TMLB: CHAPTER 3

221 9 0
                                    

Asher's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Tumingin agad ako sa may orasan, medyo maaga pa para sa byahe. Napatingin naman ako sa tabi ko.

"Hah? Nasan si Kuya? Katabi ko lang siya kagabi eh"saad ko. Agad akong tumayo at pumasok sa banyo.

Naghilamos at naligo dahil maaga ang alis ko. Si Kuya Casper lang ang maghahatid sa akin dahil may project si Papa si Mama naman ay pupunta kila Tita.

Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis. Simple lang naman. Ilalagay ko na sana yung butones ng polo ko ng maalala ko ang panaginip ko kagabi.

Ewan ko pero parang totoo yung panaginip ko kagabi. May isang pares ng labi ang humahalik sa akin. Di ko alam pero nasarapan ako dun. Bakit ba eh masarap ngang humalik eh. Pero ewan ko lang kasi pakiramdam ko totoo yun. Kung totoo man yun sino naman yung taong hahalik sa akin? Di ba?

"Ash, tapo—"agad akong napatingin sa may pintuan at nakita ko si Kuya na nakatitig sa may bandang dibdib ko. Napansin ko din ang pamumula ng kaniyang mga tainga.

"Kuya? Bakit? Kakain na ba?"tanong ko kay Kuya na biglang tumalikod ngunit pansin parin ang pamumula ng kaniyang mga tainga.

"Ah, oo! Dalian mo dyan, pandak! Ihahatid pa kita"sagot ni Kuya bago siya umalis.

Nagtataka man ngunit minadali ko ang pagbobotones ng aking polo bago ako lumabas ng kwarto.

"Oh anak! Mukhang handa ka talagang umalis ah"sabi ni Mama. Alam ko namang malungkot siya dahil aalis na ang bunso at maganda niyang anak. Char baka sabihin niyo pang pilingero ako. Ganda tayo mga teh.

"Ma, bibisitahin naman namin kayo ni Kuya Elly dito eh"sagot ko sa kaniya bago ko siya niyakap.

"Hay naku! Dalawang buwan ko ng hindi nakakausap yang Kuya mo. Hindi ko alam kung may tampo ba sa akin" nakangusong sabi ni Mama sa akin.

"Ma, alam mo naman si Kuya Elly. Nakatuon lang siya sa pag-aaral niya" sagot ko.

"Oh siya! Kumain na tayo at baka maiwanan ka pa ng bus. Bus na nga lang naghihintay sayo, maiiwanan ka pa"saad ni Mama.

Oh tingnan niyo. Pati si Mama nang-aasar.  Kawawa talaga kapag ikaw yung bunso. Ikaw lagi inuutusan, ikaw lagi yung inaasar. Ikaw lagi yung pinapagalitan. What did I do to deserve this kind of threat? Charot lang mga dzai.

Parang tao lang din naman yang bus na iyan eh. Iiwan ka kapag napuno na.

Pighati. Iyak kayo dali. Marami akong tissue dito. Gusto niyo? Isa-isa lang baka marami kayo. Char.

Kumain na agad kami pagkadating ni Papa. Tahimik lang kaming kumakain, pansin ko din ang pasulyap-sulyap ni Kuya sa gawi.

Dzai! Baka nakadrugs Kuya ko. Ang weird niya ngayon. Tas lagi pa siyang tumitingin sa akin. Mga dzai! Pasabi sa pulis may baliw dito. Ay mali, sa mental pala yun.

"Kuya? May problema ba? Kanina mo pa ako titingnan"tanong ko kay Kuya.

"Wala! Mamimiss ko lang yung bunso namin na sobrang pangit at pandak" sagot ni Kuya.

"Papa oh! Pangit at pandak daw ako sabi ni Kuya"pagsusumbong ko kay Papa.

"Casper! Hayaan mo na ang kapatid mo"mahinanong sabi ni Papa.

"Anak, hindi ka ba pwedeng dito nalang magkolehiyo?"biglang tanong ni Mama sa akin.

"Ma, si Kuya Elly na din ang nagsabi di po ba? After kong maka-graduate ng highschool, kukunin na niya ako para sa manila ako makapag-aral" paliwanag ko kay Mama.

"Love, hayaan mo na si Ash. Para din naman sa kinabukasan niya yan"sabat ni Papa.

"Basta mag-iingat ka doon ah. Balita ko, maraming masasamang tao doon. Masyado ka pa namang mabait"saad ni Mama.

"Sus, may attitude nga yan tas sasabihin niyong mabait"sabat ni Kuya Casper.

Epal talaga kahit kailan. Kala mo naman napakagwapo eh mukha namang unggoy. Galunggong!

"Casper Jean Dawson"maawtoridad na sabi ni Papa.

"Tss"ang tanging sagot nalang ni Kuya.

Luh! Tingnan mo. Sasabihan akong may attitude tas siya naman yung ma-attitude na kala mo babae. Parang babae amputa.

"Pa, tapos na ako! Baka malate pa po ako sa bus station"sagot ko.

"Oh sige, ako na lang maglalabas ng mga gamit mo at para maihatid ka na ni Casper"saad ni Papa.

Agad na akong pumunta sa sala kasama ko si Kuya. Si Mama naman ay nahuhugas ng mga pinagkainan namin habang si Papa kinuha yung mga bagahe ko.

"Nicklaus"biglang sabi ni Kuya Casper kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Bakit Kuya?"tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin ng malalim.

"Ayokong may lumalapit na ibang lalaki sayo. Wag na wag mong hahayaan na bastusin at apihin ka nila. Wag mo ding hahayaan na may lumapit sayong ibang lalaki bukod kay Elly. Naiintindihan mo?" maawtoridad na sabi niya na tila ba ipinapahiwatig niya na pag-aari niya ako.

"Bakit naman Kuya? Paano kung nakikipag—"

"Naiintindihan mo, Nicklaus Asher?" tanong niya muli sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

Nagtataka ako kung bakit ayaw na ayaw ni Kuya Casper na may lumalapit sa aking ibang lalaki. Na tila ba, parang pag-aari niya ako? Imposibleng may gusto sa akin si Kuya Casper dahil magkapatid kami.

"Mas mabuti na ang walang kaagaw" dinig kong sabi ni Kuya.

"Hah? Anong kaagaw Kuya?"tanong ko sa kaniya.

"Wala. Yan, nood pa ng horror movies. Kung ano-ano na tuloy naririnig mo"pabalang na sabi niya sa akin.

Pero narinig ko eh. Imposibleng nabibingi ako.

"Baka kailangan mo na ng bagong salamin"biglang sabi ni Kuya Casper.

Hahahaha! Salamin? Lutang ata si Kuya. Kailan pa nagkaroon ng salamin para sa tenga? Paki-answer nga mga dzai dahil nalulutang yung Kuya kong ubod ng hangin kala mo electric fan.

"Kuya, walang salamin para sa tenga. Yan. Basted ka siguro kaya ka nalulutang"saad ko sa kaniya.

Tiningnan niya naman ako ng masama. Sa tingin ba niya natatakot ako sa masama niyang tingin. Never! Mukha nga siyang oso—i mean aso kasi.






"Anak, mag-iingat ka doon hah. Wag kang nagpapalipas ng gutom. Kapag may kailangan ka, sabihin mo kay Elly hah. Lagi mo kaming tawagan"saad ni Mama. OA di ba? Char lang.

"Opo ma. Wag din po kayong laging nagpapagod. Mag-iingat din po kayo"saad ko kay Mama.

"Anak, wag kang nagpapa-api doon ah. Sabihin mo agad sa Kuya mo kung may nang-aaway sayo"saad ni Papa.

"Opo, pa!"saad ko sa kaniya.

"Oh siya, naghihintay na sa'yo si Casper. Mag-iingat kayo. Kamustahin mo nalang kami kay Elly hah"saad ni Mama.

"Opo ma! Babaye po! I love you!" nangiting sabi ko sa kanila.

"I love you too anak!"sagot nilang dalawa. Niyakap ko na muna sila at umalis.

"Mamimiss ko itong Nueva Ecija"

Goodbye Nueva Ecija! Hello Manila. Yawa! Sana naman may mga maging kaibigan ako doon.

To be continued

The Mafia Lord's Bride (Mafia Series #1)✓Where stories live. Discover now