung ako sa'yo pag-iisipan ko."
Tiningnan lamang ni Sofia ang kaibigan. Pakiramdam niya ay walang saysay kung sasagutin pa niya ito. Kilala niya ang kaibigan, makulit din ito, lalo pa ngayong inamin nitong kinkilig ito sa isiping nililigawan siya ni Inigo. Dumungaw na lang siya sa bintana at pinakiramdaman ang hanging dumadampi sa kanyang mukha.