Chapter 17Crisanta Gutierrez
Two weeks ng hindi umuuwi si Santi. Two weeks na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Pinipilit ko naman para sa kambal, kaya lang miss na miss ko na talaga si Santi.
I'm always wondering if he's doing fine, o kumakain ba siya sa tamang oras. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.
Ito ang pinakamatagal naming hindi magkasama. Noon sumasama siya sa mga camping na inaabot lang ng ilang araw, minsan pa nga pinapapunta pa niya ako kung nasaan sila dahil namimiss na raw niya ako.
Growing up, Santi is a really really sweet boy. Ayaw din niyang humihiwalay sa akin.
Kaya sobrang hirap para sa akin na wala siya lalo na ngayon na palagi ko siyang gustong nakikita. Pero kailangan ko siyang intindihin. Nagkamali ako at kailangan kong pagbayaran iyon.
Nasa tamang edad na rin siya para magdesisyon para sa sarili niya. Maghihintay na lang ako kung kailan niya ako patatawarin.
Nasa dining table lang ako kumakain ng strawberry at honey. Nowadays ito ang palagi kong hinahanap kapag wala akong gana kumain. Parang ito na kasi ang nagiging comfort food ko ng hindi ko alam kung paano nangyari.
Bigla ko na lang siya nasabi tapos ayon na... palagi ko nang hinahanap.
Isusubo ko na ang last piece ng strawberry na sinawsaw ko sa honey nang biglang may nag door bell. Kung sino ka 'man, hindi puwedeng hindi ko muna ito isusubo.
Ngumiti ako at masayang sinubo ang strawberry na hawak ko bago tumayo at nagtungo sa pinto. Nakakailang door bell na kasi, parang gusto nang sirain. Baka si Sevi lang 'yon na mangungulit na naman.
Lumabas ako ng bahay at dali-daling naglakad papunta sa gate. Kapag si Sevi talaga 'to matatamaan siya sa'kin. Palagi na lang pinagti-tripan itong door bell ko. Nakakapasok naman siya sa ayaw at sa gusto ko.
Desisyon amp.
Naiirita kong binuksan gate.“Sino ba 'yan---” Umurong ang dila ko nang makita ang hindi ko inaasahang tao na tatayo sa harap ng bahay namin.
What is she doing here?
It's been twenty-one years since I last saw her. She's too old.
“M-mommy?”
I still can't believe she's here. Galit ako sa kan'ya pero naiiyak ako. Ang tanda na ng Mommy ko, tandang-tanda ko pa noong huli naming pagkikita. Bata pa siya noon na sobrang layo na sa itsura niya ngayon.
I think I missed her.
Naiiyak na talaga ako, pero kailangan kong itago sa kan'ya. Hindi ko pa rin makakalimutan lahat ng pagpapahirap niya sa amin noong pinagbubuntis ko pa si Santi kaya napilitan akong umalis.
Walang kasalanan noon si Santi pero hindi niya pa rin ito matanggap. Kaya mas pinili ko na lang lumayo at palakihin siya ng mag-isa.
Pinagmasdan kong mabuti si Mommy at si Nikita na nasa likod niya. Umiiwas siya nang tingin sa akin.
Mukhang alam ko na kung bakit sila nandito.
Parang bumalik ang lahat ng luha ko. Hindi na pala ako naiiyak.
Tumayo ako ng tuwid at walang emosyon silang tiningnan. “Bakit nag-abala pa kayong dumalaw? Walang may sakit---”
Hindi ako pinatapos ni Mommy. Hinawi niya ako at pumasok ng wala 'man lang pahintulot ko.
Iyan ba ang gugustuhin kong makasama ni Santi hanang nagkakaisip? No way. Kahit maghirap kaming dalawa, hindi ko siya hahayaang maging katulad nilang lahat.
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...