Papasok na si Jenny sa klase niya kinahapunan matapos ang trabaho ng makasalubong niya si Michelle na mag-isang naglalakad. Napahinto siya matapos nilang magkatinginan pero hindi naman huminto sa paglalakad ang huli.
"Michelle!" Hindi na napigilan pa ni Jenny ang sariling tawagin ito. Ngunit tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad kaya minabuti niyang habulin na ito.
"What?" si Michelle na nakasimangot ang mukha.
"We need to talk."
"About what, wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Michelle, we need to talk about Roy."
"Not interested, kahit ano pa yan."
"Please Michelle, listen to me."
Wala nang nagawa pa si Michelle kung hindi huminto sa paglalakad at tingnan ang nagmamakaawang si Jenny.
"Look Mitch, I know I was a total bitch.. Malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo pero I am begging you please give Roy another chance."
"And why would I do that, he chose you."
"Mitch, ikaw ang mahal niya. And you know it. At sobrang depressed na yung tao. I know you know what I mean."
Hindi umimik si Michelle sa sinabi ni Jenny.
"Please."
"Hindi ko kasalanan yon Jenny, I tried to explain, but was I given a chance? And besides bakit ikaw ang nakikipag-usap sa akin, spokesperson ka ba niya?" ani Mitch sabay talikod at lakad muli papalayo kay Jenny.
----------
Nagdadalawang-isip man ay naglakas ng loob na puntahan ni Jenny sa boarding house na tinutulayan niya si Roy. Nadatnan niya ito sa sala na nagsusulat. "Good afternoon." Bati niya rito.
"Well, hello Jen."
"Busy ka ba?"
"Hindi naman, I'm just writing a poem."
"Hindi ko alam nagsusulat ka pala ng poems."
"One of my escapes kapag walang magawa." Nakangiting sabi ni Roy.
"Kinausap ko nga pala kanina si Michelle."
Tiningnan lamang siya ni Roy at muling ngumiti.
"Alam kong miss mo na siya."
"Hindi mo lang siguro alam kung gaano."
"Alam ko at dahil ako ang dahilan, ginagawa ko ang lahat para magkausap kayo. I want to make it up to both of you."
"Thank you, pero hindi na kinakailangan."
"Roy nag-promise ako sa'yo. Let me see what I can do, please?"
"Okay."
"Naisip kong ligawan ulit natin si Michelle."
"Paano ko gagawin yon, ayaw ngang makipag-usap sa akin."
"Alam kong mahal ka pa rin ni Michelle at hinihintay lang niya na ikaw ang gumawa ng first move."
"Sa tingin mo?"
"Oo. Gano'n kaming mga babae."
"O sige, what is our first step?"
"Michelle 101 tayo. I need to know what her favorites, likes."
"Parang slumbook." Natatawang sabi ni Roy.
"Sige na pagbigyan mo na ako."
"O sige na nga."
"Si Michelle.." Nakangiting panimula ni Roy. "Mahilig sa sweets. Sa pastilyas at lalo na sa yema."
Nakangiting nakikinig si Jenny.
"Mahilig siya sa Rom-Com.. Lalo na mga pelikula ni Meg Ryan, favorite niya kasi 'yon. I remember twice naming pinanood sa isang araw yung Sleepless in Seattle." Natatawang kwento ni Roy.
"Gusto ko rin yung movie na 'yon. Ano pa?"
"Animal lover 'yon. Minsan nga pala nakakita 'yon ng tutang ligaw sa kalsada, inuwi niya tas inalagaan, pero after three days binawi ng may-ari, ayon sobrang nalungkot siya."
Sa mga narinig ni Jenny lalo siyang nakaramdam ng pagsisisi kung bakit niya nagawang saktan ang dalawa. Dala-dala niya ang pakiramdam na 'yon hanggang bago siya matulog kinagabihan. Ngayon ay nasisimulan na niyang tanggapin na si Michelle talaga ang mas nararapat kay Roy dahil ito ang totoong taong nagpapaligaya rito ng lubusan.
----------
Papikit na ang mga mata niya dahil sa antok ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Message mula kay Mr. White Guy na humihingi ng sorry sa hindi nito pagsipot sa pagkikita nilang dalawa. May emergency dawn na kailangan itong puntahan.
Gustuhin mang mag-reply ni Jenny para sumbatan ito ay wala siya sa mood ng mga oras na'yon. Minabuti niya na lang na huwag pansinin ang mga text nito. Alam niyang sa ganoong paraan ay maipaparating niya ang sama ng loob niya rito. Ilang sandli pa ay nakatulog na lang ng hindi binabasa ang mga texts ni Mr. White Guy.