XIII

27 3 3
                                    

Lumipas ang mga araw. Naging maayos ang simula ng panibagong quarter sa paaralan ng Buencamino.

"Thank you nga pala sa pagtulong sa'min sa activity kanina." Nilingon ni Gio si Sarah nang magsalita ito habang naglalakad sila palabas sa gusali ng STEM Building.

Naalala niya ang pagpunta nito kanina sa kanilang silid-aralan. Nagtaka siya nang sabihin ng mga kaklaseng hinahanap siya nito. Nalaman niya na lang na humihingi pala ito ng tulong para sa group activity nila sa General Mathematics. Dapat daw silang mag-conduct ng survey sa napili nilang HUMSS section. Ayon kay Sarah, mayroon na silang napiling seksyon ngunit sumaktong nasa Science Laboratory ang mga ito at may ginagawa ring gawain. Dahil dito ay naghanap sila ng ibang seksyon na pwedeng gawing sample population, ngunit nagkahiyaan pa raw silang makipag-usap sa mga nadaanan nilang seksyon. Kaya nang maisip siya ni Sarah ay agad itong nagtungo sa seksyon kung nasaan siya para kausapin tungkol dito.

"Walang anuman," tugon niya rito. Pagkatapos noon ay tahimik silang nagpatuloy na naglakad. Tapos na ang klase at uwian na kaya naman marami ang nakasasabay nilang patungo rin sa tarangkahan ng paaralan.

"Gio," muli siyang napalingon dito, "may narinig akong may nangyari raw sa HUMSS 11-H noong last quarter? Alam mo ba 'yon?"

Saglit na natahimik si Gio- napaisip, "anong meron?"

Si Sarah naman ang ngayo'y hindi agad nakasagot, "may narinig kasi ako sa kaklase kong may sexual harassment daw na nangyari ro'n. I'm not really sure, ayon 'yong pagkakaintindi ko sa kanila. Noong tinanong nila sa isang teacher namin na nagtuturo rin sa HUMSS, ang sabi niya hindi naman daw totoo 'yon. Hindi niya alam kung saan daw nagsimula 'yong kwento na 'yon."

"Hindi ko alam 'yan. Wala naman akong naririnig sa'min. Pero sa tingin ko, hindi naman ata totoo 'yon. Nasa HUMSS ako at kalapit lang namin ang building ng H, malalaman dapat agad namin 'yon kung totoo ngang may ganoong nangyari."

"Siguro nga." Tumango-tango si Sarah.

Nang makalabas sila ng Buencamino ay napagpasiyahang magpaalam ni Gio para sumakay na ng tricycle, na mga nakaabang sa gilid ng paaralan. Nakangiti naman ding nagpaalam sa kaniya si Sarah. Nang magkatalikuran ay saka lamang may naalala si Gio dahilan para tawagin niyang muli ang babae.

Ngunit agad niya ring binawi iyon, "wala pala," napapakamot pa siya ng ulo. Napansin niya ang pag-aabang pa rin ni Sarah na mukhang gusto nitong malaman ang nais niyang sabihin. Ilang saglit pa ay napilitan siyang sabihin iyon sa babae.

"May activity rin kasi kami sa UCSP. Kailangan naming mag-interview ng manggagawa o nagtatrabaho. Naalala ko kanina na may buko pie business nga pala kayo. Pero, naisip ko rin agad na hindi pala kasama 'yong mga may-ari ng business sa i-interview-hin namin. Kaya... nevermind."

"Pwede kitang tulungan na maghanap."

Mabilis na tumanggi si Gio, "huwag na, kaya ko 'yon. Madali lang naman. Kahit nga ngayon siguro kaya ko makahanap dito."

"Okay... Pero pwede ba 'kong sumama?"

Hindi agad nakakibo si Gio.

"Kung ayos lang sa'yo. Gusto ko lang din talaga na makagala," sabay tawa ni Sarah, "bihira na lang din kasi akong palabasin nila Mama dahil nga sa nangyari kay Kuya Lian. But don't worry, hindi naman ako manggugulo. Tutulungan lang kita. Gusto ko lang talaga makalabas naman ng bahay."

Muli, hindi nakakibo ang binata. Pero tila inintindi muna nito ang sinambit ng babae. Maya-maya'y dahan-dahan itong tumango,

"Okay. Ikaw bahala. Pero sigurado kang hindi ka mangangamote? O mao-OP ba? Kasi activity ang gagawin ko." Sinundan iyon nang napipilitan niyang pagtawa.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon