Hot 14

21.1K 527 218
                                    


Chapter 14

Gael Sevirino Torres

Nandito kami ngayon sa hospital, binabantayan si Tita Crisanta. Matapos niyang mahimatay kanina, dinala namin agad siya dito. Kanina pa nga ako nanlalamig at kinakabahan.

Gusto kong magalit sa sarili ko, kung hindi dahil sa akin hindi mapapahamak ang mag-ina ko. Kung nakinig lang ako sa kan'ya kanina hindi na sana mangyayari 'to.

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa mag-ina ko.

Umupo ako sa tabi ni Santi na kanina pa nakatitig sa Mama niya. Maging siya ay nag-aalala na rin, ilang oras na kasing walang malay si Tita Crisanta.

“Nasaan na si Nikita?” Hinawakan ko siya sa balikat para makuha ang atensyon niya. Nilingon naman agad niya ako.

I'm not into her. Never. Gusto ko lang i-distract si Santi para hindi na siya mag-alala ng sobra kay Tita Crisanta. Magiging okay rin ang lahat.

“Umuwi na. Nagpasundo sa Papa niya,” tipid niyang sagot bago binalik ang tingin kay Tita Crisanta.

Tumango lang ako sa sagot niya at tiningnan din si Tita Crisanta. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaya lang hindi ko na rin alam ang sasabihin.

Habang tumatagal mas lalo pa akong kinakabahan para sa mag-ina ko. Hindi sila puwedeng mawala sa akin. Gusto ko pa sila makasama ng mas matagal. Gusto ko rin mahawakan ang magiging anak namin.

I bit my lower lip as I watched her lie on the hospital bed. Ilang oras na nga ba siyang walang malay? Nag-angat ako ng tingin sa wall clock malapit sa pinto.

Mag-aapat na oras na pala siyang walang malay. Hindi pa rin bumabalik ang Doctor na nagtingin kay Tita kanina. May nangyari na kayang masama sa kan'ya? Shit!

Tangina ka kasi, Sevi! Ang tigas ng ulo mo.

Nilingon ko si Santi para sana tanungin kung sino iyong Doctor ni Tita Crisanta para ako na ang pupunta. Bigla naman siyang tumayo kasabay nang pagbukas ng pinto.

Tumayo na rin ako at agad na lumapit sa Doctor na pumasok. Siya rin iyong Doctor kanina.

Tiningnan muna ng Doctor si Tita bago niya kami nilingon. Tiningnan niya ako na parang sinusuri kung kilala niya ba ako.

“Family member din ba siya, Santi?” tanong ng Doctor sabay lingon kay Santi sa tabi ko.

Nilingon naman ako saglit ni Santi bago binalik ang tingin sa Doctor. “Opo, Doc.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niyang iyon. Akala ko tuloy mapapalabas ako ng wala sa oras.

Tumango lang ang Doctor at saka tumingin sa chart na hawak niya. “Your mother is alright, as well as the twins. Maswerte kayo na---”

“Twins? Twins po ang nasa tiyan ni Tita Crisanta?” Sinulyapan ko pa si Tita nang hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig.

Hindi ko alam. Bakit hindi 'man lang sinabi sa akin ni Santi?

Napatingin ako kay Santi nang sikuhin niya ako. “Manahimik ka nga, may sinasabi pa si Doc.”

Tinikom ko agad ang bibig ko at muling tiningnan si Doc. Yumuko pa ako para humingi ng sorry at ipagpatuloy ang sinasabi niya.

Parang nawala ang lahat ng takot ko at kaba sa ideyang kambal ang anak namin. Nakakataba ng puso. Na-e-excite din lalo akong makita sila after seven months. Shit!

Sobrang galing ko namang shooter!

“As I was saying, healthy ang Mommy at ang mga baby kaya hindi sila madaling bumitaw. Iwasan na lang ang masyadong stress sa susunod para hindi na mangyari 'to. Maya-maya magigising na rin si Crisanta kaya huwag kayong mawawala sa paningin niya. Babalik ako mamayang hapon sa rounds ko.”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon