XV

27 3 1
                                    

February of 2021 (1 year and 5 months ago)

"Ganito ang magiging plano," inilapit ni Penelope ang mukha sa dalawang kaibigang si Katy at Delaney, "ililista ko kayo ni Julien sa blind date booth. Tapos ayon, aminin mo na sa kaniya na gusto mo siya."

"'Yon na 'yon?" Nagtatakang tanong ni Delaney.

"Ano pa nga ba? Syempre gano'n lang kadali! Basta kapag nandoon na kayo sa loob ng booth, Katy please naman, kausapin mo na siya. Magtatapos na tayo at sayang kung hindi mo aaminin sa kaniya. Baka hindi na kayo maging magkaklase sa Grade 10. Ikaw rin!"

"Hindi ba parang nakahihiya naman kung aamin ako? I mean, parang ang desperate ko naman? Wala na bang ibang way?"

"Tinutulungan ka lang namin ni Delaney para mapansin ka ni Julien. Hindi pala mapansin, siguradong aware naman siya kapag inaasar namin kayo sa classroom."

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Katy dahil sa balak ng kaibigan.

"This is your chance Katy. Take it or leave it." Panghahamon pa sa kaniya nito

"One way, or another, anana nana, anana nana nana nana-

"Stop singing Delaney! Tara na. Baka mamaya ay humaba pa ang pila sa booth." Hinigit ni Penelope ang kaibigan. Nagkatinginan pa sila ni Katy at pinandilatan niya lang ito bago maglakad palayo. Naiwan naman si Katy na mag-isa sa bench sa kanilang paaralan.

Lumipas ang kalahating oras. Nanatili lamang sa kanilang silid-aralan ang tatlo. Napagpasiyahan ng guro na magtuturo sana nang oras na 'yon na huwag na lamang tumuloy. Depende naman sa teacher kung ano ang magiging plano nila ngayong araw. Dahil nga pakalat-kalat ang mga estudyante dahil sa mga booth na hinanda ng mga SSG Officers, ang ilan sa kanila ay hindi na nagturo.

Para tuloy isang non-working holiday ang araw ng mga puso ngayon sa kanilang paaralan.

"OMG they are here na!" Napatingin si Katy sa pinto ng kanilang kwarto. Nakita niya ang ilan sa mga SSG Officers na nasa labas at tinitignan ang loob ng kanilang aralan. Ang isa sa tatlong tao na 'yon ay may hawak na panyo.

"Nagkamali ata tayo Penelope, parehas pala silang naka-blindfold! Hindi kaya isipin nga ni Julien na plano ito ni Katy kung aamin siya tapos parehas silang may takip sa mata? Girl magmumukha nga siyang desperada no'n!"

"Yeah, ngayon ko nga lang din naisip."

"Ayon 'yong point ko kanina! Hindi ko lang na-expand," bulong ni Katy.

Nakita nilang tatlo ang pagtingin ng tatlo ring opisyal sa direksyon nila. Agad naman silang nagkaniya-kaniyang paraan para umiwas ng tingin. Ngunit batid nila ang ngayo'y pagpasok ng mga ito.

"O siya, magpanggap ka na lang na walang alam Katy. Magkunwari o magpabebe ka... Bahala ka na!"

"What?" Gulat na napalingon si Katy dahil sa sinabi ni Penelope. Ngunit nakita niya na lang ang pagngiwi nito at paghingi ng tawad.

Lumapit sa kaniya ang isang miyembro ng opisyal. Tinignan niya lang ito. Nang maalala ang sinabi ng kaibigan ay nagsimula siyang paamuhin ang sariling mukha.

Muli niyang tinignan ang taong nakatayo sa harapan niya.

"... Anong meron?" Nagtataka kuno niyang tanong dito habang nakakunot ang noo.

******

Katahimikan. Ito lamang ang nararamdaman ng tainga ni Katy. Dahil nakapiring ang mga mata ay hindi niya matukoy kung anong hitsura ngayon ng kwarto kung nasaan siya ngayon. Ang tanging ideya niya lang ay siguradong nasa maliit na espasyo nila. Ganito ang alam niyang ginawa ng mga nag-asikaso ng booth. Para itong cubicle. Nang sa gayon ay may pwesto rin ang ibang nais sumali rito.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon