Chapter 31Thobias Christian Gutierrez
Pagbaba namin ng hagdan, dumiretso ako sa lagayan ng mga susi at kinuha ang car key ko. Papunta na kami sa grad ball, obviously ako na naman ang mag-da-drive.
“Santi, ako magmamaneho.” Natulala ako nang agawin sa akin ni Sevi ang susi sabay takbo palabas ng bahay.
Dafvck! Ayoko pang mamatay.
“Hoy, gag*! Akin na 'yan! Bawal kang magmaneho, baka mamatay tayo ng maaga.” Hinabol ko agad si Sevi palabas ng bahay.
Hindi ko na siya naabutan nang nakapasok na agad siya sa loob ng driver's seat. Naningkit ang mga mata ko na nagtungo sa labas ng kotse kung saan side siya nandoon.
Ilang ulit akong kumatok sa bintana ngunit hindi niya ako pinapansin. “Sevi! Huwag ka na kasing makulit. Ako na ang mag-da-drive!”
Hindi niya pa rin ako pinansin kaya no choice ako kun'di pumunta sa kabilang side at doon sumakay. Subukan niya lang talaga na magpalipad papuntang langit, uunahin ko siya.
Ayokong masira ang gabi ko kaya hahayaan ko na lang siya. It's time for him to learn. Hindi iyong palagi siyang nagmamadaling mamatay.
“Ayusin mo, Sevi. Hindi pa ako nagkakajowa,” pagbabanta ko bago umupo sa tabi niya.
“Maniwala ako sa'yo. Eh, sino 'yong Denise na taga tourism?” nang-aasar niyang tanong.
Matalim ko siyang tiningnan. “Wala ka na do'n. Tara na nga!” Hinampas ko siya sa braso bago umiwas nang tingin.
Denise is someone who is always there to comfort me.
Habang nasa kalsada on the way papuntang school, naaamaze ako na hindi siya nagmamadali. Ang smooth niyang mag-drive na sobrang nakakapanibago.
“Anong nangyari, pre? Bakit bigla kang naging gentle?” I chuckled, glancing at him.
“Nag-pa-practice lang in case of emergency.” Nilingon ko siya at nakita ang malaking ngiti niya na parang may magandang iniisip. “Gusto ko kasi, ako ang maghahatid at sundo sa kambal kapag papasok na sila sa school. Kung papayag din sana ang Mama mo, gusto ko rin siyang ihatid-sundo.” Nilingon niya ako saglit. Nakangiti pa rin siya na tila abot langit.
Pati ako nahahawa sa ngiti niya habang nag-ke-kwento ng mga future plans niya sa family niya. Hindi naman halatang excited ang future step dad ko. Yuck!
Nakakasuka 'man isipin, sa ayaw 'man o sa gusto ko, magiging step dad ko talaga siya. He'll marry my mother for sure.
“Siya nga pala, Santi, may naisip ka na bang pangalan ng kambal?”
Mabilis pa kay flash ang pagkunot ng noo ko sabay lingon sa kan'ya. “Ha? Gag* ka ba?! Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang magulang?”
“Kalma! Tinatanong lang kita para may ambag ka naman.” He chuckled. “Joke! Pero seryoso nga, anong gusto mong pangalan para masabi natin sa Mama mo.”
I sigh.
Never naman sumagi sa isip ko na magbigay ng pangalan sa mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko, naisip ko lang na sila ang mas may karapatan kasi sila ang magulang. Pero kung hinihingi nila ang opinyon ko, why not!
Sumandal ako at tahimik na nag-isip. Gusto ko 'yong pangalan na maaalala nila kami everytime na tatanungin sila kung bakit iyon ang pangalan nila. Minsan kasi darating tayo sa punto ng buhay natin na magiging curious tayo sa lahat ng bagay.
Dumaan din ako sa pagiging bata na nagtatanong kung bakit ang pangalan ko ngayon ang pinangalan sa akin ni Mama. Minsan naman, nagiging assignment, or trending sa social media na kailangan magpagalingan ng history.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...