Prologue

288 10 1
                                    

Nag lalakad ako pauwi.Kakatapos Lang Ng klase namin at lumong lumo ako.Wala ako sa sarili habang nag lalakad.Pero shempre nasa gilid Naman ako Ng kalsada kàya Di ako mabubundol.

Ang daming kamalasan Ang natanggap ko.Kakasimula palang Ng buwan e puro kamalasan agad.Anong sasabihin ko Kay mama na humagsak Yung isang subject ko?Competitive pa Naman ako na makasali ako sa honors ulit pero mukhang malabo.

Nag taka ako bakit ko kàya naibagsak Yun samantalang kompleto Naman ako e.

Isa pa bukod sa lintik na bagsak ko Yung paparating na concert nila.Di ako nakabili Ng ticket last batch na Yun at sold out na daw.Tapod Yung ilalabas na bagong merch sold out na Rin.Ano?Napaka malas ko Naman ata.

Wala Naman na atang malas na matatanggap ngayon e.

Tumingala ako at isang poster Ang nakita ko.

SB19 mall show?Sa next Sunday?Legit ba toh?OMG swerte Rin toh Di Ito malas grabe.

Kinuha ko cellphone ko at tinignan Yun.Tumingin ako sa mismong official account pero walang post kàya sa municipal page namin ako tumingin.Doon ko Nakita Ang isang shared post galing sa city hall.

Legit nga!

Binulsa ko Yung cellphone ko at saka ako nag lakad Ng may Makita akong parating na Van at may Bata na tatawid.

Agad akong tumakbo palapit sa Bata at tinulak ko Ito paalis sa daan.Tatayo na Sana ako Ng bumusina Yun at malakas na salpok Ang tumama saakin.

Diko na maaninag pa Kung Sino o lumabas man Lang ba sila dahil unti unti na akong pumikit.

Social Status[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon