VIII

32 5 14
                                    

Isinulat ni Gabriel ang huling pangungusap ng kaniyang ginagawang sanaysay, matapos ay tinuldukan ito. At sa wakas, natapos na rin ang kaniyang essay entry para sa kompetisyon. Bago tumayo at magtungo sa harapan para ipasa ang gawa ay pinagmasdan niya muna ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad patungo sa gusali ng silid-aralan, naramdaman niya muli ang mga titig sa kaniya ng ibang estudyante. Simula nang ipakilala siya sa Buencamino bilang scholar noong nakaraang linggo ay hindi na nawala ang mga tingin sa kaniya ng iba sa tuwing nasa paaralan siya. Ipinagsasawalang-bahala niya na lamang ito. Sanay na siya. Hindi na siya bago rito dahil naranasan niya na ito noong nasa elementary at junior high siya. 'Yong pagtitinginan siya ng mga kamag-aral kapag nalaman ng mga ito ang tungkol sa kaniya. Pero sa una lang naman 'yon. Ngunit gayunpaman, hindi siya naging komportable kailanman dito. Naka-iilang. Hindi niya malaman kung anong mga nasa isip ng mga ito sa tuwing tinitignan siya.

Sa abalang paglalakad ay narinig niyang may sumigaw ng apelyido niya sa kung saan. Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-aakalang nagkataon lamang, pero nang maulit ito ay saka lang niya hinanap kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. Sa kaniyang likuran ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki. Tumatakbo ito papalapit sa direksyon niya. Nang makalapit ay muling itong nagsalita na bahagyang tumatawa pa, "akala ko hindi mo 'ko narinig."

"Sorry." Paumanhin niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad kasabay ang lalaking iyon na si Julien.

"Kumusta naman... sa essay writing?" Hinihingal pa ang lalaking nagtanong kay Gabriel.

"Ayos lang."

Kita niya ang biglang pagkunot ng noo ni Julien. "Nagsusulat ka pala?"

Hindi siya agad nakasagot. Natagalan pa bago magsimulang magkaliwa't-kanan ang kaniyang ulo, "hindi. Sumali lang ako para hindi ako makapag-long quiz ngayong araw sa Gen. Math."

Mabilis na napalingon ang binata sa kaniya. Maya-maya pa ay isang hindi makapaniwalang tingin at ngiti ang gumuhit sa mukha. Pagkatapos ay tumawa ito. Ngunit bago pa man makapagsalita ito ay muli siyang nagpaliwanag.

"Hindi kasi ako nakapag-review kahapon. Kaya noong sinabi ni Ma'am kanina na bukas niya na lang bibigyan ng long quiz ang mga sasali ay sumali na' ko, para makapag-review ako mamaya kapag nakauwi."

"Wow..." Ang tanging nasabi na lamang ni Julien. Saglit na katahimikan ang nangyari sa paglalakad nila.

"Marami bang ginagawa sa inyo?" Muli siyang napalingon sa sinabi nito. "I mean narinig ko kasi last week noong nagku-kwento ka sa mga kaklase natin na tumutulong ka sa mga gawain sa inyo... Ayon ba 'yong dahilan kaya hindi ka nakapag-review?"

"Ahh... Hindi naman. Abala kasi ako sa paghabol sa ibang subjects. Dahil late na ko nakapasok, kailangang kong maghabol ng mga gawaing ipapasa sa mga teacher."

Gaya ng huling naging reaksyon ni Gabriel, ganoon din ang nagawa ni Julien habang paulit-ulit na tumatango. "Kumusta naman?"

"Ayos lang din. Tatlong subject na lang ang hahabulin ko ngayong linggo: DISS, Oral Comm., at 'yong UCSP."

Katahimikan. Ngunit sandali lang iyon nang magsalita muli si Gabriel.

"Ewan ko ba sa Buencamino. Hindi nga namin alam sa St. Ignacio kung bakit na-late sila sa pag-approve ng mga scholarship namin. Hindi naman ako sa nagrereklamo, mahirap din kasi na maghabol sa mga subjects, kaya ko naman pero mahirap talaga. Saka kasi sa mga nakaraang private school na napasukan ko maaga naman silang nakapag-approve ng form namin. Pero, naisip ko na marami nga palang nag-aaral dito, marami rin silang aaskasuhin kaya baka natagalan."

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon