EPILOGUE

21K 331 51
                                    


Epilogue

Crisanta Gutierrez

“From the college of Architecture, Thobias Christian Gutierrez, Cum Laude.”

Nagpalakpakan ang lahat habang ako ay umiiyak pa rin dito sa aking upuan. Tumayo si Santi at lumingon sa gawi ko. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti sabay taas ng kamay at kumaway sa akin. Kumaway naman agad ako pabalik kahit umiiyak pa rin ako sa sayang nararamdaman ko.

Naglakad na siya patungong stage. Nakipag-apir pa siya kay Sevi nang nadaanan niya ito. Kahit umiiyak, kitang-kita ko ang sayang nararamdaman ng anak ko.

Saksi ako sa lahat ng paghihirap ni Santi, kaya bilang Ina sobrang proud ako sa narating niya ngayon at mararating pa lang. All of his sacrifices and hard work now pays off.

I'm so proud of him.

Pagkarating sa stage kumaway muna siya sa aming lahat na nasa harap niya bago nakipag-shake hands sa mga teacher at special guests na nasa stage. Pagkatapos ay dumiretso siya sa may speech table at kinuha ang mic doon.

Habang pinapanood ang anak ko, sari-saring emosyon na naman ang nararamdaman ko ngayon. Naalala ko iyong mga nangyari sa kanila ni Sevi na kung hindi sila nakahanap ng donor ay siguradong pare-pareho kaming nagluluksa ngayon. Mabuti na lamang at mabait pa rin ang Diyos sa amin at binigyan niya kaming muli ng pagkakataon na maging masaya.

“Ahm . . . to our honorable guest, to the President of Ignatius International School and Colleges, and as well as the members of the management, to the professors of the institution, to the parents and loved ones of the graduates, and to you, my fellow Ignatians, mabuhay sa ating lahat!” panimula ni Santi at saka ngumiti ng malaki. Sinubukan kong makinig sa anak ko at pinigilan ang luhang hindi tumitigil sa pag-agos. “I actually don't know where to start, wala kasi akong hinandang kodigo since hindi ko naman gawain 'yon.” He chuckled.

“Naks! Baka Santi 'yan!”

Nagtawanan ang lahat nang sumigaw si Sevi mula sa kan'yang upuan. Pumalakpak pa ito na parang magulang na halos lumundag na sa sobrang saya.

Pansin ko ang pagtuon ni Santi ng pansin kay Sevi na mukhang hiyang-hiya sa ginawa ng kaibigan. Napailing na lang ito at muling tinuon ang atensyon sa audience.

“Pasensya na po, hindi ko po kilala 'yon.” He giggled. “Joke lang! Sa katunayan, kung hindi dahil sa taong 'yon hindi magiging memorable ang college life ko. He taught me things that I didn't learn in school. Maraming bagay akong natutunan na gusto kong ipagpasalamat sa kan'ya...” Sinundan ko nang tingin ang mga mata ni Santi at nakitang bumaba ang tingin niya sa gawi ni Sevi.

Habang pinapanood si Santi, hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako. Noon pa lang alam ko nang solid ang samahan nilang dalawang magkaibigan, pero ngayon narealize ko na hindi lang pala hanggang doon ang pagkakaibigan nila. Noon pa lang alam ko nang solid ang samahan nilang dalawang magkaibigan, pero ngayon narealize ko na hindi lang pala hanggang doon ang pagkakaibigan nila. They’re like soul brothers.

“Seventeen years ago nang lumipat kami sa tabing bahay nila Sevi. My mother married the single old man living beside their house. Namatay si Daddy pagkatapos ng isang taon at doon ko siya nakilala. Natatakot kasi si Sevi kay Daddy kaya hindi talaga siya pumupunta sa amin noon. Madalas pa naman akong naglalarong mag-isa sa bakuran namin. Nagkasundo kami hanggang sa naging matalik na magkaibigan. Madalas na siya sa bahay namin lalo na nang nagsimulang mag-travel ang mga magulang niya para sa kanilang negosyo. Madalas siyang matulog sa bahay namin, and obviously tabi kami sa kama ko. In short, we share everything to each other, like brothers. But we don’t share girls, never kaming nag-away sa isang babae. Hmmm . . . oo pala.”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon