Idinilat niya ang mga mata. Nakahiga ay pinilit niya pa ring magpalinga-linga sa paligid.

Na-diskubre niyang na nasa sarili siyang kwarto.

Nagsimula siyang bumangon. Ngunit napahawak agad siya ng ulo nang kumirot ito. Muntikan pa siyang mapamura dahil sa may maramdamang tila pagpisil sa loob ng kaniyang ulo. Dahil dito ay hinayaan niya ang sariling maupo muna sa kama. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay may napansin agad siya sa sarili.

Bumaba ang tingin niya at napahawak sa tiyan at dibdib, wala na siyang suot na damit.

Naramdaman niya bigla ang pagdikit ng tela ng kumot sa kaniyang hita. Kaya mabilis niya itong tinanggal sa pagkakatakip sa natitirang nababalot na katawan.

Nagtaka siya nang makitang wala na ang saplot pang-ibaba niyang gamit kagabi. Ang tanging suot niya na lamang ay isang boxer.

Unti-unting umingay ang dibdib, nagsimulang kabahan si Julien...

*****

"Pre, baka may assignment ka na sa Oral."

Nilingon ni Gio ang kaibigan at katabing si Brian. "Iba talaga kapag may jowa 'no? Nakalilimutan na'ng mag-aral," birong niya rito pero nagsimula na rin naman siyang hanapin ang notebook sa bag. Ibinigay niya ito kay Brian at nagpasalamat ito. Ngunit nakita niyang nilagay nito ang notebook na 'yon sa sariling bag nito. "Akala ko ba kokopya ka?"

"Mamaya ko na lang gagawin, last subject naman natin 'yon." Tumayo ang kaibigan niya at naglakad palabas ng kanilang hilerang inuupuan.

"Aba!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Gio, "makikipagkita ka na naman sa jowa mo. Gawin mo muna assignment mo, hoy!"

Hindi naman ito nagsalita. Tumatawa lang itong lumabas ng kwarto. Napailing na lamang si Gio sa kaibigan. Pinatuloy niya ang pag-aayos ng gamit at lumabas na rin ng silid-aralan. Nilisan niya rin ang paaralan at nagtungo sa milk tea shop na nakatayo lang sa tapat ng paaralan. Nagtungo siya sa counter para pumili at bumili. Pagkatapos ay naghanap siya ng mauupuan sa loob. Ngunit napansin niya ang isang babaeng nakaupo sa pinakasulok ng tindahan. May hawak itong libro at mukhang abala sa pagbabasa.

Lumapit siya sa direksyon na 'yon. Hindi pa man nakatatayo sa lamesa nito ay mukhang napansin na agad siya ng babae. Ibinaba nito ang librong hawak. "Gio."

"Hi," bati niya kay Sarah. "Kumusta?"

"Ayos lang. Medyo kinakabahan sa papatapos na first quarter," sagot nito.

"Bakit naman?" Saktong nang magsalita siya ay niyaya siya ni Sarah na maupo sa kaharap na upuan. Nagpasalamat pa siyang tinanggap ito.

"Exams. At alam mo na, ang mga sabay na sabay na projects sa iba't ibang subjets." Inangat nito ang librong kaninang nakita niyang binasaba ng babae. "Pero heto, nagbabasa na lang ng novel para mabawas-bawasan ang kaba."

Nakangiti niyang tinugunan ito, "kaya mo 'yan, ikaw pa."

Nakita niya kung paano panandaliang tumigil si Sarah. Matapos ay ngumiti na lang ito at natatawang nagsalita, "sana nga. E ikaw? Kumusta naman ang papatapos na quarter?"

"Parehas lang din sa mga sabay-sabay na projects. Pero sa exam, ewan, hindi naman ako kinakabahan."

Nakabilog ang bibig at mata at natatawa, alam niya ang pinapakitang mukha ni Sarah. Natawa na lamang din siya at nagpaliwanag, "nasanay kasi talaga ako na hindi pinaghahandaan ang exam, hindi ako nagre-review."

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon