Casper's POV
Tulog na siya. Tulog na si Asher dahil ramdam ko ang malalim niyang paghinga.
Nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako sa mga magulang niya. Tama kayo, magulang niya. Hindi nila ako tunay na anak. Inampon lang ako ng mga magulang niya nang makita nila akong nag-iisa sa may bahay-ampunan.
Hindi ko talaga nililigawan si Azrael. Tropa lang kami. Sa totoo lang, kay Asher ako may gusto. Hindi mali. Mahal ko siya. Hanggang ngayon, hinahanap ko parin yung totoong magulang ko.
Tumingin ako sa kaniyang magandang mukha. Napangiti ako dahil hindi maipagkaka-ila na isa siyang lalaki sapagkat ang mukha niya ay parang sa babae. Pati narin ang kaniyang katawan. Lagi ko siyang inaasar para hindi niya ako mahalata. Hindi niya alam na hindi niya ako totoong kapatid dahil ayoko munang ipaalam sa kaniya.
Elly Roi Dawson, alam niya lahat. Alam niya na may gusto ako sa kapatid niya at malaki ang pagkadisgusto niya sa akin at sa damdamin ko. Naaalala ko pa nun, bago siya umalis ng kinaumagahan.
Flashback
Nasa kwarto ulit ako ni Ash. Binabantayan siyang matulog. Alam kong mali ang magkagusto sa kaniya pero yun ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Lalapit na sana ako sa higaan ni Ash ng biglang bumukas ang pintuan. Napalingon pa ako sa may pintuan at laking gulat ko nang makita ko si Elly. Ang tunay niyang kapatid. Halata din ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang makita ako ngunit agad din itong napalitan ng blangkong mukha.
Agad siyang lumapit sa akin at kinuwelyuhan ako.
"What are you doing here, Casper?" malamig niyang tanong sa akin.
Casper lang ang tawag niya sa akin dahil simula bata, malamig na siya makitungo sa akin.
"Just watching our sibling on his sleep"sagot ko naman.
"Watching our sibling? Casper, don't lie to me, you bastard!"galit na sabi niya bago niya ako kinaladkad palabas ng kwarto ni Ash. Nakarating kami sa may likod ng bahay. Di ko ipagkakaila na malakas din siya kahit na apat na taon lang ang agwat namin sa isa't isa.
Marahas niya akong binitawan at agad niya akong sinuntok.
"Wag mo akong niloloko, Casper! Alam kong hindi bilang kapatid ang nararamdaman mo para sa kapatid ko! Tama ako hindi ba?!"galit na tanong niya sa akin.
"Nagkakamali ka, Elly"sagot ko sa kaniya.
"Nagkakamali?! Kitang-kita ko palang kung paano mo tingnan ang kapatid ko! Kinamumuhian kita, Casper! Hindi ako bobo para hindi mapansin ang mga kinikilos mo sa twing nasa malapit si Nicklaus! Gago ka ba! Akala mo ba hindi ko napapansin na ang possessive mo sa twing may kumakausap at lumalapit na lalaki sa kaniya?! Hah?!"galit na sabi niya sa akin.
"Wala akong nararamdaman para kay Ash"pagsisinungaling ko. Sa pangalawang pagkakataon sinuntok niya ulit ako.
"Gago! You look like a damn open book! You're easy to read, Casper! Madali kang basahin!"sagot niya.
"Alam kong magiging masaya ka kapag umalis ako pero ito lang ang tatandaan mo, Casper! Kukunin ko si Nicklaus sa oras na tumuntong siya ng kolehiyo! Ilalayo ko siya sa iyo!" sambit niya.
"Bakit kailangan mong ilayo ang taong mahal ko?!"galit na tanong ko sa kaniya. Napatawa siya dahil sa sinabi ko.
"Mahal mo?! Gago?! At sa tingin mo ba tatanggapin ka ng kapatid ko sa oras na malaman niyang iba na ang nararamdaman mo para sa kaniya?! Gago! Kamumuhian ka ng kapatid ko at siya na mismo ang lalayo sayo! Kaya habang hindi ka pa nakakaamin, dadalhin ko siya sa oras na tumuntong siya ng kolehiyo! Wala ka ng magagawa sa desisyon ko, Casper!"sambit niya.
"Mahal ko ang kapatid mo kaya wag mo naman siyang ilayo sa akin" pagsusumamo ko.
"Buo na ang desisyon ko, Casper! Dalawang taon. Dalawang taon at kukunin ko na siya. At wala ka nang magagawa"sagot niya bago niya ako iniwan.
End of flashback
Hindi ko parin nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung makakaamin pa ba ako kay Ash or hindi.
Napatingin ulit ako kay Ash nang bigla itong gumalaw. Umangat ang mukha niya sa mukha ko kaya napatingin ako sa kaniyang malarosas na labi. Agad na umangat ang kamay ko para haplusin ang kaniyang labi.
"Your lips are so tempting"bulong ko habang hinahaplos ang malambot niyang labi.
Hindi ko namalayan na unti-unti nang lumalapit ang aking mukha sa kaniya. Hanggang sa napapikit nalang ako at dinama ang lambot at tamis ng kaniyang labi. Napahiga siya at ako naman at pumaibabaw sa kaniya.
Ilalayo ko na sana ang labi ko sa kaniya ng bigla niyang inilagay ang kaniyang magkabilang braso sa likod ng aking leeg at hinila ako palapit sa kaniya.
He started to kiss back on me that made me smile. I deepen the kiss until he suddenly moaned that made me stopped.
Napatingin ako sa kaniya at tulog parin siya. Kaya bigla akong napa-isip. Nananaginip lang siguro siya. Agad akong umalis sa pagkakapaibabaw sa kaniya at umalis ng kaniyang kwarto. Naglakad ako papunta sa aking kwarto at agad itong isinarado.
Nasabunot ko ang aking buhok dahil sa nagawa ko. Ninakaw ko ang kaniyang unang halik. Alam kong mali pero bakit tila ang sarap sa pakiramdam na nahalikan ko siya.
Napangiti nalang ako at napahawak sa aking labi.
"Your lips are so soft and sweet, my little Ash"napangisi ako ng maalala ko ang nangyari kanina.
"I will make you mine soon, my little Ash. No one will gonna steal you away from me. You're mine, my little Ash" bulong ko sa hangin.
Hindi ko pwedeng hayaan na may umagaw sa kaniya. Aalis man siya ngunit susunod ako sa kaniya. Ilalayo man siya ni Elly ngunit gagawa ako ng paraan para mahanap siya. Papatay ako kapag may naging hadlang sa aming dalawa. Papatay ako kapag may umagaw man sa kaniya para sa akin. Kahit na si Elly pa yan, papatayin ko dahil ayoko sa lahat ang mga taong humahadlang sa mga plano ko.
Hindi ako makakapayag na habang buhay na ilayo sa akin ni Elly, si Ash. Dahil sisiguraduhin kong luluhod siya sa harap ko kapag patuloy niyang ilayo si Ash.
'I will make you mine soon, my little Ash'
To be continued
Author's note:
Awiiieeee!!! May psycho na tayo.
Casper Jean, the psycho!!
YOU ARE READING
The Mafia Lord's Bride (Mafia Series #1)✓
RandomNicklaus Asher Dawson is just a simple young man who just want to have a simple life with his family. He's a little sunshine as what they say because he always like to smile and made everyone days better. Tahimik ang kaniyang buhay kasama ang kaniya...