Chapter 22Thobias Christian Gutierrez
Kinabukasan maaga akong nagising kasi pupunta raw kami ni Sevi sa Batangas. Mabuti na lamang at sembreak namin ngayon kaya hindi kami nahihirapan kumuha ng oras sa paghahanap kay Mama.
Ilang linggo na lang din magpapasko na. Sana bago dumating ang araw na 'yon makita na namin si Mama, kasi kung hindi, ito ang unang beses naming magkahiwalay ngayong pasko.
“Goodmorning, Manang Linda!” bati ko kay Manang pagkababa ko ng hagdan.
Nilingon niya ako na halatang nagulat sa ginawa ko. “Jusko pong bata ka! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo.”
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Matanda na nga si Manang, nagiging magugulatin na.
Pupunta na sana ako sa dining table nang napansin ko ang hawak niyang cellphone. She's talking to someone?
“Sino pong kausap niyo, Manang? Umagang-umaga may ka-talking stage na po agad kayo.” I chuckled.
Napatingin si Manang sa cellphone niya bago ito mabilis na tinago sa likod niya. “Anong ka-talking --- ano? Kausap ko lang ang pamilya ko. Nangangamusta.”
Napatango na lang ako bago dumiretso sa dining table. Kakain lang ako tapos aalis na. Baka ilang araw daw kami doon.
“Saan kayo pupunta ngayon, Santi? Mag-iingat kayo, ha.” Umupo si Manang sa tapat ko para samahan akong mag-almusal.
“Batangas po sabi ni Sevi. Baka ilang araw daw po kami kaya hindi muna ako makakauwi. Ilang oras na biyahe rin po kasi 'yon,” sagot ko.
“Malayo nga ang lugar na 'yon. Gusto mo bang pabaunan kita ng makakain niyo sa daan?”
I shook my head. “Huwag na po kayong mag-abala. Marami naman pong madadaanan na kainan at convenience store papunta sa Batangas. Alagaan niyo na lang po muna ang sarili niyo habang wala ako. Hindi ko po kakayanin kung pati ikaw mawawala.” I smiled.
“Aba itong batang 'to 'yon agad ang iniisip. Hayaan mo at mahaba naman ang buhay ko. Baka ako pa ang mag-alaga ng mga magiging anak mo.”
Puro lang kami tawanan at kwentuhan ni Manang Linda habang kumakain. The best talaga si Mama, kahit umalis siya hindi niya pa rin ako hinayaang mag-isa. Mas okay sana kung siya iyong nandito.
Don't worry, Ma, mahahanap din po kita at magkakasama na tayong lahat. Hindi mo na rin po kailangan mag-alala kasi ako na ang bahala sa inyo ng mga kapatid ko. Wala nang mananakit at lalapit sa inyo ng hindi dumadaan sa akin.
Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang isipin kung nasa Pilipinas pa ba si Mama. Baka nag-aaksaya lang kami ng oras at pagod sa paghahanap kung wala naman dito ang hinahanap namin.
“Sa tingin mo nasa Pilipinas pa si Mama?” kuryosong tanong ko habang seryosong nagmamaneho.
“Ako ba kinakausap mo?”
Sinulyapan ko siya na may matatalim na tingin. “Baliw ba ako para tanungin ang sarili ko?” I hissed.
“Ah, ako nga.”
Shit.
Kung ganito ang makakausap ko araw-araw baka mabaliw nga ako. Nasaan ba kasi ang isip nitong lalaking 'to? At bakit ko rin kaya siya nagustuhan? Yuck!
“Hindi ko rin alam. Pero kung wala, hahanapin pa rin natin siya kung nasaan 'man siyang lupalop ng mundo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang mag-iina ko.”
“That's right, but the problem is, may pera ka ba? Anytime soon baka palayasin ka na ng Nanay mo once na magkausap sila ni Lola.” Nagtataka nga ako, dapat kagabi pa lang nag-a-alsabalutan na siya paalis ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...