Chapter 7Crisanta Gutierrez
It's been four days since I last saw Sevi. Iyon pa 'yong araw na nakita ko siya sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil wala rin namang sinasabi sa akin si Santi.
Ramdam kong may mali lalo na at hindi naman tumatagal ng gano'n ang hindi pagpunta ni Sevi dito sa bahay. Isang araw pa nga lang malaki na ang pagtataka ko.
Except when he confessed to me. Totoong may rason kaya understandable kung bakit ilang araw siyang hindi nagparamdam.
Tahimik at hindi mapakali ang mga mata kong tinitingnan si Santi. May kakaiba rin akong nararamdaman sa batang 'to. Palagi siyang tahimik at halos hindi na ako kinakausap.
“What is it, Ma? You need anything?” Santi asked without looking at me. He's too busy playing to his food.
Yes, we're having breakfast together, as usual, but he's not eating. Naglalaro lang siya kaya tinitingnan ko.
“Nilalaro mo ang pagkain. Ilang araw ka ng gan'yan. May problema ka ba?” I confronted him.
Bilang ina, hindi ko puwedeng hayaan na lang lahat ng napapansin ko. Lalo na at hindi maganda ang mga nakikita ko. Palagi siyang tulala at walang ganang kumain. He's not my Santi that I know.
“Wala po, Ma. Marami lang po akong ginagawa sa school.”
“You're lying, Santi. Akala mo siguro hindi kita kilala? Palagi ka namang may ginagawa pero hindi ka nagkakagan'yan. Are you having trouble with a girl? Tell me.” He can't lie to my face, especially I'm his mother.
Mothers knows everything.
Akala siguro niya maniniwala ako sa mga palusot niya. Kahit ganito akong ina, hindi ako nagkukulang pagdating sa kan'ya. He knows that.
“Of course not, Ma. I'm just having a bad day.”
“Having a bad day? It's almost a week. Baka bad week, Anak.” I chuckled.
“Ma, naman!” Nag-angat siya nang tingin at matalim ang tiningnan. “Nagagawa mo pa talagang magbiro, 'no?” He tsked.
Tinikom ko naman agad ang bibig ko at maagap na umiling. “Pinapangiti lang kita. Ikaw naman para kang nana. Meron ka ba?” pagbibiro ko pa.
“Ma! It's not funny. Alis na nga ako.” Tumayo agad siya at kinuha ang kan'yang bag sa sofa.
My jaw dropped out of surprised. Hindi pala magandang idea ang pagbibiro. I thought it's gonna work.
Tatayo na sana ako para habulin siya ngunit huli na nang makalabas na siya ng pinto. He's rushing and obviously mad at me.
He didn't even bothered to kiss me.
Hindi ko alam ang nangyayari, pero sigurado ako na mas malala pa sa paghihiwalay namin ng papa niya ang paghihimutok niya ngayon. He's smart and too young when me and his father choose a different path. And now? He's unpredictable.
“Manang Linda...” Nilingon ko si Manang Linda na halatang gulat pa rin ako sa nangyayari. Nasa may kitchen siya, nagtitimpla ng kan'yang kape. “Wala po bang nababanggit sa inyo si Santi?”
Umiling lang si Manang Linda.
I bit my lower lip and looked back at the door. Should I ask Sevi, then?
No! That's a bad idea, Crisanta.
Bumalik na lang ako sa kinakain ko at akmang isusubo na ang hotdog nang nakaramdam ako ng kakaibang feeling. My stomach is sick and I feel like puking.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...