Prologue

70.9K 1.2K 837
                                    


Prologue

Crisanta Gutierrez

I am thirty-six years old, a single mom of a handsome teenage boy. Actually, he's not a boy anymore. He's turning twenty-one years old today, so my baby would probably a man now.

“Santi, what time ang tapos ng klase mo?”

We're planning to prepare a small party for him while he's in class. Binata na ang anak ko kaya deserve niya ang party na 'to.

He can invite whoever he wants and as many as he can. He's my only son, he deserve the world.

Nag-angat ng tingin si Santi na kanina ay busy sa kan'yang pancake. Nakagawian na naming mag-ina na palaging mag-breakfast ng magkasama. Dadalawa na nga lang kami hindi pa kami magsasama sa unang biyaya ng Diyos.

“Hmm... five pm? Not sure. Why?” kuryosong tanong niya.

“Invite all of your friends, or kahit hindi na friends basta mag-invite ka. Magpe-prepare kami ni Manang Linda mamaya ng food and beverages. Ano bang gusto niyo? Wine? Beer? Liquor? Hard? Anything, baby.”

I saw his eyes twinkled like he heard some goody-goody news.

“Seryoso ba, Ma?” Mukha pa siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Para namang ang higpit kong Ina sa kan'ya. Pinapayagan ko naman siyang uminom at mag-party kasama mga friends niya. I'm a cool Mom, you know!

That hurts, ah!

Tumango ako at bahagyang ngumiti. Hindi ko puwede ipahalata na affected ako sa reaction niya.

“Ofcourse. It's your birthday, right? Binata na ang baby ko, eh.”

“Yes! Thank you, Ma!” Tumayo si Santi at saka lumapit sa akin. Ngiting-ngiti siyang yumakap sa akin na niyakap ko naman pabalik. “I love you, Ma.”

“I love you too, baby.” I smiled. “Sige na, baka magkaiyakan pa tayo dito at ma-late ka pa.” I sniffed.

Parang kelan lang, ang liit-liit pa ng baby ko. Tapos heto ngayon bente uno na siya, isang ganap ng binata. Hindi kalaunan iiwan niya rin akong mag-isa para bumuo ng sarili niyang pamilya.

Oh no! Not now, Crisanta. Hindi ngayon ang tamang oras para maging Queen Mother na ma-drama. It's his birthday!

“Alright. See you later, Ma. I love you so much!” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin bago humalik sa aking pisngi.

Napangiti na lang ako at kinawayan siya na papalabas na ng bahay namin.

May sariling kotse na si Santi galing sa magaling niyang Ama kaya anytime makakaalis siya ng bahay. Ayaw ko pa sana siyang magmaneho hangga't wala pa siya sa tamang edad, ang kaso may Ama siyang mas matigas pa ang ulo sa bato.

Hinayaan ko na lang din dahil ayaw kong maging kontrabida sa buhay niya. Alam ko rin namang masaya siya doon kaya no problem.

May sarili ng pamilya si Hernan, ang Ama ni Santi. Sobrang bata pa kasi namin noong nabuntis ako kay Santi, wala pa kaming alam sa pagiging mga magulang kaya nauwi rin kaming dalawa sa hiwalayan.

Kaya bilang ina na naranasang magkaroon ng responsibilidad nang mas maaga, may halong pangamba rin akong naramdaman para sa anak ko. Ayoko siyang matulad sa amin kaya hangga't maaari gusto ko siya palaging nasusubaybayan.

Ngunit, bilang ina rin, kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Kilala ko si Santi, hindi siya tutulad sa amin ng kan'yang ama.

Masaya naman kaming pareho ngayon ni Hernan, siya sa pamilya niya, habang ako single at handang lumandi anumang oras. Mas maigi ng single, magagawa kong lahat ng gusto ko. Understanding naman na anak si Santi kaya kahit mag-uwi ako ng iba't ibang uri ng lalaki sa bahay, ayos lang sa kan'ya.

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon