Epilogo

50 3 10
                                    

June 14, 2022 (Almost six months ago)

"Group 4 got the highest, with 12 points. Sila ang nanalo sa activity natin ngayon."

Nagbunyi ang mga miyembro ng nanalong grupo nang marinig nila ang sinabi ng guro. Bukod sa palakpakan ay may ilang sumigaw pa, tumayo at nakipag-apiran sa mga kasapi.

"Tambak, tambak, tambak!" Pang-aasar ni Wesley sa katabi nilang grupo, ang ikatlo. Sinabayan niya pa iyon ng pang-aangas ng katawan, habang itinataas ang dalawang kamay na mga naka rock and roll sign.

Hindi naman nagpatalo ang niloloko niyang grupo, isang mahabang "weh" ang narinig sa mga ito. May iba pang lumapit sa binata at itinulak ang lalaki.

Gumanti naman sa kanila si Wesley. Ilang ulit nagbalikan ng tulakan ang mga ito. Hanggang sa ang ilan pa ay sumali na sa nangyayari.

"Parang mga bata!" Sigaw ni Katy habang naglalakad at pinipilit na umiwas sa nangyayaring katuwaang-kaguluhan. Napasigaw siya nang may nakabangga sa kaniyang likod. Mabilis niyang hinarap ang kaklaseng iyon, nakatalikod ito at mukhang paharap din sa kaniya. Ngunit bago pa man iyon tuluyang makaharap ay tinulak niya na agad ito at ipinagpatuloy ang paglayo.

"Enough 11-H! Enough!"

Sa pagsigaw ng kanilang guro ay unti-unting natigil ang kaguluhan. Nang iutos nito na ayusin ang mga upuan ay mabilis itong sinunod ng mga estudyante. Isa-isa itong nagsiupo hanggang sa muling bumalik ang kaayusan ng silid-aralan.

Naging sensyales naman iyon sa guro para muling magsalita, "gaya nga nang sabi ko, exempted na ang mananalo rito para sa long quiz natin sa katapusan kaya... exempted na ang group 4 kapag dumating 'yon."

Isang paparating pa lamang na sigaw sa grupo ay mabilis na itong pinigilan ng guro, "walang magkakagulo ulit, palakpak lang,"

Na sinunod naman ng mga ito. Masayang nagpalakpakan ang bawat miyembro.

"Thanks to Montefalco, kung hindi dahil sa kaniya, hindi tayo mananalo." Singit ni Katy sa kasiyahan nilang lahat.

"Yes! Siya ang bumuhat sa'tin-and this new student din pala..."

Nilinongon ni Tracy ang nasa kanang katabi. Pagkatapos ay tinanong niya ito, "ano nga palang pangalan mo?"

"Gio," nakangiting sagot ng lalaki, na nagsalita pa para linawin ang ka-miyembro, "hindi rin ako new student, taga HUMSS-M ako. Pinapasok lang ako rito ni Sir kasi late ako sa kaniya kanina, first subject kasi namin siya."

Sa likod naman nila, mayroong pinag-uusapan sina Wesley at CJ.

"Birthday party, sa Saturday?"

Iginalaw-galaw pa ni CJ ang ulo na parang nag-aalinlangang sagutin ang kaklase, "yeah. Gusto ko lang din ma-experience na uminom. 18 na 'ko by the way. Ayos na naman sa mga magulang ko."

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Wesley, "hindi ka pa nakaiinom? ng kahit anong alak?"

Takang-taka sa tanong, dahan-dahang tumango si CJ. Tumawa naman ang kaniyang kausap.

"Really?" At mukhang hindi ito makapaniwala. Dahil dito ay sumeryoso ang mukha niya. Masinsinang niyang kinausap ang kaklase, "naiintindihan ko na maaga kang natutong uminom ng alak. Pero may mga tao pa rin na hindi pa at naghihintay ng tamang panahon para gawin 'yon."

Agad naman siyang tinapik sa balikat ni Wesley, batid niya ang pagpupumilit nitong seryosohin ang mukha nang simulang magsalita, "Come on bro, I'm just kidding! Pero sure, tutulungan ka namin d'yan. Sa'n mo pala balak uminom?"

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon