Sa wakas ay nakatanggap ako ng text mula kay Bryan makalipas ang halos isang oras kong paghihintay sa loob ng Chilis And Cream. Give him two minutes daw at nandito na siya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko pagkabasa ko ng kanyang text.Naisip kong lumabas na at doon na lang siya hintayin. At totoo naman ang text niyang malapit na siya dahil pagkalabas ko ng restaurant ay agad kong natanaw ang minamaneho niyang pulang sasakyan na papalapit sa akin. Ilang sandali pa ay huminto na ito sa tapat ko.
"Pasensiya na Gina nakatulog ako." Nakangiting bungad sa akin ni Bryan pagkasakay ko ng sasakyan.
"It's okay sanay na akong maghintay sa'yo." Kunwari'y galit kong sagot habang isinusuot ko ang seatbelt sa aking katawan.
"Ito naman nagtampo agad. Ikaw naman kasi magkasama tayo kahapon pero kanina ka lang nagtext na magpapasundo ka, nagpuyat tuloy ako kagabi." Pagdadahilan niya sa akin habang inaayos niya ang gulo-gulo niyang buhok na parang nagpapatunay na kagigising niya lang at dumiretso siya agad sa akin para sunduin ako. Pati nga ang suot niya ay pambahay. Sando at shorts.
Gayunpaman kahit na ganoon ang hitsura niya, hindi ko maikakailang guwapo pa rin si Bryan. Kahit pa siguro itabi ko siya sa mga lalaking nakita ko ngayon sa loob ng restaurant na nakaayos ang buhok at nakapormal na suot ay aangat pa rin siya. Masasabi kong iba talaga ang karisma sa akin ni Bryan at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
"Sabi ko nga." Mahina ngunit alam kong narinig niya ako. Maaari naman talaga niya akong sisihin dahil short notice ang pabor na hiningi ko sa kanya.
"Pero hayaan mo sa susunod hindi na ako malilate. Last ko na yung ngayon." Nakangiting sabi sa akin ni Bryan at pagkatapos ay hinawakan niya ang manibela at pinaandar na niya ang sasakyan.
"Tama ka. This will be the last." Sabi ko at bahagya akong natawa.
"Bakit ka natawa, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?" May halong yamot na tanong sa akin ni Bryan.
"Naniniwala. You're right this will be the last. And that's actually the reason why asked you to pick me up today."
Tila naguguluhang tumingin sa akin si Bryan. "What do you mean?" Tanong niya na sa akin na medyo seryoso ang tono ng boses.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kanya. Bagama't planado ko na kung paano ko ito sasabihin sa kanya iba pala talaga kung kaharap mo na ang taong sasabihan mo. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas tsaka ako nagsimulang magsalita.
"I am leaving for Korea tomorrow." Remember yung kinuwento ko sa'yong application ko for English Teacher last year? It got approved." Kalmadong pilit na sabi ko sa kanya.
"What?" Nanlaki ang mga matang tanong sa akin ni Bryan. "Bukas agad? Please, tell me you're joking." Dugtong niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"I'm not joking Bryan. I got the approval letter two months ago." Sagot ko sa kanya na pilit pa ring kinakalma ang sarili.
"Two months ago? And you're just telling it to me now?" Ramdam ko sa kanyang boses ang magkahalong sakit at sama ng loob na nararamdaman. "Okay stop! Huwag ka munang magsalita." Dugtong niya ng magsimula akong magpaliwag. Luminga siya at saka iginilid ang sasakyan at ipinarada sa lugar kung saan hindi ito makakaabala sa iba. "And how long will you be in Korea?" Dugtong niyang tanong sa akin.
"Three Years." Mahina kong sagot.
"Three years?! You're unfair Gina! Sinasabi ko sa'yo lahat ng importanteng bagay sa buhay ko. Lahat. Pero ako pinaglihiman mo. Gina, I am your bestfriend!" Pigil ang galit na sabi sa akin ni Bryan ngunit bakas ko sa mukha niya ang sama ng loob.