XI

28 3 6
                                    

Kung gaano kabakas ang gulat sa mukha ni Katy sa narinig, ganoon din ang dalawa nang malamang may makarinig sa kanila.

Walang nagsalita kina Julien at Gabriel. Napayuko na lamang si Julien habang si Gabriel ay napako ang tingin sa babae.

Nakaramdam ng kakaiba si Katy kaya lumapit siya sa dalawang lalaki. Lumiko ang tingin niya patungo kay Julien. "What's happening here?" Pagkatapos ay tinignan ang isa pang kaklase.

Katahimikan. Wala pa ring nagsalita sa kanila.

Muling nagsalita si Katy, "tama ba 'yong narinig ko Julien? Anong binalak gawin sa'yo ng lalaking 'to?" Nang tignan niya muli si Gabriel ay nakaawang lang ang bibig nito at kumukurap-kurap ang matang nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa.

Kung hindi niya pa tinawag muli ang pangalan ng lalaki ay hindi ito magsasasalita, "pumunta siya sa bahay para gawin namin 'yong project kay Mrs. Trajano. Pagkatapos namin magawa tinanong ko siya kung umiinom siya pero sinabi niyang hindi. Dahil hindi pa dumadating 'yong sundo niya sa ampunan naghintay muna siya sa bahay kaya naabutan niya pa 'kong uminom no'n. Nagkwentuhan kami... tapos hindi ko na maalala 'yong mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako na..." isang nalaluhang paghinga nang malalim ang narinig ni Katy sa lalaki bago ito muling magsalita, "wala na 'kong suot."

At labis niyang ikinagulat. Hindi siya makapaniwalang tinignan si Gabriel na ngayon ay naluluhang tumingin din sa kaniya. Napabulong si Katy, "tatawagin ko si Ma'am Lorenzo."

Gulat na gulat pa rin, umatras siya habang tinititigan ang dalawa. Nang makarating siya sa pintuan ay agad siyang sumigaw, "CJ, Come here!"

Walang siyang narinig na tugon sa kaklase. Dahil doon ay lumipat ang paningin niya sa loob ng silid-aralan. Nakita niyang nakaupo pa rin ito sa dulo, abalang kinakalikot ang telepono. Mas nilakasan niya ang pagtawag dito. "CJ!"

Napalingon sa kaniya ang lalaki, ngunit tinitigan lamang siya nito. Lalo pang napasigaw ang dalaga, "I said come here!"

Ngunit hindi lang pala ito ang makaaagaw ng atensyon niya. Dahil sa halos tiling sigaw na ginawa ay nagsitinginan sa kaniya ang mga natitira pang kaklase sa loob. Tila nahindik ang mga ito lalo pa nang makita ang hindi maipaliwanag na ekspresyon ng mukha niya. Kumaripas ang mga ito sa pintuan. Nakita niya naman ang pakikipag-unahan ng tinawag na kaklase.

"Bantayan niyo 'yan, tatawigin ko lang 'yong adviser natin." Sabay turo niya sa bagong kaklase. Nagtataka naman siyang tinanong ni CJ.

"Basta bantayan niyo 'yan! Huwag na huwag niyong hahayaan na makalabas ng Buencamino 'yan!" Isang masamang tingin ang ibinigay niya kay Gabriel. Pagkatapos no'n ay naglakad naman siyang patungo ng hagdan. Habang bumababa ng gusali ay narinig niya ang nagtatakang kaklase na nagtatanong sa kung ano ba talagang nangyayari.

******

"I can't believe it! Paano niya nagawa 'yon?" Narinig ni Katy na naitanong bigla ni CJ. Katabi niya ang kaklase ngayon sa mga upuang nasa labas ng guidance office. Halos nasa kalahating oras na silang nakaupo at naghihintay sa usapang nangyayari sa loob ng kwarto.

"Kasi gano'n talaga siya. Sino ba namang matinong tao ang sasama at makikipagkwentuhan sa isang umiinom na hindi niya pa lubos na kilala? Hindi niya nagagawa 'yan sa kanila kaya sinamantala niya na 'yong nangyari."

Isang sulyap ang binigay ni CJ kay Katy. Napailing siya. "Wala tayong alam sa nangyari. Pero sa tingin ko hindi magagawa 'yon ni Macatangay. Knowing na galing siya sa ampunan at siguradong natuturuan naman siya ro'n, hindi ko nakikita sa kaniya na magagawa niya 'yong mga ganoong bagay."

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon