Chapter 13Crisanta Gutierrez
In my thirty-six years of existence, marami na akong napagdaanan sa buhay. May mga bagay akong pinagsisihan at mga nagawa na pinagpapasalamat ko pa rin hanggang ngayon.
Kasama si Santi sa mga nagawa kong kahit kailan hindi ko pagsisisihan. Siya ang naging buhay at lakas ko sa loob ng dalawampu't isang taon sa tuwing malapit na akong sumuko. He's my strength, and weakness at the same time.
Pero ang baby na nasa sinapupunan ko ngayon, hindi ko pa rin malaman kung blessing ba siya na ituturing, o pagsisisihan ko lang balang araw. Iniisip ko si Santi, hindi ko kaya na mawala siya kapag nalaman niyang si Sevi na bestfriend niya ang ama ng dinadala ko.
Kaya ngayon, hangga't kaya ko, itatago ko ang totoong pagkatao ng bata. Hindi naman nila malalaman kung mag-iingat ako.
Mabuti na lang at nakalabas na si Sevi bago kami hinanap ni Santi at Nikita noong isang gabi. Muntik na kaming mahuling dalawa dahil sa kapabayaan ko.
Hindi ko na kasi kayang pigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang makita noong gabing 'yon kaya hindi na ako nagdalawang isip pang hilahin siya sa loob. I can't even sleep because of him. Sa ideyang nasa baba lang siya parang gusto ko ng sumabog makita lang siya.
Malayo ang nararanasan ko ngayon sa pagbubuntis ko noon kay Santi. Kahit wala ang ama niya, wala akong pakialam. But now? Nakakaloka.
“Hindi pa po ba alam ni Nikita na buntis kayo?” Lumapit sa akin si Santi sa kitchen para lang itanong 'yon. Kanina ay nandoon silang dalawa ni Nikita sa dining table at nag-uusap.
“Hindi pa, at wala rin akong balak sabihin. Tapos na akong makinig sa mga masasakit nilang salita.”
“Si Nikita naman po 'yan, Ma. Mapagkakatiwalaan po natin siya.”
Nilingon ko si Santi. Pinagmasdan ko muna siyang mabuti bago ako nagsalita. “You can't trust anyone, Santi, sarili mo lang ang dapat mong pinagkakatiwalaan sa ngayon. 'Yan ang palagi mong tatandaan, okay?”
“Kahit ikaw?”
Nginitian ko siya bago hinawakan sa mukha. Hinaplos ko pa ang pisngi niya gamit lang ang thumb ko. “Kahit ako, anak.”
Sa dami kong tinatago kay Santi, kahit ina niya ako, hindi ko masisiguro kung dapat rin ba niya akong pagkatiwalaan. Mas mabuti nang ganoon para hindi siya mas masaktan kapag nalaman na niya ang totoo.
Para na naman akong maiiyak nang hawakan ni Santi ang kamay ko na nasa mukha niya. Hinalikan pa niya ito habang titig na titig sa akin.
This past few days, he's trying to reached out again. Nakikita ko kung paano niya pinipilit na tanggapin na lang ang nagyayari kaysa magalit sa akin. Hindi ko nga namamalayang unti-unti na pala ulit kaming bumabalik sa dati.
“Sali naman ako! Anong pinag-uusapan niyo?!”
Kaagad kong binawi ang kamay ko kay Santi, na agad rin naman niyang binitawan bago pa makalapit si Nikita. Timing din talaga ang batang 'to kahit kailan. Tsk.
“Wala. Bumalik ka na doon, kakain na rin tayo.” Kinuha ni Santi ang mga niluto ko at dinala sa dining table.
Nilagpasan lang din niya si Nikita na parang napagkaitan na naman ng mundo. Napakamot na lang siya sa ulo bago sumunod kay Santi.
Minsan talaga may pagkamaldito si Santi, manang-mana sa pinagmanahan. Natatawa na lang din ako sa mga nakukuha niyang attitude sa akin, hindi maitatanggi na anak ko talaga siya.
Pagkatapos naming mag-breakfast, bumalik na sa itaas si Santi at Nikita. Naiwan akong mag-isa sa baba para maglinis. Wala rin naman kasi akong gagawin maghapon.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...