Hot 21

19K 565 281
                                    


Chapter 21

Thobias Christian Gutierrez

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang ako sa magiging set up namin nila Mama at Sevi once mahanap na namin sila. Kaya kahit masakit, tatanggapin ko na lang hanggang sa unti-unti na akong walang nararamdaman.

Ayoko rin namang maging hadlang sa kanila kung doon sila magiging masaya ni Mama. Sino ba naman ako para pigilan sila?

I'm just his bestfriend who secretly liking him for seven years. And guess what? He's going to be a father with my own Mom.

Time flies... makakalimutan ko rin na nagustuhan ko siya.

Five weeks na naming hinahanap ni Sevi si Mama, pero hanggang ngayon wala pa rin kaming lead kung nasaan sila. Pero kahit gano'n, hindi pa rin kami nawawalan nang pag-asa. Makikita namin sila.

“Saan tayo ngayon, Sevi?” tanong ko kay Sevi nang hindi ko inaalis ang tingin sa kalsada.

Sa buong linggo nang paghahanap namin, ako ang palaging nagmamaneho. Nakikipagpalitan lang siya kapag nakakaramdam na ako nang pagod. Kung ako ang driver siya naman ang in-charge sa mga lugar na pupuntahan namin.

Lumipas ang ilang minuto nang hindi ako nakatanggap sagot mula sa kan'ya. Sinulyapan ko saglit si Sevi na naabutan kong tulala at malayo ang tingin.

Binalik ko ang atensyon sa kalsada na nagtataka sa kinikilos ni Sevi. Kanina ko pa rin siya napapansin na parang wala sa saril. Hindi rin siya nagsasalita sa mahigit kalahating oras naming biyahe.

Akala ko ay hindi lang maganda ang puwesto ng unan niya sa pagkakatulog kaya gan'yan siya, pero mukhang hindi iyon ang kaso. May malalim siyang iniisip.

“Sevi, may problema ba?” nag-aalala kong tanong.

“H-ha? Ah, wala. Iniisip ko lang kung anong --- si Tita Crisanta. Nag-aalala lang ako kung ano na ang ginagawa niya ngayon.”

He's lying.

Kung akala niya ay maniniwala ako sa palusot niya, pwes, nagkakamali siya. Halos dalawang dekada na kaming magkaibigan, hindi niya na ako maloloko.

“Gagawin mo pa naman akong bobo. Ikaw lang naman 'yon,” sagot ko sabay tingin sa rear mirror para tingnan siya. “Kung may iniisip ka, puwede mo namang sabihin sa'kin. Ano pang silbi ko sa mundong 'to kung hindi ko naman matutulungan ang bestfriend ko? Tapos magiging step dad pa kita,” ani ko pa na may halong biro.

Idadaan ko na lang lahat sa tawa, lalo na kung kailangan niya.

Hindi ko inalis ang tingin sa rear mirror habang tumitingin-tingin din sa kalsada. Wala nagbago sa ekspresyon ni Sevi. Nakatanaw lang siya sa malayo.

Naningkit ang mga mata kong binalik ang atensyon sa pagmamaneho. Mas lalo akong nagdududa sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay may mali rin sa mga nangyayari.

“May hindi ka ba sinasabi, Sevi?” I confronted him. Kung hindi ko siya tatanungin mukhang wala naman siyang balak sabihin. “Nahuli ka na ba ng Mama mo?”

“H-hindi, ah. Sa galing kong ---”

“Sinungaling ka. Tuwid naman ang dila mo, bakit nauutal ka?” I chuckled. Magsisinungaling na nga lang nagpapahalata pa. “Anong sabi ni Tita Yvette?” usisa ko.

Kung itatanggi pa rin niya, baka masapak ko siya. Bakit hindi siya gumaya sa akin? Magaling magtago. Sa pitong taon ko ba namang ginagawa 'yon, ewan ko na lang kung hindi pa ako matuto.

“Hindi nga sabi. Kulit.” He tsked.

“Para kang others, Sevi. Kung hindi mo 'yan sasabihin, hindi kita matutulungan. Tinakatakot ka ba niya? Hindi na ako magugulat kung tinatakot ka nga niya kasi ginawa na niya sa akin 'yan at ni Lola.”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon