SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)

15.7K 306 145
                                    


Special Chapter I

Crisanta Gutierrez


Ngayon ang isa sa pinakahihintay na araw ni Santi, ang kanilang pagtatapos. Hindi 'man lang siya nakaakyat ng stage, katulad ng palagi niyang binibida sa akin. He's running for cum laude, at totoo nga ang sinasabi niya.

Sa kanilang batch sa architecture, siya lamang ang nakapasok ng cum laude. Masaya at proud ako sa anak ko, kaya sana makarating ito sa kan'ya sa itaas.

Kanina pa namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang pinapanood si Sevi na nagmamartsa kasama ang standee na pinagawa niya. Hindi siya iyon, kun'di si Santi na naka-toga rin katulad nila.

Sobrang effort niya sa pagpapagawa noon. Ilang linggo rin niyang pinagplanuhan 'yon bago ang kanilang graduation. Aniya pa, hindi siya papayag na hindi rin aakyat ang bestfriend niya. At kitang-kita ko rin sa mga mata niya kung gaanon siya ka-proud kay Santi.

Napahikbi ako at pinigilan ng bahagya ang pag-iyak ko nang nilingon ako ni Sevi. Ngumiti siya at tinuro ang standee ni Santi sa tabi niya. Nakaakbay pa siya dito na parang buhay-buhay ang katabi niya.

Mas lalo akong napahagulgol nang iyak. Ngumiti pa siya kahit ramdam ko ang lungkot at sakit na pilit niyang tinatago.

Sino ba ang hindi masasaktan sa pagkawala ni Santi? Sa dami ng pinagdaanan at sakripisyo niya para sa aming pamilya, hindi ko lubos maisip na magtatapos nang hanggang doon na lamang ang buhay niya.

Alam kong marami pa siyang pangarap sa buhay, pero sinantabi niya iyon para pamilya at mga kapatid niya. Kinalimutan niya ang mga pangarap niya para na naman sa amin. Miss na miss ko na ang baby ko.

"From the college of Architecture, our beloved Thobias Christian Gutierrez, Cum Laude."

Nagpalakpakan ang lahat at ang iba naman ay umiiyak na rin katulad ko. Pinanood ko lang si Sevi habang inaalalayan ang standee paakyat ng stage.

Noon pa lang alam ko nang solid ang samahan nilang dalawang magkaibigan, pero ngayon narealize ko na hindi lang pala hanggang doon ang pagkakaibigan nila. They're like soul brothers.

Kung buhay lang sana si Santi, alam kong magiging proud rin siya kay Sevi.

Kahit umiiyak, nagawa ko pang magulat nang bigla na lang may hawak na mic si Sevi. Nasa tabi pa rin niya ang standee ni Santi na may suot ng medal at ang bulaklak na nasa ibabaw ng speech table.

Nakangiti lang si Sevi habang hawak ang mic at nililibot ang kan'yang paningin. Mukhang wala naman siyang hinahanap, alam rin naman niya kung nasaan ako. Siguro ay tinitingnan lang niya isa-isa ang mga tao dito sa gymnasium.

"Ahm..." panimula niya bago ngumiti ng mas malaki. "First of all, gusto ko lang sabihin na huwag kayong malilito, ah. Hindi ako si Santi. Pareho lang kaming pogi pero mas matalino siya." Tinuro niya ang standee ni Santi sa tabi niya. Bahagya siyang tumawa pero bakas sa mga mata niya ang lungkot kagaya ko.

Nagtawanan ang mga tao kahit pare-pareho na kaming kanina pa nag-iiyakan. Pambihirang Sevi, hindi na talaga nagbabago.

Pagkatapos ng ilang minutong tawanan, bigla namang tumahimik ng unti-unti nang umaagos ang luha sa pisngi ni Sevi. Tahimik lang siya at tila nagpipigil na tuluyang umiyak.

He sniffed and shut his eyes for a moment. "S-santi..." he started before opening his eyes and look up, like if he was talking to Santi. "We're so proud of... y-you. I love you, b-bespren! I-I miss you na gag* ka!" he screamed, crying.

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon