Epilogue (OLD VERSION)

18K 480 319
                                    


Epilogue

Crisanta Gutierrez - Torres


After three years...

“Santi!” Pinagpapawisan na ako kakabahol sa batang malikot na 'to. Mabuti na lamang at dala ni Sevi si Dos dahil kung hindi baka makunan pa ako.

Yes, I'm five months pregnant, and it's a girl. Sa lahat ng puwedeng maging masaya, si Sevi iyon. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya ng babae. Matagal na naming napag-usapan 'yon, ngayon lang kami pinagbigyan. Siguro alam ni Lord kung kelan kaya na namin ulit.

Si Sevi ang nagbigay ng pangalan sa kambal. He named our first born same as our Santi, and he named the second born as his jr and we called him Dos.

Nabanggit niya sa akin na si Santi raw ang nag-suggest noon bago sila maaksidente. Siguro isa na 'yon sa mga sign ng langit bago siya kinuha sa amin. Marami pang sign na hindi ko na napagtuonan nang pansin noon. Kung alam ko lang sana, baka napigilan ko pa na mangyari 'yon.

Pero sabi nga nila, lahat may dahilan, pati ang pagkawala niya. At kapag may nawala, may dumarating na mas higit pa.

Dumating ang kambal sa buhay namin nang araw na nawala si Santi. Bilang ina, mahirap para sa akin na mawalan ng anak, pero dahil sa mga naiwan kasama ko, kailangan kong maging mas malakas.

Hindi naman gugustuhin ni Santi na makita kaming nahihirapan lahat, kaya kahit masahirap at masakit pa rin para sa amin, kailangan naming maging masaya para sa kan'ya.

He did not sacrifice his life for nothing, we should live our life to the fullest.

“Mama! Mama! Look!”

Huminto ako nang tumakbo pabalik si Santi habang may tinuturo siya sa langit.

“Papa told us Kuya Santi is up there. Is he riding on the big flying bird?”

Napatingala agad ako at tiningnan kung ano ang tinutukoy niya. May nakita akong eroplano na agad nakapagpangiti sa akin.

I looked back at Santi before kneeling so that I could talk to him better. He was just three years old and still curious about anything what he saw

I'll talk to him in a nice way. “Yes, he's up there in heaven, pero hindi siya nakasakay doon. When you grow up, you'll understand what we're trying to say.” I smiled and messed up his hair.

He just nodded and smiled. He really looks like his brother. Kaya minsan nababawasan din talaga ang pagka-miss ko sa kan'ya.

“Okay po, Mama.” Hinalikan niya ako sa pisngi at saka niyakap.

Bukod sa itsura, pati ugali ni Santi nakuha niya. Malapit na tuloy akong maniwala sa reincarnation na sinasabi nila.

Niyakap ko na rin siya bago binuhat at tumayo. Kaya ko pa naman silang buhatin sa ngayon, hindi pa naman masyadong mabigat ang tiyan ko.

Papasok na sana kami sa loob ng bahay nang napansin ko ang pagbukas ng gate. Mukhang nandito na ang mag-ama ko.

“Love, we're here!”

“Mama!”

Tama nga ako, nandito na ang lahat ng makukulit. Nagpababa na rin si Santi at tumakbo papunta sa Papa niya.

“Papa!”

Pinanood ko lang silang dalawa na parang ilang taong hindi nagkita. Kahit kanino talaga sweet 'yon si Santi. Malayo sa ugali ni Dos na parang may sariling mundo palagi, pero selfless din katulad ng Kuya Santi nila.

Bumaba ang tingin ko kay Dos na nasa tabi ko na pala at may pinapakita sa akin.

“Bumili po kami ni Papa ng orange egg. Favorite po ni Santi.”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon