XXII

14 3 2
                                    

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Sarah. Hinawakan niya ang busol ng pintong nasa harapan. Nagtagal pa siya sa ganoong sitwasyon at parang nag-aalinlangan pa ang babaeng pihitin at buksan ang pinto.

Mahigit isang linggo na rin nakalipas simula nang mangyari ang pakikipag-usap niya sa isang estudyante sa HUMSS H, na hindi niya rin inasahan na mauuwi sa matinding gulo. Pagkatapos siyang pakalmahin nila Gio at magpunta sa clinic ng Buencamino, pinatawag siya sa guidance office. Pinagtapat silang dalawa no'ng nakaaway niyang babae, si Kristine. Hindi sila pinaalis ng opisina hangga't hindi dumadating ang kanilang mga magulang. Nang magkaharap-harap naman lahat ay nagkaroon pa ng unting pagtatalo ang magulang niya sa magulang nito, dahil iyon sa pag-ungkat sa nangyari sa Lola ng babae. Sinabi naman ng paaralan na hindi nila problema ang bagay na 'yon, kung hindi ang nangyaring lang na away nila no'ng kaklase ng kaniyang Kuya.

Sinabi niya sa school counselor ang lahat ng nangyari. Ang sinabi niyang pamimilosopo ng babae nang subukan niya itong kausapin, at ang mga masasakit na sinabi nito — lalo na sa Kuya niya — na siyang naging dahilan din para sumabog siya, at patulan na rin ang babaeng iyon.

Marami pang pag-uusap ngunit sa huli, napagdesisyonan ng guidance na huwag silang bigyan ng parusa, silang dalawa. Ngunit kapalit iyon nang pag-aayos nila at pangangako na hindi na muling mauulit ang mangyari. Syempre dahil ayaw maparusahan, nakipag-ayos na lang siya sa babae kahit na masama pa rin ang loob niya dito, at alam niyang gano'n din ito. Sinabi naman ng guidance na kung gusto ng mga magulang nilang pag-usapan ang tungkol sa nangyaring pagkamatay ng Lola ng nakaaway niya, pwede naman daw. Ngunit hindi na raw ito sakop pa ng Buencamino.

Hindi niya alam kung nangyari nga talaga iyon, 'yong sinabi ng babae. Pagkatapos kasi ng nangyari ay iniwasan na ni Sarah ang pag-usapan ito sa kaniyang mga magulang. Sobrang hiyang-hiya kasi siya. Kahit nga isipin ang tungkol dito ay gusto niya nang isumpa ang sarili. Ito kasi ang unang beses na nakipag-away siya nang ganoon kalala. Hindi niya rin alam kung paano niya ito nagawa at paano ito nangyari. Marahil ay dala na rin talaga ng emosyon niya. Hindi niya na talaga nakontrol pa ang sarili.

Ngayon maliwanag na sa kaniya, wala talaga siyang napala sa nangyari. Gulo lamang ang naidulot nito. Nagkamali siya. Sana mas pinahaba niya pala ang pasensya. At sana kinausap na lang din sa tamang oras at lugar si Kristine. Baka sakaling hindi ganito kalala ang nangyari.

At dahil nga hindi rin napag-uusapan sa mga magulang, hindi niya rin matanong ang mga ito tungkol sa sinasabing ginawa sa Lola ng Kristine na iyon. Gusto niyang malaman kung totoo ba talaga ito. Kung nagpadala nga ba talaga sila ng abogado para takutin na magsara iyon ng sariling negosyo. Ngayon kasi ay iniisip niya na parang hindi naman ito kayang gawin ng kaniyang magulang.

Muling huminga nang malalim si Sarah. Pinalakas niya ang loob. Okay, gagawin ko na.

Walang ano-ano'y pinihit niya ang busol. Tinulak niya ang pinto at napatigil pa siya nang masilayan muli ang loob ng kwarto.

Sandaling nagblanko ang isip ni Sarah. Tila ang kaniyang pakiramdam ay nakisabay rin dahil para siyang namanhid sa kinatatayuan.

Nang bumalik sa kamalayan si Sarah ay inangat niya ang isang paa. Tinignan niya pa nga ito habang hinahakbang. Nang iangat ang tingin ay nagpatuloy-tuloy na siya sa paghakbang. Parang nagkaroon ng sariling kusa ang mga ito para tuluyang pumasok sa loob.

Iba't ibang posters ng mga banda at tungkol sa musika ang nakadikit sa pader. Nakangiti siyang umikot-ikot habang pinagmamasdan ang mga iyon. Napansin niya naman sa isang sulok ang nakatayong gitara. Lumapit din siya rito.

Hinawakan niya ang leeg no'n. Naramdaman niya ang magagaspang na kwerdas at makinis na likod na kahoy sa kaniyang palad. Binuhat niya ito. Inilapat niya ang hinlalaking daliri sa pinakamataas na kwerdas. At pinadulas iyon hanggang sa makagawa ito ng tunog. Inosente niya pang pinaulit-ulit iyon. Umalingawngaw naman ito sa apat na sulok ng kwarto.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon