Chapter 26Gael Sevirino Torres
Naniniwala na ako sa kasabihang pagkatapos ng bagyo, sisikat ang araw. Sa dami ng mga nangyari hindi ko lubos maisip na matatapos din pala itong lahat.
Marami kaming pagkakamali na dapat pa rin naming i-tama, at ilang mga nasaktan na kailangan pa rin mag-heal. Only time will tell.
Pero nakakatuwa rin isipin na sa kabila ng mga nangyari, marami pa ring magaganda ang nangyayari at mangyayari pa lang. Katulad ng gender reveal na planadong lahat ni Santi.
“Ma, huwag niyo na kasing tingnan kung anong gender ng kambal. Mag-ge-gender reveal nga tayo sa bahay. 'Yon ang uso ngayon.” Ngumiti si Santi na parang may malaking pina-plano sa isip.
Papasok pa lang kami ng Hospital pero 'yon na agad ang kanina pa niya bukang bibig. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko. First time kong maging Tatay, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Oh, siya, ikaw na ang bahala. Ikaw na rin ang masusunod.” Pagsuko ni Tita Crisanta sa makulit na si Santi.
“Yes!” Hindi naman halatang masaya siya, sobra lang.
Napailing na lang ako at napakamot sa noo. Pasalamat siya kinakabahan ako, hindi ko siya maaway.
“Sevi? Ayos ka lang? Namumutla ka yata.” Huminto kami nang huminto si Santi na nasa unahan namin naglalakad. “Kinakabahan ka ba?” aniya pa na may halong pang-aasar.
Matalim ko siyang tiningnan at hinawi ang kamay niyang nakaturo sa akin. “No, I'm not. Bakit naman ako kakabahan?” Tanggi ko sa paratang niya sa akin.
Bakit naman ako aamin? Para mas asarin niya ako?
No way.
I won't let that happen. Tatay na ako, hindi na ako puwedeng magpaapi lalo na sa future step son ko.
“Sinungaling ka, gag*! Baka mamaya himatayin ka diyan. Hindi kita bubuhatin, bahala ka,” pang-aasar pa niya.
“Hindi naman ako magpapabuhat. Nandiyan naman si Tita.” I chuckled.
“Ha? Ako magbubuhat sa'yo?”
Pareho kaming napatingin ni Santi kay Tita. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
“Joke lang po, Tita. Masiyado naman po kayong seryoso.” I laughed.
“Masiyado naman kayong magulo. Tara na nga sa loob. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.” Inirapan niya kami at naunang maglakad papasok ng Hospital.
Hay, ang ganda talaga ni Tita Crisanta.
“Oy, tara na! Baka tumulo naman laway mo.” Natauhan ako nang akbayan ako ni Santi. Hinila niya ako at sumunod kami kay Tita.
Sumunod na lang ako at baka mabatukan ka pa siya sa sobrang ligalig niya. Ewan ko ba kung anong nakain nito at biglang naging hyper. Hindi kaya napaano ang utak niya noong nag-diliryo siya?
Nevermind.
Nasa loob na kami ng Hospital. Nakasunod pa rin kami kay Tita Crisanta na mukhang naririndi na sa amin ni Santi. Si Santi lang naman ang maingay, kasi hindi naman siya ang magulang. Sobrang excited pa nga ang loko.
“Siya nga pala, Sevi.” Bigla siyang huminto kaya natigilan din ako. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at saka ako hinarap. “May favor sana ako...” dagdag niya.
Nanatili akong tahimik at naghintay lang sa gusto niyang sabihin. Seryoso na siya ngayon na dumagdag pa sa kabang nararamdaman ko.
He sighed and bit his lower lip. Kinakabahan rin ba siya?
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...