XVIII

22 3 8
                                    

Welcome to FindingDate!

Check the box if you are agree to our Terms and Conditions and Privacy Policy.

Pinindot niya ang lahat ng kahon na kailangang punan. Maging ang 'continue' na buton sa ibaba ng mga ito.

Finding your match...

Iginalaw-galaw niya ang mouse ng kaniyang computer habang naghihintay.

You are now chatting with a random stranger!

Napaayos siya sa kinauupuan nang sumulpot ang mga salitang iyon sa kaniyang screen.

Hi!

Biglang sumulpot din iyon. Mula ito sa kabilang linya. Tinugunan niya naman ang pagbating iyon. Hello!

I'm Rachel. What's your name?

Napatitig siya sa screen. Huminga muna siya nang malalim bago pumindot sa kaniyang keyboard.

I'm Cedric. Nice meeting you

Mabilis tumugon ang kaniyang kausap. Nice meeting you Cedric :) I'm from Laguna. Ikaw ba?

Namilog ang kaniyang mata at bibig nang makitang nasa Laguna lang din ito. Kaya tinanong niya kung saan ito banda. Saan sa Laguna? I'm from Laguna too.

Calamba. Kapitbahay ni Rizal. Haha. You?

Napalunok siya sa nabasa. Parehas lang din silang nakatira sa Calamba!

Nagsimula siyang makaramdam ng kaba sa dibdib. Nagtagal ang mga daliri niya sa keyboard. Parang nahirapan siyang mag-isip ng sasabihin dito. Habang nasa ganoong sitwasyon ay nakita niya ang pagsulpot ng panibagong mensahe mula sa kausap.

Yoohoo! Buhay ka pa ba?

Sunod na napailing na lamang siya ng ulo.

"I can't do this."

Mabilis niyang sinara ang website. Umalis siya sa harap ng kaniyang computer at humiga sa kama. Daig niya pa ang tumakbo sa kaniyang sunod-sunod na paghangos.

Napatakip na lamang si CJ ng mukha dahil sa ginawa.

******

September 5, 2022

Araw ng Lunes at pagsisimula ng bagong linggo ng pag-aaral. Pumasok si CJ ng kanilang silid-aralan. Inayos niya ang mga sa kaniyang upuan. Nang makaupo ay saka niya lang napansin na bakante ang katabi niya kung saan umuupo si Wesley. Pabulong na lang siyang napasabi ng 'salamat'.

Nangyayari kasing maaga itong pumapasok at naaabutan niya ito. Ngunit nitong mga nakaraang araw, lagi na itong nale-late. Hula niya ay kasama nito si Sabrina, ang nobya nito.

Ngunit para sa kaniya, mas maganda na rin iyon para hindi nabubungad ang umaga niya sa pakikipag-asaran dito.

Napalingon siya sa pintong nasa harapan nang pumasok si Serena. Kasama nito ang kaibigan na si Trixie. Dahil naalala niya ang naging audition nito noong nakaraang linggo ay naisipan niyang tanungin ito nang makaupo ang dalaga. Ngunit nalaman niya rito na natalo pala ito. Hindi ito nakapasa sa audition.

"Baka may mga susunod pa namang mga contest, pwede ka pa namang makasali," alo niya sa babae.

"Ayos lang 'yon. Hindi naman ako umasa na makakapasa ako dahil first time ko pa lang din naman. Saka hindi naman ito ang huli, may next time pa naman gaya nga ng sabi mo."

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon