Chapter 16Gael Sevirino Torres
After kong dumaan sa bahay nila Tita Crisanta galing school, umuwi muna ako para magpalit ng damit pangtulog. Mag-da-dalawang linggo na kasing hindi umuuwi si Santi kaya kailangan kong puntahan at kumustahin ang mag-i-ina ko. Hindi ko na kasi sila puwedeng pabayaan lalo na ngayong wala siyang kasama sa bahay.
Ayaw pa rin kasi niyang pauwiin si Manang Linda na nasa probinsya. Naaawa na raw kasi siya sa matanda, matagal ng hindi nakakauwi kaya hinahayaan na muna niyang sulitin ang bakasyon niya.
May choice 'man ako o wala, pupuntahan ko pa rin sila sa kabilang bahay. Kulang na nga lang ay doon ako matulog, ayaw nga lang ni Tita Crisanta.
Naiintindihan ko naman siya. Kaya ang ginagawa ko na lang, imbis na hayaan siyang matulog mag-isa sa bahay nila, dito na ako natutulog sa kotse.
Tapos na akong magbihis kaya oras na para ayusin ang night life ko sa aking kotse. Nagdala na rin ako ng food at water in case na magutom ako at makaramdam ng uhaw. Mabuti na iyong handa palagi.
Pinarada ko lang ang kotse ko sa tapat ng bahay nila Tita Crisanta at inayos ang mga upuan para comportable naman ako sa pagtulog.
Mag-da-dalawang linggo ko na rin itong ginagawa simula nang umalis si Santi papunta sa papa niya. Hindi ko rin naman siya masisisi, pero nasisiguro ko namang babalik siya.
He loves his mother very much.
Pagkatapos kong mag-ayos ng kotse, ginawa ko na ang daily routine ko. Umupo ako sa likod ng raptor ko habang nakatingin sa bahay nila Tita Crisanta.
Medyo madilim na kaya halos lahat ng ilaw sa bahay nila ay bukas. Mas maigi na 'yon para nakikita niya ang lahat ng dinadaanan niya.
Ito ang ginagawa ko gabi-gabi bago matulog si Tita Crisanta. Pinapanood ko ang bahay niya na parang cctv. Hindi ko 'man siya nakikita mula dito sa labas, atleast alam kong ligtas siya.
Maaga naman natutulog si Tita Crisanta. Recently before nine ng gabi tulog na siya. Gano'ng oras kasi namamatay ang ilaw sa kwarto niya. Mabuti na lang talaga ang isang side ng kwarto niya harap na ng bahay.
Nawala ako sa concentration nang makaramdam ako ng kung ano sa balat ko. Makati. Masakit. Shit!
Tinaas ko ang braso ko dahilan para makita ko kung ano 'yon. Ikaw lang pala, sinisira mo pa ako sa momentum.
“Tangina, lamok ka lang!” saad ko at hinampas ng medyo malakas ang braso ko. “Tatay ako at asa...”
Wala nga pala kaming label. Importante pa ba 'yon?
Hello, may twins na, oh! Maghahanap pa ba ako ng label?
I chuckled at my own thoughts.
Actually, I'm still planning to court her after everything what is currently happening. I don't want to take advantage since Santi is not at home. I want to court her decently and officially.
Gusto ko naman may magandang makwento sa mga anak namin, hindi 'yong puro problematic lang. Hindi 'man siya kagaya ng isang fairytale, at least naparanas ko sa Mama nila maging isang prinsesa.
I leaned back and stared at the house. I can still feel the sadness of their house even if I'm here outside.
Mahahalata mo talaga agad ang lungkot kapag wala ang kahit isang miyembro ng pamilya. Lalo na sa bahay namin, lahat sila wala ako na lang palagi ang naiiwan.
Nawala na naman ako sa momentum nang may dumaan na kotse sa harap ko. Napatingin ako doon at pinanood ang pagdaan niya. Nanlaki ang mga mata ko at nagmadaling bumaba ng kotse nang makitang si Santi iyon.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...