Hot 15

21.4K 527 110
                                    


Chapter 15

Crisanta Gutierrez

I felt so relieved to know that my twins was okay after what happened. I considered it a miracle.

It just happened that after I woke up in this hospital bed, I wanted to tell Santi everything. Para kasi akong natakot. Natakot na baka sign na iyon para magpakatotoo ako sa anak ko.

What if, iyon na pala ang huling beses naming pag-uusap pagkatapos ng mga nangyari. Ayokong mawala sa mundo na may dinadala pa rin akong sikreto sa anak ko.

Santi deserve to know everything. Siya lang ang palaging nandiyan para sa akin, hindi naman tama na pagtagalin ko pa ang katotohanan.

Lalabas ang kambal at hindi imposible na kamukha nila ang ama nila. Coincidence kasi palagi nasa bahay si Sevi at pinaglihian ko? No. Ayokong gawing tanga ang anak ko. He's not stupid to believe whatever I'm saying.

My heart is racing right now. Naghihintay na lang ako ng tamang tiyempo para sabihin kay Santi ang totoo. Ihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Kung itatakwil niya ba ako o pipiliing intindihin. I don't know, basta ang alam ko masasaktan ko siya.

I took a deep breath and then turned to face Sevi. He's also waiting for me on what I'm about to say.

Muli akong huminga ng malalim. “Si Sevi, anak...” panimula ko at iniwasan ng tingin si Sevi para tingnan si Santi. “Si Sevi ang ama ng dinadala ko...” dagdag ko na kahit nasabi ko na pala hindi pa rin mababawasan ang bigat na dinadala ko.

Humagulgol ako ng iyak nang makita ko si Santi na tulala lang sa mga sinabi ko. Nasaktan ko na naman siya. I always break his heart because of my negligence.

I don’t seem to deserve his forgiveness now.

I broke his heart again.

“Nak... s-sorry...” I sobbed as I tried to reach out his hand.

Hindi niya ako pinansin. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa namalayan ko na lang na may natumba.

What did Santi do? Bakit may dugo sa labi ni Sevi?

“Kaya pala ikaw ang tinawag niya kaninang hayop ka! Akala ko nagkamali lang siya... pero tangina! Mama ko 'yon, Sevi! Mama ko 'yong binuntis mo!”

My jaw dropped at what santi said. Ginawa ko ba talaga 'yon? Bakit ko naman siya tatawagin... fvck. I did.

Hindi ko na alam mga pinagsasabi ko noon dahil sa sakit, pero bakit sa dami ng pangalan si Sevi pa?

Nakakuyom ang mga kamay ni Santi at ramdam ko mula dito ang galit na nararamdaman niya. Naiiyak ko na naman siyang tinawag. Kung hindi ko siya aawatin baka kung ano ang magawa niya kay Sevi.

“S-santi...” tawag ko,

“Putangina, talaga! All this time, Sevi, you're sleeping with my mother?! Hindi ka 'man lang ba nahiya sa'kin?!” sigaw niya na mas lalong nagpahagulgol sa akin ng iyak. Nagulat din ako sa kung paano siya magalit.

Akala ko kilala ko na ang anak ko, hindi pa pala. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang kilala kong Santi, kung hindi tahimik, palagi namang nakangiti at nakikipagbiruan sa akin. 

“Ma! Ano 'to?! Bakit sa bestfriend ko pa? M-ma...”

Umiyak lang ako at pilit siyang inaabot para yakapin. Mas lalo pa akong hindi makapagsalita nang nakikita ko nang tumutulo ang luha niya.

“Sana inisip niyo muna ako bago kayo pumatong sa isa't isa. May feelings din naman ako... at hindi madali para sa akin na makita ang Nanay at bestfriend ko na naghahalikan sa harap ko.” He's crying. “Sa labas muna ako... magpapahangin.”

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon