Hot 31

13.8K 240 7
                                    


Chapter 31

Crisanta Gutierrez


Kanina pa ako iyak nang iyak habang naghihintay na may lumabas na Doctor. Wala akong kasama papunta dito. Hindi na ako nag-abalang gisingin pa si Manang Linda dahil sa pagmamadali ko. Ayoko rin siyang mag-alala, matanda na siya baka kung ano pa ang mangyari sa kan'ya.

Umiiyak ako pero pilit kong pinapalakas ang sarili ko. Kung hindi ko gagawin 'yon, walang ibang gagawa noon para sa sarili ko, para sa aming lahat.

Walang mangyayari masama sa dalawa. Ginagamot lang sila sa loob dahil nasugatan sila.

Please... huwag niyo pong kunin ang kahit isa sa kanila. I need them.

Nagpalakad-lakad lang ako sa hallway, umiiyak. Wala akong pakialam kung iisipin nilang baliw ako. Sila kaya ang mapunta sa sitwasyon ko.

Naalerto ako nang bumukas ang pinto ng operating room. Nilapitan ko agad si Hernan na siya palang Doctor sa loob.

“Santi is alive,” bungad niya sa akin.

Humagulgol ako nang iyak. “T-thank... God.” Mariin akong napapikit at nakahinga ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa balitang iyon ni Hernan. Ligtas si Santi. Ligtas ang anak ko.

“Pero si Sevi...”

Pakiramdam ko'y huminto agad sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Sevi na parang may hindi siya magandang ibabalita. Maging ang luha ko ay tila umurong sa nagbabadyang sakit na naghihintay sa akin.

I'm just overreacting. Sevi is fine. Ligtas din siya katulad ni Santi.

Napalunok ako bago marahang nagmulat ng aking mga mata. I feel like my eyelids are getting heavier.

What happened to him?

“He's in the operating room, Crisanta... and he badly needs a heart. We need his parents right now.”

Hindi ko alam kung anong isasagot. Nangangatog ang tuhod ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ngayon pa?!

Bakit ngayon pa nangyari 'to?!

Bakit sila pa?!

Tang*na!

“Kung hindi siya mabibigyan ng donor in the next five hours, sorry to say pero... hindi na namin siya maliligtas, Crisanta.”

Para akong biglang nagising sa sinabi niya. “Five hours?! Saan ako kukuha ng puso sa gano'n kaliit na span?! Kahit buong araw siguro akong maghahanap hindi agad-agad ako makakahanap--- aray!”

Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla itong sumakit. “Fvck! No! Not now, please!” sisigaw ko. Wala na akong pakialam sa mga tao. Ang sakit talaga!

“Are you okay? Crisanta?!”

Mariin akong napapikit sa sobrang sakit ng tiyan ko. Dahil sa sobrang pag-alala, nakalimutan kong buntis nga pala ako. Parang hindi ko rin nararamdamang mabigat ang dinadala ko dahil sa pag-iisip ko kay Santi at Sevi papunta dito.

Tapos bigla siyang sasakit ng sobra sa kalagitnaan ng mga komplikadong sitwasyon. Tang*na!

“Aray!” sigaw ko pa.

“Crisanta, manganganak ka na yata. Dadalhin na kita sa operating roon.”

“No! Hindi pa 'yan! Kailangan ko munang makita ang anak ko, at si Sevi --- aray!” Mariin akong napapikit. Naramdaman ko ring unti-unti na namang nag-uunahan sa pag-agos ang aking mga luha.

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon