Chapter 20Gael Sevirino Gutierrez
Pumasok ako sa loob ng bahay nila Tita Crisanta pagkakita ko ng kotse ni Santi na nakaparada sa tapat ng bahay nila. Baka kasama niya si Tita Crisanta. Baka umuwi na siya kasi nandiyan na si Santi.
Pinapangunahan na naman ako nang takot na baka totoong umalis na nga siya. Nakita ko kasing umalis ang kotse ni Tita Crisanta two hours ago, paalis pa lang si Mama noon kaya hindi ko siya nahabol.
Naghintay ako ng isang oras sa pagbabalik niya, pero wala. Kaya nagpunta ako dito kanina at tiningnan ang buong bahay pati ang kwarto niya. She left with some of her clothes kaya umalis ulit ako para hanapin siya, but I can't find her.
“Santi? Nasaan si Tita?” bungad kong tanong kay Santi nang makita ko siyang nakaupo sa sahig. He's crying.
Oh, fuck.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng dibdib ko sa takot na baka nga tinotoo niya ang pananakot sa akin. Ayokong isipin pero sa nakikita ko ngayon parang nawawalan na ako nang pag-asa.
Tiningnan lang ako saglit ni Santi bago muling yumuko.
“S-she left us.”
Nanlambot ang tuhod ko sa katotohanang ayaw kong marinig. Umurong ako at hinawakan ang railings sa likod ko. Maging ang pagtayo hindi ko na kakayanin dahil sa mga nangyayari.
Tuminga ako at nagpipigil na umiyak. Kaharap ko lang si Santi, ayokong makita niya na pinanghihinaan ako ng loob.
Pero paano ko gagawin 'yon?
Umalis ang nag-iisang tao na pinakamamahal ko ng walang paalam dala ang mga anak namin. Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para manatili siya at pagkatiwalaan ako? Handa naman akong gawin lahat at iwan ang pamilya ko para sa kan'ya.
Napaupo na lang din ako nang hindi ko na kinakaya ang bigat na nararamdaman ko. Yumuko at humagulgol nang iyak. Wala na akong pakialam kung makikita ako ni Santi.
Tangina naman, ang sakit.
Walang kasiguraduhan kung makikita ko pa ba sila pati ang mga anak ko. Pero nandito si Santi na mahal na mahal ni Tita Crisanta kaya hindi ako dapat mawalan nang pag-asa.
Kaya babalik siya... babalikan niya kami.
Bahagya akong nag-angat nang tingin at pinagmasdan si Santi na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Nakayuko lang siya simula pa kanina.
Kung masakit para sa akin, mas masakit para sa kan'ya kasi siya ang anak at matagal na nakasama. Kahit inis at galit na galit ako sa kan'ya nitong mga nakaraang araw, hindi ko pa rin maiwasang maawa.
Siguro sinisisi rin niya ang kan'yang sarili sa mga nangyari, lalo na at ilang linggo siyang nawala. Pero ang totoo, ako naman talaga ang may kasalanan.
Lahat ng ito... ako ang nagsimula kaya ako ang dapat sisihin.
Hindi naman ito mangyayari kung hinayaan ko na lang na mabulok at mawala ang nararamdaman ko kay Tita Crisanta. Sana hindi ko na lang pinilit ang sarili ko sa kan'ya. Sana nandito siya ngayon at masaya kaming lahat. Nang dahil sa akin naging kumplikado lang ang lahat.
I sigh. “S-sorry... Santi.” I bit my lower lip and looked away.
Kasalanan ko itong lahat kaya dapat ako ang umayos.
I heard Santi sniffed. “Y-yes, that's right. Mag-sorry ka kasi kasalanan mo naman talaga itong lahat. Hindi aalis si Mama kung hindi mo siya binuntis. Anong klaseng kaibigan ka? M-matapos kitang tanggapin dito sa bahay... sisirain mo lang pala ulit ang pamilya namin.”
BINABASA MO ANG
✔ || Hot Mom
General FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's best friend. *** As a single mom, Crisanta, always put her son first. She never failed to be a mother even though she's raising Santi alone...