Asher's POV
"Mama! Si Kuya oh, inaaway ako"pagsusumbong ko kila mama. Paano ba naman kasi, kanina pa ako inaasar ng tukmol kong kapatid.
"Casper! Ano na naman bang katarantaduhan ang ginagawa mo sa kapatid mo! Aba'y baka mamaya balian mo yan ng buto. Kay payat-payat niyang kapatid mo!"pasigaw na sabi ni Mama kay Kuya Casper.
Nahurt naman ako kay Mama. Grabe payat ako? Sakto nga lang yung katawan ko. Mas malaki lang talaga yung katawan ni Kuya.
"Itigil niyo nayang bangayan niyo at kakain na tayo! Para kayong mga bata! Ikaw Casper, bente-sais ka na ginaganyan mo parin kapatid mo"mahinanong sabi naman ni Papa. Tumingin ako sa may pintuan ng kwart at nakita ko si Papa na masamang nakatingin kay Kuya.
"Pa, sabi ko lang naman sa kaniya na wag siyang magboboyfriend kasi bata pa siya. Binato ba naman ako ng unan"pagmamaktol ni Kuya.
"Hoy! Napasinungaling mo, Kuya! Sabi mo nga sa akin, pandak ako tas sabi mo pa pangit ako!"sabi ko naman.
"Casper Jean Dawson! Magsibak na ng kahoy ngayon na!" maawtoridad na sabi ni Papa. Tumingin sa akin ng masama si Kuya pero binelatan ko lang bago siya umalis.
'Deserb mo yan, Kuya!'
"Ash? Anak?"biglang sabi ni Papa sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit po pa?"tanong ko kay Papa.
"Magko-kolehiyo ka na. Malalayo ka sa amin"biglang sabi ni Papa. Ngumiti naman ako kay Papa.
"Pa, sa Manila lang naman po ako mag-aaral. Pwede ko naman po kayong bisitahin dito. Tsaka nandun naman po si Kuya Elly. Hindi naman po ako papabayaan ni Kuya"sagot ko ko.
"Pero anak, binalita sa amin ng Kuya mo na maraming masasamang tao doon. Bagong salta ka pa naman doon" nag-aalalang sabi ni Papa.
Tumayo ako at niyakap si Papa. Kahit na nasa 50+ na si Papa, di parin maipagkaka-ila na mukhang bata parin siya.
"Pa, kaya ko naman yung sarili ko. Tsaka tinuruan naman mo ako ni Kuya Casper na mag-self defense. Kaya kaya ko sarili ko pa. Wag kayong mag-alala"sabi ko.
"Anak, ikaw ang bunso ng pamilyang Dawson. Tsaka pilyo din iyang Kuya Elly mo at baka mapabayaan ka pa"saad ni Papa.
"Pa naman! Ayaw niyo ata akong pag-aralin eh"sagot ko kay Papa.
"Hindi naman sa ganun, Ash. Hindi madali ang buhay sa Manila"saad niya.
"Pa, nandun din naman sila Kuya Hans at Kuya Malique. Hindi naman ako papabayaan ng mga kaibigan ni Kuya Elly. Wag na po kayong mag-alala. Tsaka nasa iisang bahay naman po kaming apat"sagot ko.
"Basta mag-iingat ka doon ah. Lagi mo kaming tatawagan ah"sabi ni Papa.
"Pa, bukas pa alis ko, hindi ngayon" si Papa talaga masyadong OA. Dinaig pa si Mama.
"Pa! Tapos na akong magsibak ng kahoy!"biglang sabi ni Kuya Casper.
"Oh siya, kumain na tayo at maaga pa nating ihahatid si Asher bukas"sagot ni Papa. Tumango nalang kaming dalawa ni Kuya.
Ipapakilala ko muna ang aking pamilya.
John Vicente Dawson, ang pangalan ng Papa namin. Siya yung laging nagtatrabaho, isa kasi siyang Architect kaya minsan ay wala siya sa bahay namin. Mahinahon siya pero OA kung maka-react. Dinaig pa babae.
Lovely Jean Dawson, siya naman ang mama namin. Laging galit yan. Kung makasigaw kala mo taga-bundok. Pero mapagmahal yang si Mama. Sa kaniya din ako natutong magluto. Yes po, opo... marunong po akong magluto. Si Mama, isa siyang guro sa elemtarya kaya mahilig siya sa bata. Lagi nga niyang kinukulit si Kuya Casper tungkol sa pag-aasawa niya kaso si Kuya Casper, ayaw pa niyang mag-asawa.
YOU ARE READING
The Mafia Lord's Bride (Mafia Series #1)✓
RandomNicklaus Asher Dawson is just a simple young man who just want to have a simple life with his family. He's a little sunshine as what they say because he always like to smile and made everyone days better. Tahimik ang kaniyang buhay kasama ang kaniya...