Hot 27

18.8K 478 79
                                    


Chapter 27

Thobias Christian Gutierrez

Masaya ako para kay Mama at Sevi. Unti-unti ko na ring natatanggap ang set-up naming tatlo, pero hindi ibig sabihin no'n wala na akong nararamdaman. I'm lying if I said that. I wasn't completely fine.

At this point, I'm still in the process of accepting their relationship and moving on. I'll get over it... promise.

Dalawang lalaki ang pinagbubuntis ni Mama. Hindi ko masabi kung masaya ba si Sevi sa naging resulta ng gender reveal two weeks ago. Hanggang ngayon kasi parang nawawala pa rin siya sa sarili.

Mukhang may mababaliw pa nga sooner or later. Tsk.

“Sevi, kumusta ang future Tatay?” tanong ko na may halong panunuya sa nakatungangang si Sevi. “Parang ayaw mo naman. Back out ka na ba?” I chuckled.

Nilingon niya ako na may matatalim na tingin. “Tumigil ka na, Santi. Wala ako sa mood makipagbiruan.”

Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya. Hindi pa nga talaga siya nakaka-move-on sa mga anak niya.

Halata naman noong gender reveal na gulat na gulat talaga siya sa resulta. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya sa lalaki. Ayaw niya no'n, kakalat ang lahi namimg dalawa? Bobo. Tsk.

“Ayaw mo na ba? Sabihin ko kay Mama na sa ibang lalaki---”

Santisima kang hayop ka! Tumahimik ka nga!” Tinakpan niya ang bibig ko at halatang naiinis na sa ginagawa kong pang-aasar sa kan'ya.

Natawa na lang ako bago tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. “Masyado ka kasing seryoso sa buhay. Chill ka lang. Lalaki lang 'yan, hindi ka naman siguro aagawan ng mga 'yan sa babae. Baka may balak ka pang mangbabae, ah. Susumbong kita kay Mama.”

Naniningkit naman ang mga mata niya ngayon na nakatingin sa akin. “Ano bang trip mo sa buhay? Wala ka bang magawa? Maglinis ka ng bahay! Magluto! Huwag mo lang akong guluhin. Please lang! I'm thinking, okay?”

My jaw dropped. “Inuutusan mo ba ako, Daddy?” mariing sabi ko sa daddy at baka iyon na ang iniisip niya kaya nagagawa niya akong utusan.

Seryoso lang ako pero pagkatapos ng ilang segundo ay umakto akong nasusuka. “Please! Don't force me to call you Daddy after your wedding. Nakakasuka!”

Nasapo niya ang kan'yang noo at bumuntong hininga. “Umalis ka na sa harapan ko. Please lang din. Sayo pa yata ako tatanda ng maaga.”

Tinikom ko ang aking bibig at nagpipigil na tawanan siya. Pero wala rin akong nagawa nang napabuga ako ng hangin at humagalpak nang tawa.

“Gago ka! Napaka-feeling mo. Akala mo naman --- tang*na!” Tinawanan ko si Sevi sa kabaliwan niyang pinagsasabi.

He's just twenty-one years old and he's thinking that he's getting old already. Dafvck!

Ganiyan ba ang epekto ng pagiging ama? Iniisip ang lahat ng bagay kahit sobrang layo pa sa katotohanan.

Parang ayoko na tuloy mag-asawa. Iniisip ko pa lang din parang sumasakit na ang ulo ko. He just gave me a reason to stay single for good.

Naipailing na lang ako bago nagpaalam na pupuntahan si Mama. May sasabihin pa nga pala ako sa kan'ya.

“Sige na, iiwan na kita dito. Eat well.” Tumayo ako at tinapik siya sa balikat.

Kumakain siya pero hindi 'man lang niya ginagalaw ang pagkain niya. Lumilipad nga talaga ang kan'yang isip. Tsk.

“Teka nga, Santi. Seryoso ka ba talaga? Hindi ka naman nagkamali ng rinig sa doctor? Or namali ng basa, hindi ba?”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon