VII

37 4 15
                                    

"Sa darating na petsa ng ika-28 ng Hulyo, gaganapin po natin ang National Nutrition Month. Lahat po ay inaanyayahan na makilahok sa iba't ibang paligsahan na inihanda naming mga SSG officers gaya ng essay-writing contest, poster-making contest, slogan-making contest, Top chef Buencamino, jingle-making contest, at iba pa. Magsisimula ang mga paligsahan ngayon hanggang sa susunod na linggo. Kung kayo po interesado na sumali sa mga ito ay maari lamang hanapin ang mga paskil na idinikit namin sa iba't ibang parte ng paaralan para malaman ang buong detalye. Maraming salamat po."

Nagpasalamat nang personal ang babaeng nag-anunsyo sa kanilang guro. At sa pag-alis nito ay napuno agad ng bulungan ang kwarto ng 11-H.

"Sayang wala silang pageant. Excited na sana ako e!" Masigla pero may panghihinayang na sambit ng kaibigan ni Serena.

"Ano ka ba Trixie? Parang wala namang pageant kapag nutrition." Tugon niya rito na bahagyang natatawa pa.

"Seryoso ka? Meron kaya!" Binigyan niya ng nakapagtatakang tingin ang katabi. "Oo nga, sa school namin mayroon. Baka mayroon din sa inyo, hindi mo lang maalala."

"Siguro... Pero ang sagwa naman kasi no'n. Ano, magsusuot ka ng malaking costume ng papaya?"

Agad na napakamot ng ulo si Trixie." Hindi naman gano'n 'yon!"

"Tol, sali tayo ng poster-making." Mabilis na napalingon si CJ kay Wesley. Gulat na gulat siyang tinignan ang lalaki.

"What?"

Kung gaano kabilis nagbago ang kaniyang reaksyon ay ganoon din si Wesley. "Anong akala mo sa'kin? Hindi marunong mag-drawing?"

"Hi–hindi naman... Nagulat lang ako."

"Ha! Sabihin mo minamaliit mo lang ako." Natawa na lang siya sa naging tuwiran nito. "Gusto mo i-drawing pa kita?"

"Talaga?"

"Oo." Kompyansang pagtanggap nito sa hamon niya. Nilapit ni Wesley ang mukha sa kaniya.

"Ako ang magiging Jack, ikaw si Rose," sabay kindat nito.

"Gago ka talaga!" Sabay batok niya naman sa binata.

******

Tumunog ang kampana ng Buencamino, nagsimulang mapuno ng ingay ang bawat kwarto. Oras na para magpahinga at kumain. Nagpaalam na ang guro nila Sarah, ngunit bago ito lumabas ay ipinaalala muli nito ang nalalabing araw ng pasahan ng kanilang proyekto.

Inayos na ni Sarah ang mga gamit. Nang marinig ang pangalan niya sa bandang pintuan ng silid-aralan. Napalingon siya sa direksyon na 'yon. "May naghahanap sa'yo!"

Tumango lang si Sarah at binitbit ang bag. Nagtungo siya sa harapang pintuan at hindi niya pa inasahan ang taong naghahanap di-umano sa kaniya.

"Gio?" Bukod sa nasurpresa ay kasama sa tono niya ang pagtatanong kung tama ba ang pangalang binanggit. Nakangiti naman tumango sa kaniya ang kaibigan ng kaniyang Kuya. "Anong ginagawa mo rito?"

Napansin niya pa ang pautal-utal ni Gio bago makumpleto ang sagot nito, "gusto lang kita kumustahin. Nabalitaan ko kasi 'yong nangyari noong nakaraang linggo..."

Marahil ang tinutukoy nito ay ang nangyari noong nakaraang Miyerkules, nang magpunta sila ng ospital matapos malaman na may nakitang lalaking palutang-lutang sa ilog.

"Ayos lang naman. Masaya ako noong malaman ko na hindi 'yon 'yong Kuya ko, sa totoo lang. Pero nalulungkot din ako sa nangyari doon sa lalaki. Bago kasi kami umalis dumating 'yong pamilya niya. Nakita ko kung paano sila umiyak bago pumasok ng morgue. Siguradong sobrang sakit ng naramdaman nila noong araw na 'yon."

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon