Asher's POV
Nakakapagtaka na bigla-bigla nalang yumakap si Kuya Hunter sa akin. Di ba? Isipin niyo mga dzai, napasigaw lang ako dahil may nakita akong daga tas biglang dadating ang isang matipunong lalaki na buglang yumakap sayo.
Naku mga dzai, grabe yung tibok ng puso ko kanina. Pero, di ko ipagkakaila na gwapo siya at maganda ang pangangatawan.
"Pero nakakapagtaka na hindi ko man lang siya nakilala simula nung pumunta dito si Kuya"bulong ko sa aking sarili.
"Uhm, hey"isang baritonong boses ang aking narinig dahilan para magulat ako at mapatigil sa pagluluto.
Agad akong lumingon kung sino ang nagsalita at nagulat ako ng makita si Kuya Hunter."Kuya Hunter? May kailangan ka ba?"tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya bago siya lumapit sa akin.
"What are you cooking?"tanong niya sa akin.
Mga dzai, sa susunod paki-inform ako na dapat laging kang nag-eenglish hah. Di ako nainform na dapat pala puro english ang salita dito sa manila. Aba'y malay ko ba, e pati nga si Kuya Casper laging nage-english kahit na nasa probinsya lang siya.
"Ah, adobong baboy na may sitaw Kuya Hunter. Gusto mong tikman?" sagot ko naman. Tumitig muna siya sa akin bago siya tumango. Agad naman akong kumuha ng kutsara at nagsandok. Itinapat ko ito sa kaniyang bibig. Syempre hinipan ko muna. Hindi ako careless no. Maagala kaya ako. Isinubo niya naman iyon at nginuya. Napagtanto ko yung ginawa ko at naramdaman ko nalamang ang pamumula ng aking pisngi.
"A-ano, m-masarap ba Kuya Hunter?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah, it's good and tasty. You're a wife material, Asher. Your future husband will be lucky for you"sagot niya na mas lalong ikinapula ko.
"Tss, but I will be glad if I was your husband"bulong niya na hindi ko naman narinig.
"May sinasabi ka Kuya Hunter?" tanong ko sa kaniya.
"Hah? Nothing"sagot niya naman. Napatango nalang ako at tinapos na ang pagluluto.
"Kuya Hunter, sila Kuya pala? Nasaan sila?"biglang tanong ko sa kaniya bago ako umupo sa may counter. Bakit ba eh gusto kong umupo sa counter eh.
"They went out. I have nothing to do so they asked me if I can stay here for a while until they are done"sagot niya.
Mga dzai, pakikuha na nga 'tong lalaking 'to. Kanina english ng english. Ganito ba dito sa manila?
"Btw, did you already enrolled in college?"tanong niya sa akin.
"Oo, inasikaso na yun ni Kuya nung isang araw pa"sagot ko naman sa kaniya.
"What school?"tanong niya sa akin.
"Sa Carter University. Pagmamay-ari niyo ata yun eh. Tama ba, Kuya Hunter?"sagot ko naman.
"Yeah, Carter University is owned by my brother"sagot niya bago ulit siya tumingin sa akin.
Di ko alam pero tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko habang siya'y nakatitig sa akin. Ang kaniyang kulay itim na mga mata na nakatitig sa akin. Ang kaniyang mga makakapal na pilik-mata at kilay. Ang perpektong hugis ng kaniyang panga at ang mapupula niyang mga labi. In short, perfect na.
Nahiya naman ako sa katawan at itsura ko. Kumpara dito sa lalaking napakatangkad.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Ang kaniyang mga kamay ay nakatungkod sa magkabilang gilid ko. Ilang centometro nalang ang layo ng aming mga mukha. Naduduling na din ako dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa akin.
YOU ARE READING
The Mafia Lord's Bride (Mafia Series #1)✓
De TodoNicklaus Asher Dawson is just a simple young man who just want to have a simple life with his family. He's a little sunshine as what they say because he always like to smile and made everyone days better. Tahimik ang kaniyang buhay kasama ang kaniya...