Chapter 25Crisanta Gutierrez
Ligtas naman kaming nakarating ng Manila ni Sevi. Wala siyang dalang sasakyan para magmaneho ng kotse ko. Infairness mabagal lang pala siyang mag-drive. Akala ko papunta na kaming langit.
“Salamat, Sevi,” saad ko pagkababa namin ng kotse. Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti.
“Wala po 'yon, maliit na bagay.” Nahihiya siyang ngumiti sabay iwas nang tingin.
Bata pa talaga ang isang 'to. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Pumatol din naman ako at nagkaroon pa ng dalawang bunga.
I sighed. “Nasaan daw si Santi?” tanong ko kay Sevi bago tumingin sa nasa harap namin.
Nasa parking kami ngayon ng Hospital. Mukha lang akong kalmado pero kanina pa talaga ako hindi mapakali. Iniisip ko pa lang na nasa Hospital si Santi para na akong aatakihin sa puso.
Ni hindi ko nga siya pinapadapuan ng lamok tapos uuwi ako na nasa Hospital siya. Kasalanan ko talaga itong lahat.
“Nasa patients ward lang daw po sila sabi ni Manang Linda. Bumababa na rin daw po ang lagnat ni Santi.”
Tumango lang ako bago naglakad papasok ng Hospital. Ayokong magpasalamat na iyon lamang ang sinapit ni Santi, hindi pa rin kasi ito mangyayari kung hindi ako umalis ng bahay.
Huminga ako ng malalim nang nakarating na kami sa patients ward. Nilibot ko ang mga mata ko na may kasamang pagdarasal sa aking isip.
Ilang weeks din akong nawala, miss na miss ko na ang baby ko.
Bigla ko na lamang naramdamang may umaagos ng luha sa pisngi ko nang makita ko si Santi. Nakaupo lang siya habang sinusubuan ni Manang Linda ng pagkain. Matamlay pa siya at walang lakas.
Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Kasabay ng pagbigat ng pakiramdam ko ay parang naninigas din ang aking mga paa para maihakbang papalapit sa kan'ya.
Kasalanan ko itong lahat... nasasaktan ko na siya.
“Tara na po, Tita? Kahapon ka pa po niya hinihintay,” rinig kong sabi ni Sevi sa likod ko.
Mas lalo akong kinabahan at naiiyak sa sinabi ni Sevi. Naaawa ako sa anak ko. Kung hindi ko lang siya iniwan, hindi mangyayari 'to.
“Tara na po.”
Bigla akong natauhan nang hilahin ako ni Sevi papunta kay Santi. Hindi na rin ako nakapalag nang magawi ang tingin niya sa amin.
Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin bago marahang nag-angat nang tingin sa akin. Hindi ko masabi kung masaya ba siyang makita ako dahil sa kalagayan niya. He doesn't look okay.
Binawi ko ang kamay ko kay Sevi bago pa kami makalapit kay Santi. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti.
“Anak... nandito na si Mama,” nababasag na ang boses ko sa pagpipigil na umiyak.
I missed him so much.
I noticed Santi sobbing as he opened his arms for a hug.
Tuluyan na akong umiyak sa ginawa niya. Lumapit ako sa kan'ya na humagulgol nang iyak bago mahigpit siyang niyakap.
“Mama... I'm sorry. Hindi ko na po kayo iiwan. Huwag na rin po kayo ulit aalis, Ma. Miss... n-na miss na po kita.” He sobbed.
Parang dinudurog ang puso ko sa sakit na nararamdaman ng anak ko noong iniwan ko siya. Iniimagine ko pa lang ang araw-araw na pag-alis nila para hanapin ako at ang pag-aasikaso ng aming negosyo alam kong nahihirapan na siya. Dumagdag pa ang mga nangyari sa amin na nagdulot ng matinding sakit sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
Aktuelle LiteraturPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...