XXI

21 3 4
                                    

"Hindi 'yan si Kristine."

Pinagmasdan nila ang isang babaeng kaklase ni Julius na pumasok sa silid-aralan.

"Hindi kaya kausapin mo na lang siya ng break time? Para mas makapag-usap kayo nang maayos. Malapit nang mag-bell." Suhestiyon ni Gio kay Sarah.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang patagalin hanggang mamaya 'to. Gustong-gusto ko na siyang kausapin, sa totoo lang."

Kahapon ay naikwento na sa kaniya ni Julius ang lahat. Lahat ng ginawa ng kaklase nitong si Kristine. Hindi pa siya makapaniwala nang malaman ang mga ito sa lalaki. Dahil naghihintay lang sa kaniya si Gio no'ng oras na 'yon ay nasabi niya na rin ito sa kaibigan. At ito na nga, nandito na sila ngayon sa hallway, tapat ng kwartong katabi lamang ng HUMSS H. Nagpasama siya kay Gio at nagpatulong na rin kay Julius para matukoy kung sino sa mga ito si Kristine.

"Makikipag-usap ka lang sa kaniya. Hindi ka makikipag-away."

"Alam ko 'yon Gio. Alam ko."

Ngunit sa tono ng pananalita ni Sarah ay batid ni Gio na may galit nang namumuo ngayon sa babae. Nagulat nga siya nang makita ang namumulang mukha nito. Dahil may kaputian pa nga ito ay mahahalata mo talaga.

"Ayan na siya..."

Nakita nila ang isang babaeng kaaakyat lang ng hagdan. Awtomatikong naglakad agad si Sarah nang marinig ang sinabi ni Julius. Silang mga lalaki naman ay mabilis na sumunod dito. Tinawag-tawag pa ni Gio ang pangalan ng kaibigan ngunit nagpatuloy ito sa paglapit sa babae.

Sa papalapit na si Sarah ay napatingin sa kaniya si Kristine. Pinagmasdan lang ng babae ang kaniyang paglakad. Huminto ito sa tapat ng babae. Doon lang nakita ang pagtataka sa mukha nito.

"Kristine. Tama?" Tanong ni Sarah rito.

"Bakit?" Sagot nito sa kaniya.

"May kailangan ka atang sabihin sa'kin. Kaya bibigyan na kita ng pagkakataon na sabihin 'yon ngayon sa harap ko."

Saglit na napatitig sa kaniya si Kristine. Ngunit maya-maya pa ay biglang tumaas ng kilay nito. "Pinagsasabi mo?"

"Alam ko na 'yong mga ginawa mo. Ngayon sabihin mo kung anong problema mo sa'kin at sa Kuya ko." Naramdaman ni Sarah ang lalong pag-init ng kaniyang ulo. Lalo na nang marinig ang pamimilosopo nito sa kaniya. Nakita niya ang pagtingin nito sa likuran niya. Napako iyon sa kaklase nito, kay Julius, na ngayon ay umiwas ng tingin nang tignan nito.

"May nagsabi na pala sa'yo," sarkastikong tumawa sandali ang babae. "Ngayon magtaka ka dahil hinding-hindi ko sasabihin sa'yo. Bahala ka mag-isip."

Nagsalubong ang kilay ni Sarah sa sinabi ni Kristine. Lalo na nang maglakad ang babae at pumasok sa loob. Dahil hindi matanggap ang sinabi ay sinundan niya pa ito. Malakas na hinigit niya ang braso nito at hinila paharap sa kaniya. "Huwag mo 'kong pilosopohin!"

Nakipagtitigan siya ngayon dito. Kung kaninang nakangiti pa ang Kristine na iyon, ngayon ay galit na galit na rin ang mukha ng babae. Marahil dahil sa biglaang paghila niya sa braso nito. Siya naman ngayon ang sarkastikong nanggigigil na tumawa sa harapan nito.

Naramdaman bigla ni Sarah ang paghila sa kaniya ng kaibigang si Gio.

*******

Nagulat naman ang mga estudyanteng nakakita sa nangyari. Dahil dito ay maraming napatayo. Biglang nagkagulo ang lahat. May mga nagsimulang lumapit sa direksyon ng kaklase nilang si Kristine at ng babaeng minsan nang nagtutungo sa silid-aralan nila.

"Anong nangyayari?" Tanong ni CJ. Pumagitna ito sa dalawa na ngayo'y inaawat na parehas.

"Bigla na lang siyang lumapit sa'kin!" Naiiritang sigaw ni Kristine.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon